"Kumusta na ang buhay mo, Katarina. Hindi ako makapaniwala na nasa Tacloban ka lang naman pala. Ashton seems to don't mind so maybe he knows already that time since nagwawala pa iyan dito nang umalis ka." Kwento ni Tita Amora habang nasa kandungan niya si Jacky na mukhang tuwang-tuwa pa na pinalibotan siya ng mga mararangyang tao. Narito kami sa may hapagkainan. Maraming mga handa at may lechon pa. Siguro para sa kanila ay simpleng handaan lang ito pero para sa akin at anak ko ay iba na ang meaning ng ganitong klaseng handaan. "Wow, sino po ang may birthday?" takang tanong ni Jacky at kinuha pa ang apple na nasa bibig ng lechon. "Walang birthday, handa lang ito sa pagdating niyo, Jacky." Si Ashvon ang sumagot habang my tinidor sa kutsara. "Anak talaga ni Ashton, pareho mukha eh." Hin

