IT'S been two weeks, and every night, I find joy in the company of my new friends. Tristan introduced me to his circle of friends at the same university, and I'm enjoying myself with them. After my class, we always hang out because they are avid party-goers. Tristan usually accompanies me when they have plans, and tonight, I'm sitting here with him because I suddenly felt dizzy earlier.
"Ininom mo ba ang binigay na alak ni Seriah?" Tanong ni Tristan habang mina massage ang aking palad. Nasa sulok lamang kami at hindi niya talaga ako pinabayaan.
Nakadantay lang ang ulo ko sa couch habang kinukurap kurap ko ang aking mga mata. Umiikot talaga ang paningin ko.
"That blue thing?" Mahina kong sabi.
"Oo, she's mixing something with the drink at baka nainom mo. Minsan nga ay sumasakit tiyan namin dahil sa trip niya."
Tristan continued massaging my palms as I tried to shake off the dizziness. His concern was evident, and the soothing rhythm of his touch made me feel a bit better.
"Seriah can be a bit experimental with her drinks," he chuckled. "But don't worry too much. You're in good hands. I'll make sure you're okay."
I managed a weak smile, appreciating his comforting presence. The surroundings seemed to stabilize, and the dizziness slowly faded away.
"Thanks, Tristan. I didn't expect this sudden lightheadedness," I admitted.
He grinned, his warm eyes reflecting genuine care. "Well, sometimes our bodies just give us unexpected signals. Good thing I'm here to take care of you."
"Yeah, I thought you would leave me."
Marahan niyang pinisil ang balat ko. "Kailan pa kita iniwan? Simula ng mapalapit ako sa'yo ay hindi ko naalalang iniwan kita, Lau." Malambing niyang sagot at napamulat ako nang hinalikan niya ang aking kamay.
Tristan confessed to me the other day and he already know that I'm in love with someone else. Hindi ko lang sinabi kung sino dahil hindi ko pa siya kayang pagkatiwalaan. He's silently have a crush on me pero hindi niya lang masabi dahil parati akong ilag kahit sa mga classmate ko. He even told me that he's the one who approached me when we were in the first day of class, ako lang talaga ang hindi siya pinapansin.
"You know, I've been thinking.." mahina niyang wika ulit.
"Hmm?"
"May kapatid pa ba si Professor Contreras?"
Napaayos ako ng upo dahil sa tanong niya. I want to avoid hearing his name but he's famous everywhere in University. Kahit sa labas ay naririnig ko siya. We were avoiding each other inside of the University and I thought he was getting affected but it seems he's okay. Ako lang yata ang masyadong affected.
"I.. I met his younger sister."
Tumingin siya sa akin at pasimple ko namang iniwas ang aking tingin.
"Oh, I know his younger sister. Nasa block 2, hindi ba? She's a class president. Matalino rin."
Tumango lang ako dahil alam ko rin iyon. Hindi ko lang alam kung bakit kapag nagkikita kami ay gusto niya akong maging close. Hindi ko naman siya masyadong kilala.
"But.. I heard that they have another siblings.. May dalawa pa silang kapatid. Si Zaen lang ang nag aaral pa habang ang iba ay may trabaho na."
Napaisip ako. Hindi ko pinagtuunan pansin ang ibang detalye sa buhay ni Professor Zaiden dahil wala naman akong pakialam sa iba at siya lang focus ko. I really don't care about other people. But recently, I started to search deeper about his family especially his siblings.
"Bakit mo naman nalaman iyan?"
Hindi niya hinawakan ang kamay ko at kinuha ang baso ng alak at Ininom iyon. Nagsasayaw ang mga kasama namin sa dance floor at kami lang nandito. We heard each other dahil hindi naman masyadong malakas ang music dito sa area kung saan kami.
"Jorih has a huge crush on the oldest sibling at na meet na niya raw sila last month. Nandoon nga siya sa engagement party ni Professor Zaiden."
Tumahimik ako at nangunot ang noo ko nang marealize ang type na tao ni Jorih. Jorih is the same age with us and she's really a gullible person.
"Ang kaso.. nagustuhan niya talaga ang mas matanda sa kaniya. The oldest sibling is 33 years old already at solo parent pa. Bakit kaya ganoon minsan nag babae? Ayaw ba nila ng katulad ng edad nila?"
Ngumiti ako dahil mukhang kahit ako ay natamaan rin. Professor Zaiden is already 30 years old while I'm still in my 20. 10 years gap? I really don't care about the age though.
"Hey.. hey.. you're talking about my future husband!"
Napalingon kami sa likod dahil sa biglaang sabat ni Jorih. She's drunk already. Gumigiling pa habang umiinom ng alak at lumiko sa harapan para itapon ang sarili sa bakanteng upuan.
"That was great! Ang gwapo ng Dj!" Tili niya pa. "Pero mas gwapo talaga si Architect Contreras!"
"Ay, akala lawyer siya beh." May sumabat na naman sa amin. Si Seriah na ngayon ay inakbayan ng boyfriend niya.
"Anong lawyer? Hindi no, iyong isa ang lawyer.. ang ikalawang kapatid."
"Grabe.. puro professional! Wala bang doctor? Hehe! Para bagay sa single nating friend!" Sabay tingin nila sa akin.
Nakaramdam kami ng tensyon nang tumikhim si Tristan. "Bakit, hindi ba siya bagay sa isang nurse na katulad niya rin?"
Nag alinlangan silang tumawa at nagtutulakan pa. "Joke lang no, selos ka naman agad!" Bawi ni Seriah at kinurot pa ang pisngi ng boyfriend niya at ayon, naglalambingan na sila sa harapan namin.
Tristan gently grabbed my hand and suggested, "Lau, gusto mo bang lumabas saglit? Makakabuti yata kung magkaruon tayo ng mas tahimik na lugar para makapag-usap."
I agreed, and we stepped out into the cool night away from the lively dance floor. May rooftop rito kaya ay doon muna kami dahil mas prefer ko pa muna ngayon ang tahimik na lugar. Tristan know me at alam kong napapansin niyang hindi na ako nagiging comfortable lalo na at kahit gusto kong sanayin ang sarili kong maging masaya habang nakapalibot ang iba't ibang tao ay hindi parin talaga ako comfortable.
Lumapit kami sa railings at sinalubong kami ng malamig na simoy ng hangin. Gumaan ang pakiramdam ko at nawala ang nararamdaman kong hilo.
"Are you okay now?"
Ngumiti ako kay Tristan at pinasadahan siya ng tingin. He's handsome, kind and thoughtful at masasabi kong perfect siya maging boyfriend. Pero, hindi talaga agad-agad mawawala ang nararamdaman ng isang tao at hindi ko pa kayang suklian ang nararamdaman niya sa akin dahil kahit anong gawin ko, isang tao lang ang naglalaman ng puso ko ngayon.
Siya parin ang gusto kong makasama at makausap. Siya parin ang hinahanap ko.
I could feel the warmth of Tristan hands as he held mine. He suddenly adjusted my hair and smiled.
"Tristan, you've been really kind to me tonight," pahayag ko, ngunit bago pa ako makapagpatuloy, bigla niyang iniangat ang kanyang kamay at marahang hinawakan ang aking mukha.
Napanganga ako ng bahagya nang bigla niya akong hinalikan. Hindi ko inasahan ang kanyang ginawa, at sa unang sandali, nanatili akong walang galaw.
Bago ko pa siya naitulak ay may ibang kamay na ang humila sa kwelyo niya at napatili nalang ako nang makita siyang natumba sa sahig. Hindi ko na tiningnan kung sino ang lumapit sa akin at agad tumakbo sa puwesto ni Tristan ngunit napatigil ako nang hinila ako kaya ay lumingon ako sa lalaki.
Galit ang naging expresyon ko at sisimulan ko na dapat itong bulyawan nang makilala ang lalaki. I checked him out, noticing his brown long sleeves with two buttons undone, jeans, and black shoes. His hairstyle, once a middle part like in Korean K-pop, was now neatly combed, making him look like a different person.
Siya nga ba? O, nag iba lang siya ng porma at hairstyle? Pero bakit?
"Nawala lang ako ng ilang araw ay nagpahalik ka na agad sa iba." May bahid na inis niyang sabi at hinigpitan ang paghawak sa aking pulso.
Tumayo si Tristan at nilapitan ako. "Sino ka? Bakit mo ako tinulak?!"
Naguguluhan akong nakatingin kay Tristan. Ano bang sinasabi niya? Obvious namang si Professor Zaiden 'to, bakit parang hindi niya nakilala?
His stern gaze bore into me, his grip on my wrist tightening. "Laurene, explain yourself. Why were you kissing him?"
I stammered, caught off guard. "I... I didn't kiss him, Professor. Tristan was just being kind, and then he suddenly..."
He cut me off and his eyes narrowing. "Enough excuses. I saw what I saw."
Bago pa ako makasagot ay hinila niya ako ng pwersahan pababa ng rooftop. Galit na sumunod si Tristan sa amin at hinawakan rin ang kamay ko.
"Hey, she's with me!"
Sinamaan siya ng tingin ni Professor at pilit na kinuha ang kamay ni Tristan sa akin.
"I don't care.. ako na ang kasama niya ngayon. If you won't step your ass back, I will cut your balls and force you to eat it."
Napakurap si Tristan sa sinabi ni Professor. Sumulyap si Prof sa akin at saka ay hinila ulit ako. Wala na akong magawa dahil mukhang ang dilim-dilim ng expresyon niya.
Pagbaba namin ay sinalubong agad siya ng mga babae kaya lang ay wala siyang pakialam at hinawi lang sila na parang damo at mabilis kaming naglakad palabas ng bar. Nakita pa ako ni Jorih at hindi ko alam kung bakit titig na titig siya kay Professor Zaiden.
Pabalang akong binitawan ni Professor at saka binuksan ang kotse. Hindi man lang siya nagsalita at tinulak ako para makapasok sa kotse. Hindi na ako umangal dahil bumalik na naman ang pagkahilo ko.
Ilang segundo lang ay nasa loob na siya ng kotse at saka binuksan ang glove box. Tiningnan ko lang kung paano siya kumuha ng maliit ng towel at saka binasa iyon ng mineral water. Inangat niya ang mukha ko at saka pinahid ang labi ko. Salubong ang kilay niya habang pinupunasan ang labi ko.
Pinigilan ko ang paggalaw ng kamay niya at masama siyang tinitigan. "Anong ginagawa mo?"
"I'm wiping that bastard's kiss. Ako lang dapat ang humahalik sa'yo." Mahina niyang sagot ngunit imbis na masayahan ako ay tinulak ko ang kamay niya at iniwas ang aking mukha.
"Tinigilan mo na ako."
"I will, I'm just wiping that k--"
Tiningnan ko siya ng mariin. "Tigilan mo na ako Professor.. Stop engaging with me. Stop being nice and stop sending mix signals!"
Natahimik siya at hindi makasagot. His eyes still the same, malamig at parang walang emosyon. Nilagay niya ang basang towel sa harapan at umayos ng puwesto sa driver seat. Sinandal niya ang kaniyang katawan ng komportable at pumikit.
Nakatitig lang ako sa kaniya at hinihintay ang magiging reaksiyon niya ngunit wala yata siyang planong magsalita.
"Tumigil ka na, Professor," mariing sambit ko, habang ang galit at frustrasyon ay bumabalot sa bawat salita. "Hindi mo ba naiintindihan? I don't want to be a part of your life. Please don't try to be kind or send signals as if something happened between us."
Nagbukas siya ng mga mata at tinignan ako ng masusing tila hinahanap ang sagot. "Wala ka bang nararamdaman para sa akin ngayon?"
"Tama na, ayokong sagutin 'yan. Hindi ko alam kung ano'ng pakiramdam ko. Basta, gusto ko nang tapusin ito."
Ngunit, ang mga mata niya ay hindi man lang naalis. "Hindi mo na ba ako mahal, Laurene?"
"Hindi mo na ba ako naiintindihan? Hindi ko na kayang ipagpatuloy 'to. Hindi mo rin naman ako maiintindihan, Professor," sabi ko, nang dahil sa kanyang tanong ay lumubog ang loob ko sa kahilera ng galit. "Kaya tigilan mo na ako."
"Do you love me now and not before?" tanong niya ulit na parang walang pakialam sa mga sagot ko.
Napakunot-noo ako. "Bakit lagi mong tinatanong sa akin iyan? Hindi pa ba halata? Hindi naman ako magiging ganito kung wala akong nararamdaman sa'yo."
Nagkatitigan kaming dalawa at kahit gusto kong malaman ang emosyon na pinapakita niya ay wala akong mabasa. "Hindi ba talaga nagbago? Wala ba talagang nagbago?" Tila kahit ilang segundo lang ay nararamdaman ko na iba ang kahulugan ng mga sinasabi niya.
"Haven't you realized that feelings cannot be forced?" matamlay kong sabi. "Hindi ko na kayang ipagpatuloy ito. Noon, oo, iniisip ko na lang na maaari kong kontrolin lahat at iniisip ko na maging akin ka rin pero ngayon, alam ko ng hindi tama."
He continued to silently gaze at me, as if waiting for further explanation. It's as if he's reading every star to find his place in our world.
"My love for you, Prof is no longer like before." paliwanag ko na puno ng pasensya. "Ngayon ko lang narealize na hindi ko kailangang pilitin ang sarili ko sa isang pag-ibig na wala namang kasiguraduhan." I bite my lower lip. "Siguro, binigay ka lang sa akin ng ilang sandali para marealize ko rin ang kahalagahan ko. You're right, I'm creepy for being obsessed with you. I let you used me like a damn thing because I thought.. I can change your feelings for me.."
Nahulog ang kanina ko pang pinipigilang luha pero ngumiti parin ako sa kahit na humahalo na ang pait sa mga salita ko.
"Alam mo bang dati, iniisip ko na ang nararamdaman ko para sayo'y makakapagbigay sa akin ng kahulugan at saya? Pero ngayon, unti-unti kong natutunan na hindi iyon ang kahulugan ng pag-ibig. Hindi dapat ito nagsisimula at natatapos sa isang tao lang. Hindi ito dapat nagdudulot ng sakit at hinanakit."
Tahimik pa rin siya, ngunit tila ba may bagay na gusto niyang sabihin. Hindi ko alam kung anong iniisip niya, at doon ako naiinip.
"Naging obsess ako, Professor. Gusto kong kunin lahat ng atensiyon mo dahil baka mapansin mo rin ang isang tulad ko. Oo nga napansin mo ako pero kailangan ko pang gamitin ang katawan ko para makuha ka at hindi ang nararamdaman ko," Pilit kong pinipigilan na huwag humikbi habang nagsasalita kahit sa puso ko ay ang sakit- sakit na. "Umaasa parin ako sa'yo na makakamtan ko ang lahat. I'm obsessed with you but now, I realized that this is a mistake and we should stop. You made me realize that, Professor.."
Bigla siyang nagbukas ng bibig, at ang unang salita na lumabas ay, "Laurene..."
"Huwag mo na akong tawaging Laurene. Isa na lang akong ordinaryong studyante sa'yo. Hindi ko na kailangan ng romantikong drama sa buhay ko. I should now put myself in the right place and find my own happiness."
Hindi niya ako sinasalubong sa mata. Sa halip, tila ba iniintindi niya ang bawat letra at salita na lumalabas sa aking bibig.
"Naisip ko rin na marahil, sa pagtigil ko dito, mas makakatulong ako sa'yo. Hindi ka na nagdadalawang isip na piliin kung sino talaga ang babaeng makakasama ka habang buhay, dahil kahit anong gawin ko ay hindi ako magiging parte ng buhay mo."
Despite everything, I failed to conceal the pain in my heart. I didn't expect that letting go of this dream would bring forth poignant emotions.
"Hindi ko na alam kung paano kita haharapin sa mga klase, pero gagawin ko ang lahat para maging normal ang lahat. Para wala nang aberya sa buhay mo."
As I stepped out of the car, I saw him express true emotions for the first time. Pero hindi ko kayang tanggapin ang mga emosyong iyon dahil alam kong naghihinayang lang siya.
Naramdaman ko ang malamig na hangin na dumapo sa aking balat, at ito'y parang pampatulog sa init ng ulo ko. Ang ingay sa paligid, ang mga tao sa paligid na tila walang pakialam, pero sa oras na iyon, iyon ang mas gusto kong sitwasyon. The sadness and resentment in my heart compelled me to leave, and I walked away without even giving a glance to Professor.
I should be happy right? I overcome the hardest thing in my life. Kasi ang pagiging baliw ko sa kaniya ay unti-unting nawawala ngunit mas lalo lamang akong natakot dahil sa bagong nararamdaman ng puso ko. My feelings suddenly twisted when I finally realized that my heart is changing.
Bumaling ako sa kalsada at inilakad ang mga hakbang na tila ba naglalakbay papalayo sa mga problemang bumabalot sa aking isipan. Ang mga ilaw ng kalsada ay nagbigay ng liwanag sa aking malamlam na landas, subalit sa kaloob-looban ko, tila ba ang aking buhay ay pumapasok sa dilim.
My tears is not stopping. Kahit anong pahid ko ay tumutulo parin dahil kahit anong gawin ko, kahit anong laban ko sa sarili ko ay trinatraydor parin ako ng puso ko. Napakasakit pero nagugulat ako sa sarili ko dahil unti-unti kong naiintindihan lahat. Hindi ko alam kung bakit naging ganito ako. Hindi ko rin kayang malaman dahil baka, baka iba na 'to.
"Laurene.."
Napatigil ako sa paglalakad nang marinig ang boses na iyon. Pumikit ako at pilit pinapakalma ang sarili.
"I don't know how to stop. I can't ignore you. I can't let us stay like this."
Lumingon ako sa kaniya at nagulat ako dahil sa expression na pinapakita niya. "Laurene, hindi ko kayang bitiwan ka."
"Kailangan mong gawin iyon," mariing sabi ko, ngunit sa likod ng lahat ng ito ay isang malalim na hinanakit at pangungulila. "Nasasanay ka lang sa presensiya ko pero makakaya mo rin iyan. You have Shannon, she can do anything to you. Siya dapat ang sinasabihan mo ng ganiyan dahil isa lang naman akong malandi na handang gawin ang lahat para masira kayo." Inayos ko ang sarili ko at saka pumihit ulit. "Huwag mo akong sundan, Professor. Hindi ito magiging maganda para sa ating dalawa."
Hindi ko na siya hinihintay na sumagot at naglakad ako palayo. Hindi ko napansin kung saan ako papunta, basta ang importante, malayo sa kanya. Ang sakit, pero kailangan kong gawin ito para sa sarili ko.
Nang biglang may narinig akong mga hakbang na humahabol sa akin. Iniinda ko na lang at patuloy sa paglakad, ngunit bigla niya akong hinawakan sa braso at hanawi ang aking buhok at mahinahon akong hinalikan. Tila bumagal ang oras nang maramdaman ko ang labi niya. Ang labing sobrang nami-miss ko. Ang labing naging pamilyar na sa akin.
Kumalas siya at tinitigan ako. "Laurene, I already.. can you consider me? Can you please accept me?"
Hindi ako nagsalita at hinintay lang ang susunod niyang sasabihin. He's struggling to say it.
"I'm in love with you.. and it's getting deeper."
Napakurap ako ng mabilis at hindi ako makapaniwala sa mga narinig ko. Hindi ito ang ang gusto kong marinig dahil akala ko ay may sasabihin pa siyang iba. Hindi ito ang inaasahan ko.
Binasa niya ang kaniyang pang ibabang labi at tinitigan ako ng mariin na parang hinihintay ang reaksiyon ko. "Laurene... Please, say something."
Pinakiramdam ko ang sarili ko at walang ibang reaksiyon ang puso ko kung hindi ang pagbilis ng pagtibok ng puso ko. Tinitigan ko lang siya at habang tumatagal ay nakumpirma ko na ang noon ko pang tanong sa aking isipan. I tried to ignore it, tanga lang ako sa pag ibig pero hindi ako tanga sa ibang bagay.
"May gusto ka bang aminin pa sa akin, Professor?" Wala sa sarili kong tanong. Natigilan siya at nahalata ko ang pangamba sa kaniyang mga mata.
"Alam mo bang.. dahil sa pagkabaliw ko sa Professor ay alam ko na pati mga maliit na bagay tungkol sa kaniya?" Unti-unting lumukob ng takot ang reaksiyon niya. "Alam mo bang hindi lang ito ang unang beses na na napapansin ko ang mga bagay nang makausap na kita? At alam mo bang.." Huminto ako sa pagsasalita at tinitigan siya ng mariin. "Napapansin kong nag iiba ka?"
"Sino ka ba talaga? Bakit hindi kita kilala?"
Umiwas siya ng tingin sa akin at alam kong doon palang ay wala na siyang planong magsalita. Ngumiti ako ng matipid at hinawakan ang kaniyang pisngi.
"Siguro.. lasing lang ako tapos umamin ka pa, " Tumingin na ulit siya sa akin at hinawakan ang palad ko. "Pero alam mo rin bang pagkatapos mong umamin ay ngayon ko lang napagtanto na iyon lang pala ang makapagtahimik sa puso ko?"
Ngumiti ako ng malungkot at kahit narinig ko na ang gusto kong malaman ay mas nalulungkot ako at mas nasasaktan dahil nahulog ako sa ibang tao at hindi sa lalaking pinapangarap ko.
Kailan mo pa kaya sabihin sa akin ang totoo? Hihintayin mo bang ako na mismo ang magtutuklas ng totoo?
Sumulyap ako sa babaeng nasa madilim na parte at kitang-kita ng aking mata ang pagkislap ng camera roon. Tumingin ulit ako sa lalaking kaharap ko na ngayon ay hinahalik-halikan ang palad ko.
Aero, it really suits you dahil pangalan mo naman talaga iyon.