Nakatayo sa may tabi ng switch sa living area si Levi. Ilang sandali tulala lang siya sa amin bago mabilis na lumapit. Natigilan ako nang kargahin niya si Laura saka kami niyakap ng mahigpit. "What's wrong?" Nag-aalalang hinaplos-haplos ko ang likod niya. He was shaking. "May nangyari bang hindi maganda sa set?" "Wala.." Umiiling na tugon niya. "Hindi ka sumasagot sa mga chat at tawag ko. Pinatayan mo pa ako ng cellphone. Akala ko galit ka na naman dahil kasama ko si Yvette sa taping kaya umuwi ako kaagad. Pero pagdating ko rito sa unit, madalim." Humigpit ang yakap niya sa amin. "Walang Laura na masayang sumalubong sa akin pagbukas ng pinto. Wala ka sa kusina na nagluluto ng dinner. Akala ko iniwan niyo na naman ako.." Nakagat ko ang aking ibabang labi. I could hear the pain and fear c

