Ilang na ilang ako habang nagpapatuloy sa akin. Hindi ko alam kung paano nakilala at natanggap ng anak ko si Ashton. Parang pinaghahandaan talaga niya ang pagkikitang ito. Hindi ko alam kung anong plano niya, kung bakit narito ako sa hindi pamilyar na lugar at mas lalong hindi ko alam kung bakit narito siya. Kukunin niya ba si Jacky sa akin? Nakaramdam ako ng paninikip sa dibdib nang maisip ko iyon. Ikakasal na sila ni Sabrina, so ano pa ang ginagawa niya rito. Hindi ko mapigilan ang mapatingin sa kaniyang daliri. Mas lalo lamang nanikip ang dibdib ko nang makita ko na may singsing na iyon at pareho sa binigay niya sa akin, siguro...iyon na nga. Wala akong tapang na maitanong sa kaniya dahil nawawalan ako ng lakas at salita. Iniisip ko rin ang mga posibilidad na mangyayari. Bigla ako

