"Ma'am, me so happy you here!" maligayang ani ni Lucy nang kasama ko siya sa kusina. Balak ko kasing lutuan si Ashton ng umagahan ngunit nakaluto na pala ang taga luto sa mansyon. At nadatnan ko siya na naghuhugas ng pinggan. Nilingon ko naman siya. Ngayon ko lang napansin na sobrang ganda niya pala. Kung hindi lang siya kasambahay rito ay baka naging katropa na ito ni Ashley. Pareho silang maganda. "Wala ka bang balak mag-aral muli?" hindi ko mapigilan ang magtanong. Natigil naman sa pagbanlaw si Lucy at nginitian. "Tinutulungan ako ni Senyorita Amora," maligayang niyang sambit at ibinalik ang tingin sa mga pinggan. "Nag ALS ako ate, para diretso na ako ng college. Gusto ko rin matutong mag-english!" Napatango na lamang ako. Kaya siguro gano'n na lang siya makapagsalita. May dahila

