"Nasaan na kayo? Nakauwi na ba kayo? Hindi ba kayo nasaktan?" Sunod-sunod na tanong ni Levi na nasa kabilang linya. He immediately called me when I told him what happened, halos hindi na niya ibinaba ang tawag. Gusto niyang umuwi para masigurong ligtas kami, pero hindi naman makaalis sa taping kaya si Greta at Mike na lang ang pinapunta niya na naroroon sa salas. Kahit sinasabi kong okay naman kami ni Laura. At tama nga ang hinala ko, putok ng baril 'yong narinig namin kanina. At ayon kay Mang Gerry na nakakita sa pangyayari. May dumaan daw na puting Toyota Corolla tapos bigla na lang daw nagpaputok ng baril sa labas ng school ni Laura. Mabuti walang tinamaan at walang nasaktan. Kaagad namang pinuntahan ng mga pulis ang pinangyarihan ng insidente. At iniisip na dahilan ay politica. Tum

