Prologue
MALAKAS na napaigtad habang impit na umiiyak ang batang babaeng nakaluhod sa sahig habang pinapalo ng sinturon ng ama. Pilit nitong pinipigilan ang hikbi na gustong kumawala sa bibig pero hindi magawa.
Ang walang imik nitong pag-iyak ay nauwi sa mahinang hikbi at pagkalipas ng ilang segundo, pumalahaw na sa iyak ang bata nang hindi na sinturon ang ipinalo dito kundi mahabang pampalo na gawa sa kawayan.
Bawat hampas ng kawayan sa katawan ng batang babae ay nagbibigay ng hindi matatawarang sakit. Bawat hampas ay palakas nang palakas hanggang sa nag-umpisang manlabo ang mga mata nito.
"Hindi ba sinabi ko sa iyo !" Malakas na pumalo sa hita ng batang babae ang kawayan. "Huwag na huwag kang lalabas ng bahay! Ilang beses ko bang sabihin iyon sa iyo para makinig ka!?"
Nakakuyom ang kamay ng batang babaeng umiiyak habang hilam nang luha ang mukha na umiiling. "H-hindi p-po ako l-lumabas, D-Daddy," humihikbing sagot nito. "H-hindi ko po k-kayo s-sinuway-"
Isang malakas na hampas ng kawayan sa mga binti ng bata ang nagpatigil dito sa pagsasalita. "Sinungaling! How many times do I have to tell you not to lie to me, huh?!"
"B-but , D-Daddy-"
"Shut up! Shut up!"
Mariin na lang na ipinikit ng bata ang mga mata na hilam nang luha at sakit habang humahampas sa musmos nitong katawan ang kawayan.
Sa hita. Sa paa. Sa likod. At sa mga braso. Nakapagtatakang kung bakit nakakaya pa ng bata na mabuhay pagkatapos saktan ng sariling ama.
"S-sorry, D-Daddy," umiiyak na nangangatal ang boses na hingi ng tawad ng bata. "Sorry, Daddy. S-sorry. S-sorry."
Pero bingi ang ama nito sa paghingi ng tawad ng anak na walang awa nitong sinasaktan. Bulag din ang ama sa mga sugat na natamo ng bata dahil sa kawayan na hinahampas dito. Walang pakialam ang ama sa dugong dumadaloy mula sa mga sugat ng bata na nagmamakaawa dito.
"T-tama na p-po, D-Daddy. T-tama na. T-tama n-na... H-hindi n-na p-po ako uulit. H-hindi k-ko n-na po k-kaya."
Hindi mabilang ng bata kung ilan beses na itong hinampas ng kawayan at sinturon. Sa sobrang sakit ng nararanasan ay namanhid na lang ang katawan ng bata at nawalan ng malay...
Humahangos na napabalikwas siya mula sa masamang panaginip na gabi-gabi siyang hindi nilulubayan. Habol ang sariling hininga na inilibot niya ang tingin sa kabuuan ng kuwarto, sinusuri ang paligid habang malakas ang kabog ng dibdib.
I'm alone. Calm down. I'm alone.
Nang masigurong walang tao sa kuwarto maliban sa kanya ay nakahinga siya nang maluwang, saka napabaling sa pupulsuhang namamanhid sa sakit.
Pulang likido. Nababalot niyon ang pupulsuhan niya pero wala siyang pakialam.
Hindi na iyon bago sa kanya. Hindi na bago na makitang dumudugo ang pupulsuhan niya pagkatapos hiwain iyon ng mababaw. Of course, it was nothing new. Wala nang bago sa ginagawa niya sa sarili. She had done it a hundred times already. Just because she wanted to feel pain. But not today. Today she wanted to end her existence.
Why can't I just die, already?
She could slit her wrist but she couldn't seem to kill herself. Hindi niya alam kung bakit hindi niya magawang patayin ang sarili samantalang wala namang dahilan para mabuhay siya. Walanv dahilan para gumising pa siya sa umaga at harapin ang bukas.
She had no plan for her future and no care of the present. She struggled to live her everyday life. Gabi-gabi, hinihiwa niya ang kanyang pupulsuhan, para may maramdaman, para masabing buhay pa siya. Nagbabakasakaling magigising sa kamiserablehan ng buhay niya. Slitting her wrist was another way of letting herself know that she was still alive and not a walking corpse.
If anyone would know what she was doing to her life, they would judge her and make an accusation. No. She was not insane. Those doctors who diagnosed her with depression didn't know s**t about her.
She was tired of living her life full of misery, she was not like other people. Those people had purpose in life,she had none. They had a reason to live, she had none. They had someone who cared for them, while she... had no one.
She had always been alone. Alone in this dark scary world she live in. No one reached out her hand to her. Some did, but only to hurt her and use her and did sort of things only a vile human would do.
Nightmares after nightmares. Dread after dread. Ayaw na niya. She was tired to living a hellish life everyday.
Ayoko na, suko na ako. Ilang minuto siyang nakatitig sa kawalan bago hinawakan ang sugat sa pupulssuhan, saka diniinan iyon hanggang sa makaramdam ng sakit pero pinagsawalang-bahala niya. Hindi niya inalis ang kamay sa sugat hanggang sa namanhid na lang iyon.
Nagbaba siya ng tingin, saka tinitigan ang sugat sa pupulsuhan. Lalo iyong nabalot ng dugo kasama na ang kamay niyang dumiin sa sugat.
Walang imik na ibinagsak niya ang katawan sa kama at tumuon ang mga mata sa kutsilyong nasa katabing maliit na mesa ng higaan.
Walang pag-aalinlangan kinuha niya ang kutsilyo, saka pinakatitigan iyon bago inilapit sa sugatan at nanginginig na kamay. Mabilis ang ginawa niyang paghiwa namg mariin sa kabilang pulsuhan.
She neither whimpered nor grunted in pain. She welcomed it. It felt right
The pain felt good. She let the pain consume her as she closed her eyes.
Sana matapos na dito ang bangungot na araw-araw niyang dala-dala. Sana hindi na siya magising pa...
"Saan ka pupunta, ha?!" galit na sigaw ng ama ng bata na nanginginig sa takot, lalo na nang makitang may hawak na tubo ang ama.
Namginginig sa takot na umatras ang bata na bakas sa katawan ang maraming pasa at sugat na natamo."W-wala, D-Daddy. H-hindi p-po ako l-lalabas."
Panay ang atras ng bata palayo sa lasing na ama. Naamoy nito ang alak sa ama na papalapit nang papalapit na dito.
Kapag ganong lasing ang ama ng bata ay takot na nagtatago ang bata sa kuwarto nito. Dahil kapag lasing ang ama ay ito ang ang pinagtutuunan ng galit sa lahat ng bagay.
"D-doon l-lang... a-ako sa taas, D-Daddy."
Akmang tatakbo ang bata palayo nang mapigilan ng ama sa braso.
"Saan ka pupunta, ha?! Aalis ka rin?! Iiwan mo rin ako?! Hindi ako makakapayag! Dito ka lang! Dito ka lang!"
Nanlilisik ang mga mata ng ama habang pinaghahampas ang katawan ng bata gamit ang tubo.
Tanging iyak at puno ng sakit na pagsigaw lang ang nagawa ng bata. At tulad ng mga nagdaang araw, nakatulugan na lang nito ang pambubugbog ng ama.
Nang magising ang bata, nasa sahig pa rin ito. Nanginginig ang katawan sa sakit. Hindi maigalaw ang sariling katawan. Walang imik na lang na umiyak ang bata habang iniinda ang sakit ng katawan at gumagapang sa sahig sa takot na baka saktan na naman ng ama...
Nagising ang diwa niya sa loob ng mabilis na sasakyan. Naririnig niya sirenang nag-iingay at nararamdaman ang presensiya ng mga taong nakapalibot sa kanya.
She felt a hand on her chest, pumping up and down, like someone was resuscitating her. She could feel the panic inside the car as they tried to stop the bleeding on her wrists. Nararamdaman niya ang pagpapalibot ng tela sa pupulsuhan niya at ang pagtusok sa kanya ng karayom.
Gusto niyang sigawan ang mga ito na huwag siyang pakialaman, na hayaan na siyang mamatay, na hayaan nang manahimik pero himdi niya maigalaw ang katawan.
Sinubukan niyang dumilat pero wala siyang lakas. Sumisigaw ang kanyang isip na patahimikin na siya namg marinig niya ang malakas na tunog ng pagbangga isang bagay, saka niya naramdaman ang sasakyan na gumiwang at humampas sa kung saan dahilan para tumilapon ang katawan niya sa ere at may bumaon na matulis na bagay sa kanyamg likod.
Then pain consumed her. The kind of lain that she sought to wake her up from her nightmares.
But she didn't wake up. She continued being immobile and for the first time in her life, she felt a spark of happiness in her dark and lonely world.
Instead of fearing death, she smiled, and welcomed it as she took her last breath.