Kabanata 41 "You are 2 weeks pregnant, Misis," anunsyo ng Doctor na ikinatulala ko. Nakita ko sa gilid ng mata ko ang dismayadong tingin sa akin ni Ate at napasapo pa siya sa kaniyang noo. Nanginginig ang aking kamay na dahan-dahang inilagay sa aking tiyan. Hindi ko akalain na meron na palang buhay dito. Hindi ko akalain na may dinadala na pala ako. Napangiti na lamang ako ng mapait. Nang makaalis ang doctor ay lumapit si Ate pero hinawakan agad ito ni Kuya Jude para hindi tuluyang makalapit sa akin. Nag-angat ako ng tingin, luha ay tumulo mula sa aking mga mata. Masaya ako na may anak na ako, pero malungkot dahil kailangan ko siyang buhaying mag-isa. "Akala ko ba matalino ka Katarina?" tanong sa akin ni Ate pero sinuway ito ni Kuya Jude, sinabihan na buntis ako kaya dapat ay magdah

