Nakatitig lang sa malayo si Levi, hawak ang papeles at tila malalim ang iniisip. Then he shooked his head. Disappoinment written all over his face. "We can hire a lawyer if you want. May mga kakilala si Gene, mahal.." hinaplos ko ang braso niya. Inakbayan niya ako saka niyakap at isinandal sa dibdib. Hindi siya nagsasalita naririnig ko lang ang mga pagbuntong hininga niya. Alam ko naman kahit may hinala na si Levi, sa ginagawang pagnanakaw ng manager niya— masakit pa ring malaman ang katotohanan na yung pinagkatiwalaan mo ng ilang taon, tinatraydor at ninanakawan ka pala sa mahabang panahon. Ang mas nakakalungkot pa— hindi naman naging masamang tao si Levi. Binibigay naman niya ng porsyento ni Carina sa bawat projects na nakukuha niya and all his life, he's been working so hard f

