My heart fell at what he said, yet there was no hint of complaint directed towards me. Iniiwasan niya ako at wala akong magagawa kundi sundin ang utos niya. Tinungo ko ang cabin kung saan ako kanina at doon ko naisipang magmuni-muni sa mga nangyari. Habang hinihintay ang pagdating ng pagkain, tinignan ko ang sarili sa salamin. Nakita ko ang sarili ko na may malalim na pag-aalala sa mata. Naisip ko kung paano ko mapaglilinaw ang lahat kay Zairon, kung paano ako babawi sa mga nasabi ko. My heart is filled with nothing but regret. I never expected that there would come a day when everything would become even more unclear. Sa pagtingin ko sa labas ng bintana ay napagtanto ko na ang gabi ay bumabalot na sa lugar. Malakas ang hangin at kita ko ang mga bituin na nagbibigay liwanag sa dilim.

