Kabanata 30 Tulala akong nakatingin sa mga batang naglalaro sa damuhan, kasama nila ang kanilang mga magulang na mukhang namamasyal dito. Dito pa talaga ako dinala ni Ashton? Iyon ang nasa isip ko. Batid na yata ni Ashton na mukhang hindi ko gusto ang lugar na ito kaya tumayo ito at napabuntong hininga. "Let's go somewhere..." Umiling lang ako, tanaw-tanaw pa rin ang masayang pamilya. Nakita ko sa kanila ang pamilyang nagmamahalan. Hindi ko mapigilan ang makaramdam ng inggit. Inaamin ko na nasaktan ako sa sinabi ni Sabrina. Parang pinapamukha niya lang sa 'kin sa harapan ng lahat na ako'y isang ulila. Gano'n na ba kababaw ang tingin niya sa akin? Kasalanan ko bang lumaki akong walang nanay? Kasalanan ko bang nangungulila ako sa pagmamahal ng isang ina? Iyon ang tanong na nasa aking isi

