“Everything is fine, Iha. No bleeding at close naman ang cervix mo. And base rin dito sa TransVi mo, normal naman ang bata.” Kinuha ng doctor ang ballpen na nakaipit sa lab gown nito at nagsulat sa hawak na clipboard. “But if you’re still worried, pwede mo naman itong i-take. Katulad lang ito nung nireseta ko sa ‘yo para i-prevent ang miscarriage.” Kinuha ko ang inabot niyang papel. “Salamat po, Dra.” “No problem. Mabuti may clinic ako today.” Ngumiti sa ‘min ni Levi ang doctor. “Next time, just be careful. Huwag muna sa mga heavy activity. Hindi lang first trimester ang crucial stage ng pregnancy, okay?” Nilingon ko si Levi na seryoso ang itsura bago tumango at ngumiti kay Dra. Anikka na nagpaalam na rin sa ‘min. Nandito kami ngayon sa ER. Sinugod kaagad ako rito ni Levi pagkatapo

