NINE

3824 Words
Napatingin kaming lahat sa lalaki. Mabilis nakatayo si Professor Zaiden na parang nakakita ng hindi inaasahang tao. "Mordred, what are you doing here?" Mordred? Kaano- ano ni Professor Zaiden ang lalaki? Mukhang nasa mid 30's na rin ito at may kagwapuhan rin at pormal na pormal ang tindig niya dahil sa suot niyang suit. "I'm here to send a message, Sir Cairo." Message? Bakit kailangan pang pumunta rito? May cellphone naman. At anong siya na ang mag e-explain? "And you are?" Tanong ni dean. Yumuko ang lalaki at nagpakilala. "I'm Mordred Alabastero, dean. I'm the butler of Gavilan residence." Tila nagulat ang Dean sa narinig. "You're Don Gavilan's butler? Pupunta ba ang Don rito?" Hindi mapakaling tanong ng Dean at bumalik sa kaniyang lamesa. "No, dean, but I'm here because of his grandson's request. He told me to explain his situation right now; he will be late for a few minutes." Tumingin ang butler kay Professor Zaiden pati na rin si Dean kaya lumingon narin kami sa kaniya. "Hindi ba at ang Gavilan ang may ari ng University niyo, Laurenestine?" Tanong ni Papa sa akin. Nagulat rin ako dahil kilala ang Gavilan sa lugar, lalo na at kadalasan mga kamag-anak nila ay nagtatrabaho sa gobyerno. Normal lang naman sigurong nakialam ang may-ari sa nangyari lalo na at ang reputasyon ng University ang nakasalalay rito. Kinabahan man ay hindi nalang ako nagpahalata. "Will he show up here?" Pagbasag ni Professor Zaiden. Nagkatinginan silang dalawa na parang nag uusap lang gamit ang mata. Nagpalipat-lipat lang ang aming tingin sa kanila hanggang sa tumikhim si Professor Zaiden at tumingin kay Dean. "Dean, my brother will be here now. Can we wait another minute?" "Your brother? Anong kinalaman ng mga kapatid mo rito? Saan roon?" "He's scheduled for an operation now, dean kaya pinauna niya ako rito." Sabi ni Mordred. "Anong klaseng operation?" Curious na tanong ni Dean. Pati ba naman iyon ay tinatanong? Well, iba-iba rin naman definition ng operation. Na curious rin ako kung ano 'yon. "Operation in the hospital, dean. He's a doctor." Huh? Doctor, I thought his brothers professions are architect and lawyer? May doctor pa? Iba-iba pa ng profession, grabe. "What? I don't understand. May kapatid ka pa?" Oo nga, sabi ni Jorih, tatlo lang silang lalaki at isang babae. May doctor rin? Kumabog ng todo ang puso ko. May hinala na ako, pero impossible, di ba? Mas matatanggap ko pa yatang may disorder si Professor Zaiden dahil siya pa rin iyon, pero kung ibang tao, anong gagawin ko? Impossible yata ang pinag iisip ko. Walang nabalitang ganoon sa pamilya nila. Kung meron man ay dapat natsismis na dahil kilala rin naman ang pamilya nila. "Yes, he has another brother, dean Hernandez." Sabi ng isang baritong boses na ngayon lang namin narinig. Isang lalaki ang pumasok sa loob ng dire-diretso habang ang dalawang kamay niya ay nasa loob ng kaniyang bulsa. "The operation went well. I should have clear the misunderstanding here." Anunsiyo niya at nilibot ang paningin sa mga tao sa loob. Unang tumambad sa aking mata ang suot nitong white lab coat. Umangat pa ang tingin ko sa mukha nito at dalawang pares ng abong mata ang nakatitig sa akin. Parang naputol ang hininga ko nang naging pamilyar ang mukha ng lalaki. Nanghina ang tuhod ko at napakapit sa hawakan ng upuan. Nanaginip lang siguro ako. Hindi 'to pwede. I tried to slap my cheek at tumingin ulit rito pero hindi talaga nawala. Napaawang ang labi ng Dean nang makita ang lalaki. Lahat kami ay hindi makapaniwala maliban kay Professor Zaiden at Mordred. "What's the meaning of this, Professor?"Nagpagitna ang Dean at tiningnan ang dalawa. "Anong nangyayari dito? Kapatid mo siya hindi ba? Bakit ngayon ko lang siya nakita?"Tila naguguluhang tanong rin ng Dean. "Oh my gosh! I didn't know this either. Anong nangyayari Zaiden?!" Hesterikal na Sambit ni Shannon. Hindi siya pinansin ni Professor Zaiden at nakatingin lang rin sa lalaking paparating. Nakapamulsa itong nakatingin lang rin sa kaniya. "We're twins, Dean." Ani nito. Napabuntung-hininga si Professor Zaiden at hinihilot ang kaniyang sentido."We're twins, but he didn't live in the Philippines until recently, so you haven't met him." Dugtong ni Professor Zaiden sa sinabi ng lalaki. Naglapat ang aking labi dahil sa narinig. Mas lumalakas ang t***k ng puso ko at hindi ko na alam kung ano ang iisipin ko ngayon. Sana mali lang ako, hindi ko 'to matatanggap. "P-paanong nandito ang kapatid mo? Anong kinalaman niya sa nangyayari?" Ngayon lang rin mukhang nagising sa gulat ang Dean. "He's the grandson of Don, no, we are the grandsons of Don. However, because he was taken by our grandfather and educated in another country, he uses our grandfather's surname since one of Don's daughters is our mother," pagpapaliwanag ni Professor Zaiden. Huminga muna siya ng malalim at liningon ako. "The Don requested us to switch places for a few months now at ang huling pagpapalitan namin ay noong bachelor's party ko." Tumingin ulit ito kay Dean. "I'm sorry Dean for not saying it to you. Ayaw kasing ipasabi ng Don. Kahit ayoko ay wala narin akong magawa." He said apologetically. Tumango lang ang Dean na parang wala lang rin siyang choice kung hindi tanggapin ang nalalaman. "Nangyari na. So, anong koneksiyon ng sinabi mo sa nangyayari ngayon?" "I requested Zaiden to switch places with me after his bachelor's party for personal reasons, dean Hernandez." anito. Tumalon ang puso ko nang nakatitig na pala ito sa akin habang nagsasalita. "And that personal reason includes Ms. Laurenestine Valencia." Nagkatitigan kami at habang tumatagal ay nasasaktan lang ako dahil lahat ng nakikita ko sa kaniya ay pamilyar na sa akin. "Sinasabi mo bang ikaw ang karelasyon ni Ms. Valencia at hindi si Professor Zaiden?" Naputol ang pagtitigan namin nang magsalita si Dean. Umiling ako dahil nag aasam akong hindi siya kahit na masyado ng obvious. "Hindi.. siya.. please." Bulong ko. Nag aasam na mali ang iniisip ko. Hindi ito ang plinano ko. Malamig pa rin ang titig niya sa akin habang ako ay gusto ng umiyak. Umusbong ang sakit at galit sa puso ko kahit hindi ko pa naman naririnig ang sagot niya. "Yes." Napapikit ako at nagdasal na sana hindi nalang totoo ang naririnig ko ngayon. "And about the video, ako ang kasama ni Laurene kagabi. I'm the one who kissed her." Walang pag alinlangan niyang dagdag. "K-kailan pa?" Nakatingin silang lahat sa akin nang magsalita ako. "Kailan niyo pa ako niloloko?" Lumamlam ang mata ng Professor at gusto sana akong lapitan ngunit sinamaan siya ng tingin ng kapatid niya. Hindi nalang gumalaw ito at umiwas nalang. Lumingon siya kay Dean at Mordred. "Can you let me talk to Ms. Valencia in private?" Bumaling siya sa mga magulang ko. "I know you're confused now po but I will make sure that everything will be settled after this." Alam kong nakatingin lang ang mga magulang ko sa akin pero wala silang sinabi at umalis nalang rin. Yumuko lang ako habang nakakuyom ang dalawang kamao. Ayoko siyang kausapin pero kailangan ko ring malaman kahit alam kong masakit. "Dito lang ako, Zairon." Sabi ni Professor Zaiden. "T-then I will too." Sabat ni Shannon at umangkla sa braso ni Professor Zaiden. "Paalisin mo ang fiancé mo, Zaiden. You stay here." Walang pakialam niyang sambit at lumapit sa akin. "No, hindi ko 'to alam. Kailangan kong malaman. You're switching places? Baka, may time na dinadate na pala ako ng kapatid mo, Zaiden?"Salubong na kilay niyang tanong. Napataas ang kilay ni Zairon at liningon si Shannon. "I don't date an average woman. Tsk." "What?" Singhal niya. "Hindi ako average! Sinasabi mo bang standard si Laurenestine kaysa sa akin?!" "Huwag ka ng magtanong, masasaktan ka lang." Bwelta niya. "What the?! What the hell is wrong with your brother, Zaiden?! I didn't do anything wrong!" Galit niyang sigaw. "Please, just listen to me. I will explain to you later, okay?" Mahinahon na saad ni Professor at hinawakan ang kamay nito. Nagtaka ako dahil hindi man lang ako naapektuhan. Marahil, masyado lang occupy ang utak ko ngayon dahil sa nalaman ko. "Why did you admit earlier na kasama mo siya? Alam mo bang pinahiya mo ako? Alam nating dalawa na magkasama tayo kagabi pero tinatakpan mo ang kasalanan ng kapatid mo!" "I'm sorry, it's very complicated. Please understand me.. hindi ko rin naman ginusto 'to." Umiwas ako ng tingin sa kanilang dalawa at napunta ang mata ko kay Zairon na ngayon ay nagsalubong na ang kilay. "Zaiden, don't let me push your woman in the window. Nakakairita ang boses." Iritang reklamo ng kaharap ko at hinawakan ang kamay ko at tinitigan ako ngunit parang napaso lang ako sa malamig niyang tingin. Ngayon ko lang nagets kung bakit nasabi kong parang may iba kapag nakatingin ako sa kaniya dahil kahit magkamukha sila, masasabi kong ang laki ng lamang niya lalo na sa pinapikita ng kaniyang mukha. Kahit wala siyang expresyon minsan ay hindi ko matingnan ng matagal ang mga mata niya. "Baby.. may ginawa ba ang babaeng 'yan sa'yo?" Hinila ko ang aking kamay at umiwas ng tingin. Hindi ako nagsalita dahil baka masampal ko pa siya ngayon. Huminga ito ng malalim at liningon ulit ang kapatid niya dahil mukhang nagmatigas si Shannon. "What?" Mataray nitong tanong. "If you won't step your f*****g feet outside, wala ka ng uuwian, Shannon Travieso. I will make sure that your parents little business will sink and fire your little brother in Solstice." Galit niyang banta. Tila natakot si Shannon at bumitaw kay Zaiden at dire-diretsong lumabas ng opisina. "This is the first time that you use your position, Zairon. Sa fiancé ko pa." "I'm just a doctor, Zaiden. Nothing more. Bakit ba kasi iyon ang pinili ni lolo para sa'yo?" Kumibit balikat siya. "I don't know. Nasanay nalang rin ako." "That's good. Pakasal na agad kayo. Ayoko ng makita ka pang umaaligid sa babae ko." Parang nag uusap lang sila na wala ako rito ah. Parang kinalimutan lang nila ang panloloko nila sa akin. Ang galing naman ng magkapatid na 'to. "Nakalimutan niyo yatang nandito pa ako no?" Doon pa sila tumingin sa aking dalawa. "Kailan niyo pa ako nilolokong dalawa? Sanay na siguro kayo sa panloloko kasi parang wala lang sa inyo 'eh." sarkastiko kong anas. Umupo ako sa bakanteng upuan at tiningnan lang sila. Pabalik-balik ang tingin ko at kahit ako ay hindi ko malalaman kung sino sa kanila si Zaiden kung hindi silang dalawa ang tumayo sa harapan ko at kung hindi lang rin sa suot nila pero kung magkapareho sila ng damit, baka maloloko talaga ako. Ngunit sa mata lang ay dapat nalaman ko na pero hindi ako nagduda noon dahil magkapareho sila ng mukha. Pinagmamasdan ko lang sila at maliban sa mata ay hindi ko maipagkakailang mas iba ang dating ni Zairon, iba ang aura niya. Magkapareho silang nakasuot ng eye glasses ngayon ngunit mas pormal tingnan si Professor Zaiden. Hindi naman sa hindi pormal tingnan si Zairon pero ibang-iba talaga siya. Bakit kaya hindi ko napansin 'to? Dahil ba masyado talaga niyang nakopya ang kilos ni Zaiden o dahil masyado lang akong desperada? "Hindi ba kayo nagsusuot ng contact lenses? Original na kulay ba 'yan ng mata niyo?" Hindi ko alam kung bakit ito ang una kong tinanong pero kung kulay ng mata lang ang pagbabasihan, alam ko na ang sagot kaso hindi ko lang talaga kayang tanggapin. Nagkatinginan silang dalawa at si Professor Zaiden na mismo ang sumagot. "We didn't use contact lenses, Laurenestine. Namana ni Zairon ang kulay ng mata niya sa lolo namin. While the rest of our siblings inherited our father's eyes." Napapikit ako at ramdam kong nahihilo na naman ulit ako. Inaalala ko kung sino ang una kong nakausap sa bachelor's party ni Professor Zaiden. Bakit napakatanga ko? Hindi ko alam. I really f****d with the wrong guy. "When I arrived at the bachelor's party, sino ang kumausap sa akin? 'yong nagdala sa akin sa kusina?" Huminga ako ng napakalalim bago ko binuksan ang mga mata ko upang tingnan sila ulit. Ang t***k ng puso ko ay bumibilis at parang gusto ko nalang ibalik ang oras ngayon dahil sa naririnig ng tenga ko. "Ako 'yon, Laurenestine." Sagot ni Professor Zaiden. Tinitigan ko siya. "What did I do to you back then, Professor Zaiden?" Nag alalang siyang sumagot. "I.. You kissed me. I mean, it's not totally a kiss." Pagtatama niya nang dumilim ang expression ni Zairon. "Then, the guy who went in my room is.. you?" Pagtingin ko rito kahit alam kung siya talaga iyon dahil sa mata niya. "Yes.. I am." "Have you received drinks from Logan that night?" Umiling siya, tiningnan ko rin si Professor Zaiden at umiling rin siya. Biglang sumakit ang sentido ko. Logan didn't put the drugs on his drink. So, we did that without any drugs? Just pure intimacy? Ako lang rin naman ang nang akit, kaso ibang lalaki ang naakit ko. "Why are you in that room? Bakit nandoon ka? Kilala mo ba ako? Bakit nasa loob ka? Bakit sinabi mong kalimutan nalang natin ang nangyari? Bakit ganoon ang mga sinasabi mo? Dahil roon ay hindi talaga kita pinagdududahan." Sunod-sunod kong tanong. "Because I know that you thought of me as Zaiden, that's why I said those. I've been teaching at the university for months, Laurene. I know some of the students here, which is why I knew that you're one of Zaiden's students. If you ask me why I'm there, I don't need to answer that if you don't want Zaiden to hear my reason," Hindi ako sumagot. "I'm sorry for pretending... I admit that I took advantage of you. I kept pretending as Zaiden; I took advantage of your feelings for him." Nang marinig ko ang mga salitang iyon mula sa kaniya ay parang tinabig ako ng malamig na hangin. Hindi ko naisip na maipapahiya niya ako ng ganito. Nawalan ako ng gana sa lahat ng bagay. "And you know it Professor Zaiden?" Nanlulumo kong tanong. Naghihinayang niya akong tiningnan. "Nalaman ko lang nang nagkausap tayo sa clinic. Hindi ko alam na ikaw pala ang sinasadya ng kapatid ko rito. Sinabi ko iyon sa'yo para ikaw na mismo ang tumigil. I just.. didn't know that my brother would be-" "Tama na.. ayoko ng marinig pa." Pagpuputol ko sa kaniyang sasabihin. Bigla akong bumangon mula sa upuan at nilapitan si Zairon. I slapped him hard. "Kulang pa iyan sa panloloko mo sa akin. May bibig ka naman bakit hindi mo ginamit?" Nanggagalaiti kong sambit. "O, dahil sa tanginang kalibugan mo ay hindi mo masabi-sabi. Gamit na gamit mo ako no?" I said sarcastically. Ngunit kahit anong gawin kong pagmamatigas ay mas lumukob ang sakit sa puso ko. Ang sakit pala, ang sakit dahil pinaglalaruan lang ako, ang desperada ko kasi! Namula ang kaniyang pisngi ngunit parang wala siyang nararamdamang sakit at tumingin sa akin pabalik. "Kung sasabihin ko sa'yo, nasisigurado mo bang hindi ka lalayo sa akin?" Walang emosyon niyang tanong. Bakit ganito siya? Bakit parang kaibahan ang sinasabi niya at ang kaniyang expresyon? Bakit hindi ko man lang 'to napansin? Hindi ako makasagot pero hindi parin nawawala ang galit sa mga mata ko. "You're in love with my twin, Laurene. You're in love with him and not me. Kung tatanungin mo ako ngayon kung nagsisisi ba ako sa ginawa ko ay hindi.." Pumikit ako dahil umusbong na naman ang sakit at galit sa systema ko. Biglang tumulo ang luha ko. "Hindi ako nagsising niloko kita dahil kung hindi ko 'yon ginawa, hindi ka magiging akin. Alam kong may nararamdaman ka na sa akin, Laurene.. you're just confused now." Ngumiti ako ng mapait at hindi makapaniwalang nakatingin sa kaniya. "Confused? Did you really think that?" Pinahid ko ng marahas ang luha sa pisngi ko at tinitigan siya ng pagkamuhi. "I'm not confused, Zairon. Hindi mo napapalitan ang nararamdaman ko kay Zaiden." "Laurenestine.." pagpipigil ni Professor Zaiden sa akin. Humarap ako at diretso ang titig sa mata ni Zairon. "Too bad, you will never replace Zaiden in my heart. Kahit anong pagpapanggap mo, siya parin ang gusto ko," Bumalatay ang sakit sa mga mata niya pero agad rin Iyong nawala at napalitan ng blankong tingin. "Hindi kita kayang mahalin kahit kopyahin mo lahat tungkol sa kaniya at kahit magpalit ka pa ng pangalan ay hindi kita kayang mahalin.. Yes, may nararamdaman nga ako sa'yo at alam mo ba kung ano 'yon?" Pangbibitin ko. "Galit, puot at pagkamuhi. Iyan ang nararamdaman ko sayo ngayon, Zairon. Hinding hindi kita mapapatawad." Napakatindi ng galit ko sa kanya. Hindi ko akalain na ganito ako magalit, pero nasasaktan ako sa mga kasinungalingan at panloloko niya. "Kala mo siguro, madali lang ito, no? Na magpapanggap kang si Zaiden at akala mo'y hindi mo ako maloloko. Pero mali ka! Binalewala mo ang nararamdaman ko para lang sa trip mo!" Sa bawat salita, ramdam ko ang init ng galit na naglalabas sa bawat hibla ng boses ko. Hindi siya nagre-react, nakatitig lang siya sa akin. Gusto kong makita ang pagsisisi sa kanyang mga mata, pero wala akong nakitang pag-aalala o panghihinayang. "You let me believe that Zaiden is interested to me too kahit wala naman talaga. You let me believe those lies. Pinagkaisahan niyo akong dalawa." Madiin kong sambit habang nagpalipat-lipat ang tingin ko sa kanila. "But I'm really grateful now, dahil rito mas naliwanagan ako," Hinawakan ako ni Zairon pero tinulak ko siya at sinampal ulit. "Don't touch me. Hindi kita kilala." Mariin kong sabi at kinuha ang mga gamit ko. Hindi na ako lumingon pa at lumabas na ng opisina. Narinig ko pa ang huling sinabi ni Professor Zaiden bago ko tinahak ang gate palabas ng University. Ngunit nawalan na ako ng pakialam. Mas gusto ko nalang magmukmok sa apartment ko at huwag nalang lumabas. ----- "Laurene, ilang araw ka ng tulog ng tulog. Wala ka bang planong pumasok?" Bumaling ako ng higa sa ibang direksiyon upang maiwasan ang bunganga ni ate Amary. Nasa apartment ko siya ngayon kasama ang cute kong pamangkin dahil siya lang naman ang lagi kong nakakausap. "Hindi ba at nalinis naman ang video? Pero infairness ah, ang bibigat ng tinira mo!" Inis ko siyang nilingon na ngayon ay nagtutupi ng nilabhan niyang damit ko. Siya na mismo ang nag laundry dahil wala talaga akong ginawa ng ilang araw kung hindi ang mag mukmok. "Ate naman! Ako na nga ang niloko, masaya ka pa!" Naiinis kong bulyaw. "Karma na 'yan sinasabi ko sa'yo! Masyado ka kasing desperada kaya 'yan ang napapala mo! Kapag nalaman ni Ate Nave na binigay mo na ang V mo, patay ka talaga!" Napatahimik ako at napanguso. "Teka, uminom ka ba ng pills?" Bigla akong kinabahan dahil pagkatapos kasi ng bachelor's party ay hindi ko na iniinom ang nirecommend sa akin ni ate na pills. Nawala na isip ko. "O-oo naman! Ayoko pang mabuntis no!" Pagdadahilan ko. Hindi niya naman siguro malalaman na hindi ko na iyon ininom dahil tinago ko. Tinaasan niya lang ako ng kilay. "Talaga lang ah, dahil may napapansin pa naman ako sa'yo these past few days. Oh, English iyon!" Ngumiwi lang ako sa trip ng ate ko. "Tigilan mo nga ako, Ate Amary. Anong mga napapansin mo? Hindi ko na nga alam ang nangyayari sa buhay ko ngayon," sabi ko sabay lingon sa kisame. "Sigurado ka bang okay ka lang? Hindi ka ba nababahala sa nangyari sa'yo?" Tanong niya, at marahang lumapit sa akin. Napahimlay ako ulit sa kama at nagbigay ng malalim na buntong hininga. "Ewan ko rin, Ate. Parang gusto kong mawala saglit sa mundong 'to. Kahit ilang oras lang." "Laurene, hindi mo kayang itago ang nararamdaman mo. Kailangan mong harapin ang mga bagay-bagay," payo niya habang itinutok ang tingin sa akin. "Hindi ko alam kung paano ko haharapin si Professor Zaiden, ate. Napakabigat ng nararamdaman ko sa kanya. Hindi ko alam kung paano ko tatanggapin ang lahat lalo at kapag naiisip kong magkikita kami ay naaala ko na naman ulit ang nalaman ko." sagot ko. Tumabi si Ate Amary sa akin at hinaplos ang buhok ko. "Okay lang na hindi mo alam ang gagawin mo. Pero huwag mong pabayaan ang sarili mo. Kailangan mong yakapin ang katotohanan at gawin ang nararapat para sa'yo. Alam ko namang makakaya mo 'yan. Ikaw pa!" Sa kabila ng lungkot at panghihinayang, napangiti ako sa payo ng ate ko. "Salamat, Ate Amary. Ikaw lang talaga ang nagtatangkang magbigay sa akin ng kahit konting liwanag sa madilim kong kalooban." "Alam mo naman na nandito lang ako palagi para sa'yo. Huwag kang mag-alala, kakayanin mo 'to. Lahat ng sakit ngayon, darating ang araw magiging bahagi na lang ng nakaraan," sabi niya na puno ng pag-asa. "Thank you talaga ate, kayo lang talaga ang nauunawan ako at syempre si ate Nave." Hinampas niya ako ng marahan. "Pero hindi talaga ako naka move on sa love story mo! Haha, alam mo ba habang nagkukwento si Mama, imbis na magalit siya sa nangyari sa'yo ay para raw siyang nanonood ng pelikula. Mga apo pa ng Gavilan! Dapat nagpabuntis ka nalang 'eh para maulanan tayo ng yaman nila!" "Oh, ayan kaya ayokong nandito ka 'eh. Imbis damayan mo ako, nagpapantasya ka pa diyan!" "Haha joke lang. Pero seryoso, ano ng gagawin mo? Kailan ka papasok?" Napabuntunghininga ako. "Ate, okay lang bang lumipat nalang ako ng skwelahan? Mas maganda siguro kung umiwas nalang talaga ako. Hindi ko pa talaga kayang harapin sila 'eh." "Sigurado ka ba diyan? Alam mo naman ang bunganga ni Ate Nave baka pagalitan ka." "Okay lang, maghahanap nalang ako ng trabaho habang nag aaral. May mga sidelines rin naman ako at saka may kaibigan na rin ako at sinabi niyang sasamahan niya ako sa kilala niya at ipapasok ako roon." Nag ring ang phone ko at ang kaibigan na iyon ang tumawag. "Sasagutin ko lang muna, te Amary." Tumayo siya at kinuha ang mga damit na nakatupi na. "Sige, magluluto na rin ako para makakain ka at pamangkin mo. Maiwan muna kita diyan." Tumango lang ako at ngumiti bago sinagot ang tawag. "Hello, Jorih." "Laurenestine! Ano ready ka na? Nag expect si Sheriah na pupunta ka mamaya. No worries, wala ng weird na inumin para sa'yo kasi birthday niya!" Natatawa niyang sabi. "Okay, pero same location lang hindi ba?" "Oo, doon parin sa tambayan natin. Expected na maraming papables mamaya, alam mo naman boyfriend niya, madaming guy friends kaya inimbita!" Hyper niyang sambit. Napasok si Tristan sa isip ko. Nandoon kaya siya? Hindi na niya kasi ako pinapansin pagkatapos ng nangyari. Alam kong galit talaga siya sa akin lalo na at dumagdag pa ang video na 'yon. Denelete ko nalang rin ang video pero hindi parin nawawala ang tsismis. Pinabayaan ko nalang dahil sanay narin naman ako sa mga pinagsasabi ng tao. Binaba ko na ang tawag at tumayo na ngunit napahawak na lamang ako sa aking sentido dahil biglang umikot ang paligid ko. Umiling ako para mabawasan man lang hilo at maging malinaw ang paningin ko. "Kailangan ko na talagang kumain. Mukhang napapadalas na 'to."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD