Wala sa isip ko, kahit noong panahon na hiwalay kami, ang magkabalikan kami. Kasi alam ko noon na impossible 'yon na mangyari. Kahit pa sabihin niya sa akin na mahal na mahal niya ako, alam ko sa sarili ko na hindi ko deserve ang matrato nang gano'n noon pa man. Pero ang nangyari, sa kaniya pa rin ang bagsak ko, sa kaniya pa rin ako bumalik. At hindi iyon inaasahan. It just happened. "Ma'am, blooming na blooming yata ikaw ngayon!" puri sa akin ni Manang Lolita nang nasa kusina ako, tinatanaw ang lutuin niya. Nailagay ko naman ang takas na buhok ko sa may tenga ko at napatingin kay Manang. "Hindi naman po." "Sus!" Ibinigay ni Manang ang sandok sa isang kasambahay at hinarap ako. Pinasadahan niya ako ng tingin. "Kay ganda mo talaga hija, bagay na bagay talaga kayo ni Senyorito, kaya

