"Are you okay?" Nag-aalalang tanong ni Jerome. Nakatayo sa siya sa harapan ko habang nandito kami sa gilid ng overpass patawid ng Perps. Umiiling na pinunasan ko ang luha sa 'king pisngi gamit ang likod ng palad ko. Hindi ko ugaling magpakita ng kahinaan sa ibang tao. Lalo na sa hindi naman malapit sa 'kin. But this pain in my chest was unbearable. Parang bawat paghinga ko ay napakahirap. Hindi ko kayang hindi indahin ang sakit. "I'm not okay..." Pag-amin ko habang patuloy lang na pumapatak ang luha sa mga mata ko. Narinig ko ang pagbuntong hininga ni Jerome. Ilang sandaling hindi siya nagsasalita bago inilahad ang kamay sa 'kin. "Tara." Umangat ang tingin ko sa kaniya. "Saan tayo pupunta?" Sumisinghot na tanong ko. Nagkibit siya ng balikat. "Themed park? Ice cream? Arcade? Kah

