Ilang linggo ang nakakalipas ay naging maganda at payapa naman ang pag-stay ko rito sa Cebu. Kung ano ang trato nila sa akin noon ay iyon pa rin ngayon. Sobrang saya ko dahil tanggap nila ako ng buong-buo, pati ang anak ko na naging mas nag-enjoy makasama ang lolo at lola niya. Nagkita na rin kami ni Cheska sa kasal ni Sabrina noong nakaraan. Sobrang saya ko para sa kaibigan ko kasi nahanap na niya ang tao na para sa kaniya. Pero nawala ang pokus ko sa ginagawa ko ngayon nang maalala ko ang ina ko na sobrang saya na maikasal si Sabrina sa taong mahal niya at mahal siya. Hindi ko maiwasan ang mainggit, kita ko naman na palagi siyang tumitingin sa akin pero nahihiya akong lumapit. Kapag ikakasal kaya ulit ako, magiging ganon din ba ang ngiti niya? Iyon ang tanong na nasa aking isipan. So

