Tulala akong nakatingin sa kawalan. Matapos ang usapin na iyon ay nilubayan na niya ako. Tama lang din iyon para may oras din ako sa sarili ko. Hindi ko talaga akalain na gano'n gano'n na lang. Dapat galit na galit din siya sa akin to the point na ayaw na niya sa akin. Dapat nag file na siya ng annulment dahil hindi ko nagampanan pagiging asawa niya for 6 years. Anim na taon. Marami nang nagbago. I can't believe Sabrina has her own happy ending. Akala ko pa naman habang buhay siyang magiging baliw at may saltik. Akala ko habang buhay na lang siyang maging kontrabida sa buhay ko. Pero totoo pala talaga na lahat ng tao ay magbabago 'no? Naihipo ko na lamang ang palad ko sa tapat ng puso ko. Ramdam na ramdam ko ang mabibilis na pagpintig nito. Bakit gano'n pa rin ang naramdaman ko? Oo, ma

