Nagising akong ang sakit-sakit ng ulo ko. Para akong inuntog ng sampung beses sa pader. Makirot siya sa bandang sintido kaya hinilot-hilot ko ‘yon habang kinakapa ang cellphone sa night table. Hindi ko na matandaan paano pa akong nakauwi kagabi. Pero naalala kong pinuntahan ako at sinundo ako ni Levi sa bar kung saan kami umiinom. Paano pala niya nalaman na naroon ako? Sandali, umuwi na ba siya sa apartment niya? Wala siya pagdilat ko kaya napatingin na lang ako sa phone. Namilog ang mata ko nang makita kong alas otso na! May klase ako ng 8AM! Mabilis akong bumangon, nakahawak pa sa ulo kong sumasakit. Nagmamadali akong bumaba ng kama at mahilo-hilong naglakad papunta sa bathroom. Hindi ko pa ako nakakapasok doon nang biglang dumating si Levi. Nakasuot na siya ng puting tshirt at gray

