Pumihit ako paharap sa kaniya at walang emosyong tumitig sa mga mata niya. "Wala na tayong dapat pang pag-usapan, Levi.” I should have told him that we’re done. That I want to end this. That I dont want this pain anymore. Pero kahit ano pang sakit yung nararamdaman ko rito sa dibdib ko ngayon, kahit pagod na ako, bakit ang hirap… ang hirap bumitiw? Ang hirap kumawala? Tinalikuran ko siya at pumikit bago nagtuloy-tuloy na lang sa kwarto namin. He followed me and grabbed my arm. "Meron!" Mariin niyang giit sabay pihit paharap sa 'kin. Mapait akong umiling. I tried to remain calm even if I could see the raging anger in his eyes. “This is going nowhere, Lev. Hindi tayo magkakausap ng maayos kung magpapadala sa emosyon.” “Bakit hindi ako madadala sa galit, ha?” His jaw moves aggressiv

