Paglabas namin ng gate bumaba kaagad si Kuya Rommel sa nakaparadang itim na artista van sa harapin ng bahay at pinagbuksan kami ng pinto sa backseat. "Alis na po tayo, Ma'am?" magalang na tayong niya. Bumaling pa siya sa may gate. Akala niya siguro ay kasunod na namin si Levi. "Saan po si Boss?" Umiiling akong sumakay sa loob ng van karga pa rin si Laura. "Nasa loob pa, Kuya. Dito na lang namin siya hihintayin. Busy sila roon, eh." "Sige po." Tango ni Kuya Rommel bago isinarado ang pinto. Pagkaupo namin tiningala ako ni Laura. Nakaupos siya sa kandungan ko. "Mommy.." inosente siyang tumitig sa akin. Medyo lukot ang noo na tila, naguguluhan. "Yes, baby?" malambing kong hinaplos ang kaniyang pisngi. "Is daddy mad at me?" Kumunot ang noo ko, nagtataka bakit niya itinanong 'yon. "O

