“Mahal, nakapag-send ka na ba ng money sa Mama mo?” Bungad ko kay Levi paglabas ko sa bathroom. Naabutan ko pa siyang nakasandal sa headboard ng kama namin, abala sa pag-ce-cellphone at nakasuot na rin ng pantulog na puting tshirt at boxers na itim. “Oo mahal napadala ko,” nilingon niya ako at ngumiti. Ipinatong ko sa vanity chair ang towel na na nakabalot sa ‘king buhok at kinuha ang blower para patuyuin ang buhok ko. Naligo ako pag-uwi namin. After kasi ng laban ni Levi sa Search for Idol University, nagkaroon namin ng maliit na double celebration. Yung pagkapanalo nga niya at yung engagement namin. Kumain kami sa Tapsihan kasama sila Genesis. Ang saya-saya lang. Nagplano na kaagad sila ng bridal shower. Nag-aagawan pa kung sino magiging maid of honor. Nagprisinta silang maghahana

