Napakapit ako sa pader nang maramdaman ko ulit ang hilo. Grabe, kagabi lang ininom ko 'yong ini-alok sa akin ni Sheriah, pero hanggang ngayon, nararamdaman ko pa rin. Ayoko na talagang subukan ang kakaibang alak sa susunod.
"Baby?"
Bumukas ang mata ko at nakita ko siyang nag alalang tumingin sa akin. May bitbit siyang pagkain at mukhang galing siya sa kusina dahil may suot pa siyang apron.
Napaayos ako ng tayo at nginitian siya ng matipid. "P-prof.."
His eyebrows furrowed. "Are you feeling alright? What did you drink last night? You look pale."
"Pale?" I asked.
"Yes, what did you drink?"
"I don't know its name. Just one glass, but it was stronger than I expected."
Sinipat niya ako mula ulo hanggang paa at saka nakita ko ang paglapat ng kaniyang labi na parang may iniisip na hindi ko alam.
"Just drink plenty of water and I bought a medicine for your dizziness," binigay niya sa akin ang tray na may lamang pagkain. Naamoy ko agad ang aroma ng sabaw na niluto niya. "Eat this first, uuwi muna ako dahil maaga ako ngayon."
Tinanggap ko ang lalagyan, at bago pa ako makapagsalita, agad na siyang lumihis. Balak ko sanang sabihing pupunta ako sa kanyang opisina mamaya. Hindi ko alam kung bakit iniiwasan na naman niya ako.
Tiningnan ko ulit ang pagkain at nilagay sa study table ko na malapit lang sa aking higaan.
I invited him to sleep with me in my apartment, and unexpectedly, we didn't do anything—just sleeping. Surprising, isn't it? But he really didn't make a move, and he ended up sleeping in the living room.
But I know he's just stopping himself. Ngayon pa bang umamin siya sa akin at doon pa siya nagpipigil?
I roamed around, a satisfied smile plastered on my face. My room no longer had any sign of Professor Zaiden's face. I removed it two weeks ago. Tinanggal ko ulit ang aking salamin at nag ayos ng maigi. I know he's early today dahil umalis naman siya ng maaga ngayon rito at dapat maaga rin siya sa University.
I took my phone before I went to the kitchen to grab the medicine he placed there. Before I swallowed it, I noticed that it had no label. Anong gamot ba 'to? Hindi ko nalang pinansin at ininom.
I will asked him about Shannon. If he really falls in love with me, he should have break up with her.
Matapos kong maghanda, agad akong nagtungo sa University. Maaga pa, kaya't kakaunti pa lamang ang mga estudyante, at ilan sa kanila ay kasali sa mga sports activity ng paaralan.
I immediately went to his office at nang makita ko siya sa loob ay agad akong kumatok upang mapansin niya ako dahil kaharap niya ang kaniyang laptop. Sumilip siya sa pintuan at nang makita ako ay sumalubong ang kaniyang kilay.
"Ms. Valencia?" Tumaas naman ang kilay ko.
"Wala pang estudyante dito, Prof. Why are you still calling me that?" Matigas kong sinabi.
Hindi siya maka-react nang sinirado ko ang pintuan at kumandong sa kaniya. Napansin ko ang gulat sa kanyang mukha nang bigla ko siyang halikan sa pisngi at ilapit ang ulo ko sa kanyang dibdib.
"Why didn't you enter in my room last night? Hinintay pa naman kita."
Sinubukan kong halikan siya, ngunit nabigla ako nang itulak niya ako. Napakapit ako sa mesa sa lakas ng pag-urong ko. Inatras niya ang upuan, kaya't tumayo ako habang naguguluhan.
"What are you doing?" Mariin tanong niya.
"Ha? Ano bang pinagsasabi mo?" Pagtataka ko.
"Why did you kiss me?" Unti-unting napansin ko ang galit sa boses niya. Hindi ako makaimik at tinitigan lang siya.
Nagtitigan kami, at sa pagtangkang intidihin ang kanyang damdamin, nilapitan ko siya at hinawakan ang kanyang pisngi "Why are you so upset? I thought... I thought you wanted me too," Nilapitan ko siya at hinawakan ang kaniyang pisngi. "Hindi ba nag confessed ka pa sa akin kagabi? Wala pa namang tao, we can talk normal like we usually do."
Ngunit mabilis niyang kinuha ang kamay ko at umatras. "Get out, Ms. Valencia."
"P-prof? Ano bang nangyayari?" Gulat at pangangamba ang aking nararamdaman.
"I said get out!"
Napatigil ako dahil sa laki ng boses niya. Nakaramdam ako ng takot at mabilis kong nilisan ang opisina. Dumiretso ako sa Cafeteria at nag order ng kakainin ko. Tahimik lang akong kumakain at kahit anong lunok ko ay napapahinto ako dahil sa mga iniisip ko.
"Is she that girl?"
"Where?"
"That wearing nursing uniform. Siya hindi ba?"
Nakatitig sila lahat sa akin, at naramdaman ko ang bigat ng mga mata na sumusubaybay sa bawat kilos ko. Lumunok ako at nilibot ang tingin sa paligid, hanggang napansin ko ang mga tao na nakatingin sa akin habang may hawak na cellphone.
"Hala, siya talaga oh. Hindi ba si Professor Zaiden 'to?"
"Impossible, iba naman hairstyle 'eh."
"Iba nga pero sinuklay lang naman 'yan pataas. At saka, kamukha kaya. Wala naman akong narinig na may kambal si Professor."
Lumunok ako at nilibot ang paningin sa paligid. Nakatingin sila sa akin talaga at dahil sa curiousity ko ay kinuha ko lang rin ang cellphone ko at binuksan ang social media ko at unang bumungad talaga sa akin ang isang video.
Hindi ko pa naiplay ay alam ko na kung sino ang nasa video dahil sa mga pamilyar na suot. Sumiklab ang takot at kaba sa dibdib ko at pinindot ang play button.
Sa video ay nag uusap kami ni Professor at saka, hinalikan niya ako at kitang-kita iyon sa video. Masyadong klaro ang ginawa namin. Binaba ko ang pag scroll at umabot na ng thousand likes at shares ito.
"She's flirting with a teacher! Akala ko sa libro ko lang 'to nababasa!"
"I was shocked too specially when the Professor is engaged!"
"Hala, oo nga no! This is trouble. The dean will surely be mad at this."
Matapos kong makita ang video, hindi ko napigilan ang sarili ko at lumabas ng Cafeteria patungo sa corridor kung saan naroroon ang opisina ni Professor Zaiden. Ang ingay ng mga chismis na kumakalat sa paligid ay parang kidlat sa aking tenga.
Binuksan ko ang pinto ng opisina niya nang mabilis at agad kong kinonfront siya. "Prof.." nakita kong may kausap siya sa phone at nang marinig niya ang boses ko ay agad siyang humarap at saka hinila ang braso ko. Napangiwi ako dahil sa sakit.
"Anong ginawa mo? Did you upload that video so you can get rid of my engagement?" Galit niyang sambit.
"No, hindi ko ginawa 'yon."
"Sinong niloloko mo? Hindi ba at baliw na baliw ka sa akin? Kaya gumawa ka na naman ng makakasira sa pangalan ko!"
Hinila ko ang braso ko at sinampal siya. "Ikaw ang humalik sa akin kagabi. Nag-confess ka pa nga 'eh. Anong gusto mong gawin ko? Nasa public tayo, Professor, at ikaw ang hindi nag-iisip!"
Sinamaan niya ako ng tingin, ngunit hindi ako nagpatinag at mas lumapit sa kanya. "Ano? Huwag mong sabihing ide-deny mo na naman?!" Galit kong bulyaw.
"Calling for Sir. Contreras and Ms. Valencia. The dean requested your presence. Please head to the office now."
Napaiwas siya ng tingin at napahilamos ng mukha.
"This is trouble.." Tumingin siya sa akin. "Ano ba kasi ang nasa sa'yo kung bakit hindi man lang--" Tumahimik siya at kumuyom ang kamao.
"This is not what we agreed on," bulong niya pa.
"Calling for Sir. Contreras and Ms. Valencia. The dean requested your presence. Please head to the office now."
Nagmura siya at saka unang lumabas ng opisina. Kinakabahan ako sa mangyayari ngunit wala narin akong magawa dahil kalat na kalat na.
-----
"Professor Contreras and Ms. Valencia, please have a seat," utos ng dean, habang sinasara ang pintuan ng opisina.
Pinaupo kami sa harap niya at kitang-kita ko sa mukha ni Professor Zaiden ang galit at pagkakaba. Nanginginig pa rin ang mga kamay ko habang hinihintay ang sinasabi ng dean.
Umupo si Dean sa kaniyang upuan at inayos muna ang kaniyang salamin bago nagpalipat-lipat ang kaniyang tingin sa aming dalawa. Nakatungo lang ako at naghihintay ng sasabihin niya.
Binuksan niya ang kaniyang laptop at pinaharap sa amin. Hindi maatim na tingnan ni Professor Zaiden ang video kaya umiwas nalang siya at napapikit.
"Let's get straight to the point. There's a video circulating on social media showing an intimate moment between the two of you," sabi ng dean, habang nagpapatugtog ang kanyang laptop ng video na yun. "Can you explain this?"
Nagmumula sa mga mata ni Professor Zaiden ang pagtatangkang pigilan ang galit habang iniipit ang kanyang mga kamay.
"Kayo ba?" tanong ng dean sa akin, ngunit wala akong ibang magawa kundi umiling at pigilang umiyak. "Ms. Valencia, please answer. Are you in a relationship with Professor Zaiden Contreras?" mariing tanong ng dean.
Umiiwas ako ng tingin, ngunit sa halip na sagutin, sumama na lang ang loob ko. "No," mariing sagot ko. "I'm having an affair with Professor Zaiden."
We're not officially in a romantic relationship. We don't have labels, but I acknowledge that what we did was an affair.
Nakita ko ang pagkagulat sa mukha ng dean. "You're having an affair?" dagdag niya. "Affairs between students and teachers are strictly forbidden in this university. This is a serious matter."
Tumahimik ang lahat sa opisina, at naririnig ko ang halakhak ng ilang faculty members pa sa labas, marahil ay hindi alam ang nangyayari sa loob.
"Stop this nonsense, Laurenestine. We're not having an affair!" biglang sambit ni Professor Zaiden, galit na galit.
"Professor Zaiden, it's best to be honest. This video is clear evidence," sabi ng dean habang tinitingnan si Professor Zaiden. "Are you denying it?"
"I am denying it, Dean. Wala kaming ginawa." mariing sabi niya at ramdam ko ang galit sa bawat salitang binitiwan niya.
Napakunot-noo si Dean Hernandez bago muling nagsalita. "I will have to call your parents to discuss this situation further. This is a violation of the university's policies."
"No, Dean, huwag. Huwag niyo tawagan ang parents ko. Ako ang may kasalanan," pakiusap ko, ngunit hindi ako pinapansin.
"I categorically deny any involvement with Ms. Valencia. This is a misunderstanding," mariing sabi ni Professor Zaiden, ngunit mas lalo akong nanginig sa kaba.
"The evidence is right in front of us. This video clearly shows an intimate moment between you and Ms. Valencia," sagot ni Dean Hernandez. "We need to address this issue seriously."
Tahimik akong nanatili sa aking upuan, ngunit nararamdaman ko ang pag-ikot ng mundo sa paligid ko. Gusto ko nang mawala sa sitwasyon na ito.
Professor Zaiden, still in denial, retorted, "Dean, I have no involvement with Ms. Valencia. I don't know why she's saying this."
"Enough!" The dean's patience was wearing thin. "We have evidence, Professor, in the form of that video. We need to address this issue accordingly."
I glanced at Professor Zaiden, who avoided my gaze, frustration evident in his clenched fists. The dean continued, "We will conduct a thorough investigation, and based on the findings, appropriate actions will be taken. This involves both of you, and it's a serious breach of university policies."
Sa sandaling nakatanggap si Dean Hernandez ng tawag mula sa mga magulang ko, nadama ko ang lamig na dumapo sa aking puso. Hindi ko alam kung ano ang kanilang sasabihin o kung paano ko ipaliwanag ang nangyari.
Walang imik kami sa loob habang naghihintay ng ilang minuto roon. Nanlalamig na ako dahil sa kaba dahil alam kong magiging disappointed ang mga magulang ko. Ako ang bunso at ako nalang ang nag aaral dahil nabuntis ng maaga ang ate ko habang ang nakakatandang kapatid ko naman ay nagtatrabaho upang mabayaran ang tuition ko sa University. Ako nalang ang inaasahan nila ngayon pero dinissapoint ko sila.
Nag angat kami ng tingin nang bumukas ang pinto. Dumapo agad ang mata ni Papa sa akin. Ramdam ko ang tingin ng galit at disappointment mula sa kanilang mga mata. Hindi man lang nila pinapansin ang mga tao sa loob.
"Ano 'to, Laurene?" galit na tanong ng aking ina. "Ano bang kahibangan ang ginagawa mo dito?"
Nang hindi ko kayang sagutin ang kanyang tanong, naglakad siya palapit sa akin at hinarap ako. "Iniintindi mo ba ang kahihiyan na dala ng video na 'yan? Ano bang klaseng relasyon 'to, ha?"
"Tinuruan kita nang maayos, Laurene. Hindi ganyan ang pagpapakita ng respeto sa sarili," sabi ng aking ama.
Napayuko lang ako at hindi maatim na tingnan sila sa mata. "Ma, Pa, pasensya na po. Kasalanan ko po ito," sabi ko habang bumabagsak ang aking mga mata. "Mahal ko po si Professor Zaiden."
Nagulantang ang aking ina, at ang galit sa kanyang mukha ay nadagdagan. "Ano? Mahal mo siya? Laurene, nasa tamang pag-iisip ka ba? Paano mo naisipang gawin 'to?"
"Ilang beses na kitang itinuro kung paano ang wastong pakikisama sa tao, Laurene," sabi ng aking ama. "Hindi ko matanggap na ikaw, ang aming anak, ay gagawa ng ganitong kahibangan. Ano nalang ang masasabi ng ate mo?"
Hindi ko kayang tignan ang kanilang mga mata, ngayon lang ako nahiya dahil nandito si Professor Zaiden at tinitingnan pa kami ng Dean. Hindi ko matanggap ang galit at pagkadismaya na nakikita ko sa mga mata ng aking mga magulang.
"Dahil sa nangyari, kailangan mong harapin ang kaukulang parusa sa mga nilabag mong patakaran ng paaralan," sabi ng dean. "At si Professor Contreras, hindi rin siya ligtas sa mga kinakaharap natin na konsekuwensya."
Bago pa siya makapagsalita ay may kumatok ulit. Napatingin kaming lahat sa pintuan nang nagsalita ang Dean para ipapasok kung sino ang nasa labas at umiwas agad ako ng tingin nang makilala ang pumasok.
"L-love.." Nauutal na sambit ni Professor Zaiden sa babae.
Hindi tumingin si Shannon sa kaniya at lumapit sa akin. Wala akong makitang expresyon sa mukha niya at hindi na dapat ako nagugulat kung sasampalin niya ako.
"Kaya pala pamilyar ka. You're in that picture. Ikaw ang nag send sa akin ng picture na 'yon." Yumuko lang ako. Nahihiya at kinabahan. "Narinig ko sa fiancé ko na may gusto ka sa kaniya. Lagi ka niyang nakikita kahit saan at may picture ka pa. I don't believe that video kung ako tatanungin mo."
I didn't even move and just let her speak. "I believe this girl edited that video, Dean."
Umangat ang tingin ko nang makita si Shannon na humarap na sa Dean. Bakit masyado siyang confident na edit ko lang talaga iyon?
"I heard that she's famous dahil sa bansag niya. Crazy nurse? She's obsessed with my fiancé kaya posibleng siya ang babae sa video pero iba ang lalaki."
"Paano mo nasabi ang bagay na 'yan, Ms?"
"Call me Shannon, dean," humarap siya sa fiancé niya at nakita ko pang ngumiti siya rito. "The video took last night, right?"Tumango ang Dean. "Magkasama kami ng fiancé ko sa bahay ng magulang ko kaya alam kung hindi siya ang lalaking 'yan."
Kumurap ako at prinoseso ang narinig. Anong ibig niyang sabihing magkasama sila?
"Can you tell us the truth, Ms. Valencia? Sino ba talaga ang kasama mo sa video?"
Hindi ako makapaniwalang nakatingin kay Professor na ngayon ay natahimik lang rin."No, si Professor talaga ang kasama ko. Hindi ako pwedeng magkamali." Nahihirapan kong sagot.
Nagkaruon ng masamang ekspresyon sa mukha si Shannon. "Dean, don't believe her. She's manipulating the situation. I can vouch for my fiancé, and I have proof that we were together last night."
Dean Hernandez sighed and rubbed his temples, clearly frustrated with the conflicting narratives. "Ms. Valencia, you need to understand the gravity of the situation. If you're lying, it will only worsen your case."
"I'm not lying, Dean. I know what happened," I insisted.
Shannon smirked, crossing her arms. "Well, if you're so sure, then prove it. Show us evidence that it was indeed Professor Zaiden in that video."
I fumbled for words, realizing I had no concrete proof. The room fell into an awkward silence, and I could feel the weight of everyone's judgment on me.
"Ms. Valencia, I suggest you think carefully before you speak," the dean warned.
"I... I can't prove it right now, but I swear it's Professor Zaiden in the video," I stammered.
Shannon chuckled condescendingly. "Looks like she's caught in her own web of lies, Dean. I told you, she's just obsessed with my fiancé."
Hindi ko alam kung paano ako makakasagot. I felt betrayed by Professor Zaiden, and the weight of the situation was suffocating.
"I-I don't know, Dean. Maybe it's just a misunderstanding. Pero si Professor talaga ang kasama ko," ang matamlay kong pagsagot.
Hindi nagustuhan ni Dean Hernandez ang sagot ko. "This is a serious allegation, Ms. Valencia. If you still insist on your claims, mas magiging delikado ang reputasyon mo."
Pinilit kong itago ang takot at hiya sa aking mata. Nang muling magsalita si Shannon, puno na ito ng galit. "Please take appropriate actions. I won't let her ruin my relationship with Professor Zaiden."
Sinamaan ako ng tingin ni Shannon. "Tumahimik ka na. Hindi na kita dapat makita sa harap ng fiancé ko," sabi niya.
Professor Zaiden finally broke his silence. "Dean, I can vouch for Ms. Valencia. We were together last night."
Shannon scoffed, rolling her eyes. "Oh, please. You're just protecting her because she's infatuated with you."
"I'm protecting her because it's the truth. We were together, but I never expected things to turn out like this," Professor Zaiden said firmly.
Gulat akong napatingin kay Professor Zaiden. Hindi man lang siya tumingin sa akin at nakatutok lang ang mata sa Dean. Pati mga magulang ko ay naguguluhan rin. Kanina ay todo deny siya tapos ngayon ay inamin niya.
"So, you're denying our engagement, Zaiden? You're willing to lie just to protect her?" Mahinang sabi ni Shannon ngunit ramdam ko ang galit roon.
"Shannon. Noong gabing iyon, wala akong ibang kasama kundi si Laurene," mariing sagot ni Professor Zaiden. "We didn't see each other last night, you don't have to lie."
Ngunit lalong sumudhi ang galit ni Shannon. "Hindi ko lubos akalain na gagawin mo ito sa akin, Zaiden. After everything we've been through, ikakasal tayo, pero ipinagpalit mo lang ako sa isang estudyante mo!"
I didn't react anymore. I understand Shannon's anger and my parents' disappointment. The only thing left to do is to listen to it all and accept the consequences.
"Ms. Valencia, Professor Zaiden, dahil sa kaganapang ito, kinakailangan nating sumailalim sa isang imbestigasyon," deklara ni Dean Hernandez. "Hanggang hindi malinaw ang lahat, pansamantalang sususpindihin kayo sa paaralan."
Napapikit ako, at parang isang bangungot ang nagaganap. Hindi ko maipaliwanag ang sakit at panghihinayang sa aking puso. Nanghihinayang ako dahil may inaasahan akong mangyari. Hindi ko matanggap na ganito nalang.
Two weeks ago, when I discovered that the video I wanted to send to Shannon was deleted, I lost control. I found myself removing his pictures and anything that reminded me of him. Eventually, I remembered that I was the one who deleted the video, realizing slowly that I couldn't force everything.
I talked to Jorih about this. Alam niya ang relasyon ko kay Professor Zaiden at kahit siya ay naguguluhan narin sa pinapakita ni Prof sa akin kaya ay sinabi kong kailangan naming magplano kung paano namin malalaman ang nangyayari kay Professor Zaiden. She told me that Professor Zaiden has a disorder dahil sa pabago-bago ng ugali niya. Kilala niya ang pamilya ng Professor kaya impossible na may kapatid pa siyang kamukha nito. Ako naman ay naniniwalang magkaiba sila at para mapatunayan ay kailangan kong mag sakripisyo. Kailangan kong isugal ang kahihiyan ko para malaman ko ang lahat.
I requested her to take a video of us kapag mag uusap kami. Hindi lang namin inaasahan na sa bar iyon mangyayari dahil ang unang plano namin ay sa loob talaga ng opisina ng Professor. Ako rin ang nag upload ng video gamit ang dummy account ko. Ako mismo ang sumira sa pangalan ko para lang makumpirma ko lang ang hinala ko.
Jorih didn't expect that I'm serious with my plan. Nakaya ko ngang lagyan ng druga at akitin ang Professor, ito pa kaya? I can do unexpected things kahit na, masisira ang pangalan ko dahil alam kong malulusutan ko parin 'to.
But I failed now. Hindi ko makompirma at baka tama nga si Jorih na may problema si Professor Zaiden dahil umamin naman siya. Kumuyom ang kamao ko, hindi ko kayang tanggapin 'to.
"No, you deny it earlier, Professor Zaiden. Bakit inamin mo?" Tumingin ang lahat sa akin. Napako lang ang titig ko kay Prof. "Ano ba talaga? Bakit umiiba ang mga sagot mo?"
Dean Hernandez sighed, clearly frustrated with the situation. Naglakad ito patungo sa pintuan at bumukas ito. "Both of you are suspended until further notice. We will conduct an investigation to clarify the circumstances surrounding this incident. Please cooperate with the process. Pati ako ay hindi alam kung ano ang totoo kaya mas mabuti pang maghanap ng ebedensiya. Hindi ito masusolsyunan ng ganito lang."
Ngunit bago pa siya makalabas ng pintuan ay may lalaking humarang sa harap niya.
"No need for that, Dean. I can explain the situation."