Kabanata 38

1361 Words

Hindi ako nakatulog dahil sa buong gabi ako umiiyak. Wala na akong ganang bumangon at gusto ko na lamang matulog ulit. Hindi ko pa rin maproseso sa utak ko ang nakita ko. Hindi pa. Pero maraming mga tanong ang nasa isip ko. Kaya ba malamig siya sa akin? Kaya ba pauli-ulit na sabihin ni Sabrina sa akin na kahit kailan ay hindi niya ako pipiliin? Bakit nagawa niya akong saktan ng ganito? Sinubukan ko ring paniwalain ang sarili ko na baka hindi 'yon totoo, na baka imahinasyon ko lang 'yon. Pero hindi e...hindi...totoong kuha 'yon, totoong sila iyon. At iyon ang sobrang sakit. Napasapo na lamang ako sa aking dibdib dahil sa sakit na naramdaman. Hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko. Naikuyom ko na lamang ang kamay ko at bumangon. Hindi dapat ako nandito. Hindi ko dapat iyon hahayaan. H

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD