Hinatid ako ni Art sa mansyon ng mga Monteverde matapos niya akong dinala sa parke. Doon ko nilabas lahat ng hinanakit ko at sobrang malaking tulong ang pakikinig sa akin ni Art, nakakabawas ng pakiramdam. Sa paghatid niya sa akin ay ang pag-aninag ko naman ang presensya ni Ashton. Nakahalukipkip ito habang nasa tapat ng gate kasama ang isang security guard. Napahigpit tuloy ang hawak ko sa phone ko lalo na't gabi na ngayon. Akmang lalabas sana si Art pero pinigilan ko ito. "Huwag ka nang lumabas..."matamlay kong ani at nginitian siya. "Maraming salamat..." Hindi niya ako sinuklian ng ngiti, dahil alam niya na hindi ako masaya. Kaya hinawakan lang niya ang kamay ko na siyang ikinagulat ko. "Puwede mo akong mapaglabasan ng sama ng loob, Katarina. Kung may sama ka ng loob at walang

