"Mama, puntahan natin si Papa!" excited na ani ni Jacky nang papauwi na kami. Nang sinabi ko iyon sa kaniya ay nagtatalon sa tuwa ang anak ko pero ako...kaba ang umusbong sa akin. Makita lang ang poster na iyon dito , tingin ko ay nandito siya. Iyon ang aking kinakabahala. Maybe he already knows na nandito ako. Marami naman siyang pera kaya mahahagilap lamang ako kaagad. Naalala ko na naman ang sinabi sa akin ni Art one time. "Bilyonaryo ang asawa mo, Katarina. Hahagilapin, hahanap-hanapin ka no'n kahit saan ka pa magpunta. He will waste his money para lang maiuwi ka. Pero it's been 6 years at wala akong nakitang progress. Wala akong nakita at nakikita na hinahanap ka niya. He will hire his men just to get you from this place, pero wala akong naramdaman na naghanap nga siya. Men like h

