"Nasabi mo na kay Levi? Anong reaction niya?" Nag-angat ng tingin si Genesis mula sa pagsusulat sa organizer niya ng year and courses na maglalaban-laban sa darating na sports fest next week. May katungkulan kasi siya sa Student Government Organization. Sila yung nag-o-organize ng mga future and major events dito sa university. At nagpasama siya rito sa auditorium habang hinihintay yung mga ka-member niya para sa meeting na in-schedule ni Gene. "Sinubukan kong itanggi nung una, eh. Nakita ko kasing parang hindi pa siya handa..." Patango-tangong ibinalik niya ang tingin sa notebook. "I think it's a normal reaction... you know? Ang bata niyo pa pareho. And it's huge responsibility, Jane." "Yeah. I know, Gene.. Naintindihan ko naman yung reaction niyang 'yon." Yes, I really did.

