"Kapag may lumapit huwag kang magsasalita, huwag kang lilingon. Hindi titigil ang mga siraulong 'yan hanggat hindi nakakakuha ng balita." Inakbay niya ang braso sa balikat ko at hinila ako pasubsob sa dibdib niya. "Alisin mo tali ng buhok mo, Mahal." "Okay, okay.." natatarantang hinila ko ang ipit para ilugay ang buhok kong naka-ponytail. Ang lakas ng kabog sa dibdib ko. Akala ko noon sa hollywood lang may paparazzi na gagawin ang lahat makakuha lang ng litrato pati pala rito sa Pinas? "Daddy... what's wrong?" Nagtatakang tanong ni Laura. Ibinaling kasi ni Levi ang pisngi nitong nakasandal sa balikat niya sa kabilang side para maitago ang mukha, kahit pa natatakpan na 'yon ng cap. "Listen to Daddy, Lau. If someone tried to talk to you, don't answer. Dont say anything.. Stay your face o

