The night went well, we spent our night together watching movies through netflix last night. Nagpaluto rin siya ng pop-corn at bumili pa ng ice cream at pizza for late snacks. Kaya ang resulta, ay mahimbing pa rin ang tulog ni Ashton na natutulog sa tabi ko. Napangiti na lamang ako. We are still adjusting, lalo na ako, pero alam ko sa sarili ko na mahal na mahal ko pa rin siya, kaya marupok ako. Tumayo ako at napag-isipan na ipagluto si Ashton. Ngayon kasi ang distribution ng relief goods at kailangan ko pang tawagan ang sasalubong sa mga goods doon sa Norte. Habang pababa ako ng hagdan ay kumunot ang noo ko nang makita ko si Sabrina na nagmumukhang prinsesa na nakaupo sa sofa, parang may inaantay. Natigilan naman ako ng saglit at tinitigan siya. May tanong sa aking isipan kung ano ang

