Kinabukasan. Excited na kami parehas ni Joan na umalis ng ospital, para ba kaming mga presong lalaya na. Hindi narin masyadong namamaga paa ni Joan naiaapak naman na nya pero paika-ika parin syang maglakad. Ang sarap nya ngang itulak habang naglalakad kasi parang nag iinarte nalang sya hehe. Pasalamat sya nakasakay sya sa wheelchair, shout out nga pala sa nurse na tumutulong samin na maghila sakanya ang gwapo hahahaha. Pagkalabas namin tumayo na si Joan at aalis na sana ako para kumuha ng taxi pero napahinto ako ng makita ko si Dave sa tapat ng ospital, nakatingin sya sa cellphone nya at wala pang ilang segundo napatingin agad sya sakin, kumaway agad sya ng magtama yung mga mata naming dalawa. "Huy ano pang ginagawa mo dyan, mag para kana ng taxi! Ano miss universe ka dyan!?" Sabi ni J

