Pagkalabas namin ng ospital nagulat ako at napatingin kay Dave ng bigla syang huminga ng malalim at nag buntong hininga. "O-okay kalang ba?" Tanong ko pero tumingin lang sya sakin na medyo nakangiti. "Hindi." "Hindi? Pero bakit parang nakangiti ka?" "Wala..." Umiwas na sya ng tingin. "Bakit nga!?" "May na-realised kasi ako today." "Ano naman yun?" Binalik nya yung tingin nya sakin. "Ang tapang mo pala." "Ha!? A-a-anong sinasabi mo dyan?!" "Pinagalitan mo yung dalawa kong kuya." Sabi nya at tuluyan na nga syang ngumiti. "Pinagalitan?! Hindi ko sila pinagalitan ha, teka? Muka bang pinagalitan ko sila? Hala!!! Anong gagawin ko? Baka magalit sakin yung mga kapatid mo!! Pero sinabi ko lang naman kung ano yung totoo eh!. isa pa para naman sayo yun+ , para ipagtanggol k-----" "Alam ko

