Warning: SPG Malungkot kong inilapag ang mga nabili namin sa lamesa at iniwan na lamang si Lucy doon kasama ang mga kasambahay. Hindi na ulit ako pinansin ni Ashton at mukhang nabadtrip yata siya kanina. Bukod sa nauto ko siya na sa palengke lang pala ang punta namin, nakita niya rin si Art. Hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko para maibalik ang loob niya sa akin. Hindi naman ako 'yong taong sumusuyo kapag nag-aaway. Hindi ako 'yong tipong taong naglalambing ng mga taong nagtatampo. Hindi ako gano'n, pero kung ganito lang din naman ang trato ni Ashton sa akin ay mukhang kailangan kong gawin ang lahat maibalik lang ang loob niya sa 'kin. Sa paghawak niya pa lang sa akin ay ramdam na ramdam ko ang inis niya dahil na rin sa sinabi ni Art. Hindi ko rin inexpect na gusto niya pala ako. M

