Iyak ako ng iyak habang kinakatok ang pinto ng bahay namin. Ilang sandali pa lang bago binuksan ni Ate ang pinto. Nang makita niya ako ay umiba ang itsura niya pero nawala din nang makita niya akong luhaan. "Ate..." tumutulo ang luha ko habang sinasabi ko 'yon. Nakita ko naman ang pag-awang ng labi niya at niyakap niya ako ng mahigpit. "Ate...sorry Ate..." sabi ko sabay yakap din sa kaniya ng sobrang higpit. Naramdaman ko ang kaniyang pagtapik sa likuran ko habang pinapatahan. All I did was to say sorry to her. Wala talagang makakaintindi sa akin. Walang makakaintindi sa nararamdaman ko. Siguro kinakamuhian na ako ni Tita Amora ngayon at ng mga Monteverde. But all I want is to stay away from that place, stay away from that family na may konektado sa ina ko. "Ate...nakita ko si In

