FORTY-EIGHT

2443 Words

Nakatulog na naman ako dahil hapon na rin kasi nang kami ay nakarating. Nagising lang ako dahil may kumatok at binuksan ito ng matandang babae na may hawak na tray ng pagkain. "Magandang gabi, madam. Pinadala po ito ni Doc para sa inyong hapunan." Agad kong tinanggap iyon at nagpasalamat. "Nay, nasaan po si Doc ngayon?" tanong ko habang naglalakad papunta sa maliit na mesa para doon ilagay ang tray. Pang-isang tao lang ang pagkain na dinala niya, marahil ay kumain na siya sa labas. Hindi man lang niya ako pinuntahan dito. "May meeting ho ata sila ng mayor, Madam. Uuwi rin ho siya mamaya," sagot niya. Nagpasalamat ulit ako at lumabas na siya. Kahit nawalan na naman ako ng gana, kumain na lang rin ako. Hihintayin ko na lang siyang umuwi rito at humingi ng sorry sa kanya kahit paulit-ulit.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD