"Madaling talikuran ang nakaraan, pero mahirap kalimutan." "Hindi imposible na magkabati, pero imposible nang maibalik sa rating hugis ang pusong minsan nang nahati." "They say love is sweeter the second time around, but how can you savor that sweetness when your mouth still tastes bitter?" "On a roll with the drama. Hm, lasing na nga kayo," sabat ni Reed sa mga batuhan namin ng mga kaibigan ko. "Hindi kami lasing!" Sabay-sabay pa naming singhal sa kaniya na tinawanan lang din niya. Sumabay nga pala sa amin pauwi ang mga kaibigan ko na nagpuntang Palawan. Nang malaman nila na uuwi akong Isla ay sumama na rin sila. Na-miss daw kasi nila ako pero kay Reed laging humaharot. Mula yata Palawan hanggang dito ay walang awat ang pagpapa-kyut nila sa boss ko. Ang pogi raw kasi. "Reed, baby.

