Sino ang kalaro ng anak ko? Umaga pa lang ay sobrang harot na ng tawa ng anak ko. Humahalakhak na para bang kinikiliti nang todo. Sino ba ang kalaro nito? Sinabi ko na kay Lucy at Reed na huwag kinikiliti si Brianna. Ayoko pa sanang bumangon pero na- curious ako kung sino ang kaharutan ng aking anak. Bakit gano'n na lang magtitili? Sobrang lakas pa ng tawa. Hindi na ako nakatiis at kaagad na umahon sa kama. Nang makita ko ang kasama ng anak ko ay biglang nawala ang antok ko. Napaayos ako ng tayo, napaayos sa sarili saka matapang ang mukha na lumapit. "Mommy!" "O?" masungit kong tugon kay Brianna habang pinupukulan ng mataray na tingin ang bisita. "Ano'ng ginagawa mo rito, Cheska?" "Mommy!" Nabaling ang tingin ko kay Bri nang yugyugin nito ang pajama ko, hinihila pababa. Halos mah

