"OMG!" tili ni Cheska nang magkita kami. "Mabuti at pinayagan ka naman ng asawa mo na lumabas ulit." Napangiti na lamang ako sabay lingon sa dalawang bodyguards ko na nasa malayo lamang. Mabuti at dumistansya na sila sa amin dahil baka pagtitinginan na naman kami ng mga tao. Oo, nagpaalam kasi ako kay Ashton na lalabas kami ni Cheska, mabuti at pinayagan naman ako dahil matagal-tagal na rin nang huli kaming nagkita ni Cheska at miss na miss ko na rin siya. Nagpunta lang kami sa may fast food restaurant at kinuwento sa kaniya lahat ng mga nangyari. "Gosh!" reaksyon ni Cheska at napahalukipkip. " I can't believe na mas may ma e mas kapal pa pala ang pagmumukha niya 'no? Hindi siguro tanggap na kasal na kayo ni Ashton at mahal na mahal ka pa niya." Sa boses niya ay dinig na dinig ko an

