chapter six

2805 Words
Hanggang sa nakabalik na si Owen dito sa presidential suite. Kung kanina ay umaapaw ang inis ko dahil nakaengkuwentro ko ang isang babae na nagpakilala na Ynnah Tang, na sinasabi na fiancee daw nito. Gustuhin kong itanong sa kaniya kung totoo ba ang nalaman ko. Kung talaga bang ikakasal na siya. Pero bakit parang may pumipigil sa akin na gawin ko ang bagay na 'yon? Inilapat ko ang mga labi ko, pasimple akong sumulyap sa kaniya habang may kausap siya sa cellphone. Hindi ko nga lang maitindihan ang kaniyang pinagsasabi na tingin ko ay chinese ang kausap niya sa kabilang linya kaya chinese din ang ginagamit niyang lengguwahe. Kumawala ako ng isang malalim na buntong-hininga. Maya-maya ay aalis na kami at pupunta na kami sa Yingge Cermaic Museum mamaya dahil doon gaganapin ang kompetisyon. Pilit kong maging kalmado sa harap niya. "Ready?" bigla niyang tanong sa akin. Umangat ang tingin ko sa kaniya na medyo nakaawang ang aking bibig. Gumuhit ang pagtataka sa kaniyang mukha nang makita niya akong mukhang nag-aalala. Itinukod niya ang isang binti niya hanggang sa lumapat ang isang tuhod niya sa sahig. Diretso siyang nakatingin sa aking mga mata. "What's wrong, my lady?" bakas sa boses niya ang pag-aalala nang tanungin niya iyon. Nagtama ang mga tingin namin. Nagdadalawang-isip ako kung itatanong ko na ba o hindi muna? Pero tila may nagtulak sa akin na sabihin ko ang mga bagay na iyon. "H-hindi mo sinabi sa akin na... engaged ka na... pala." nanghihinang sambit ko saka yumuko ako. Rinig ko ang pagbuntong-hininga niya. Hinihintay ko ang kaniyang sagot sa malaking tanong na iyon sa aking isipan. "Because that marriage is for convinience." malumanay niyang tugon. Marahan niyang hinawakan ang isang kamay ko. "How did you know about this? Honestly, I was planning to tell you this..." "May nagpakilalang Ynnah Tang. She's asking me if I am your girlfriend. Until she tell me that she's your fiancee, Owen." mahina kong sagot. Hindi ko magawang tingnan siya nang diretso sa kaniyang mga mata. Kung bakit ay hindi ko alam. Sa halip ay napahilamos pa ako ng mukha. "Ilang ulit kang umaamin sa akin tungkol sa nararamdaman mo, bakit hindi mo magawang sabihin sa akin ito?" Marahan niyang ipinikit ang kaniyang mga mata. Masuyo niyang dinampian ng isang maliit na halik ang likod ng aking palad bago man niya ako ulit sagutin. "Naunahan niya akong sabihin sa iyo tungkol sa bagay na ito. I know Ynnah very well. Gagawa siya ng paraan para hindi ka maging harang sa engagement na 'yon. At wala akong plano na pakasalan siya. Kaya hinarap ko si baba para sabihin sa kaniya na tutol ako sa kasalan na iyon." kalmado niyang paliwanag sa akin. Muli nagtama ang aming mga mata. Sa kaniyang mga mata, nababasa ko doon ang sinseridad sa kaniyang sinabi. Kahit maikling panahon man kami buhat nagkakilala ni Owen, madali para sa akin na pagkatiwalaan siya. Before I met you, you were my dream girl, Jaz. Now that you've become a reality, I want to wake with you every morning, like the roses need the rain." "Owen..." hindi matanggal ang tingin ko sa kaniya. "Ayokong masira ka. Ayokong magalit sa iyo ang pamilya mo dahil—" "I'm willing to break the rules for you, Jaz." Hindi ko magawang magsalita pa, sa halip ay kinagat ko ang aking labi. Naubusan na ako ng mga salita na pupwede kong sabihin sa kaniya. Instead, tumayo na ako. "I need to get ready, baka mahuli na tayo sa convention." I told him. Tumayo na din siya. Nagawa pa rin niya akong tingnan nang diretso sa aking mga mata. Humakbang pa siya ng isa na siya naman ang pag-atras ko. Kahit anong iwas ko ng tingin ay ramdam ko ang isang braso niya na pumulupot sa aking bewang, masuyo pero naroon na ayaw niya akong pakawalan kahit anuman ang mangyari. Marahan kong ipinikit ang aking mga mata. Ramdam ko din ang kaniyang hininga, the tip of his nose brushes into my face. Masuyo niyang idinikit ang kaniyang sarili sa akin. "I love you, Jaz..." he said breathlessly. "I've waited all my life for a woman like you." Kusang gumuhit ang ngiti sa aking mga labi. Sa mga salita at paliwanag na kaniyang sinasabi ay nagiging kuntento ako. Lahat ng tiala ko yata ay naibigay ko na sa kaniya. Walang alinlangan, kahit mali man sa tingin ng iba tungkol sa pagmamahalan namin, nawawala ang pakialam ko doon. Sabi nga nila, sa oras na nahulog ka na sa patibong ng pag-ibig, kahit mali man ay para sa iyo ay tama pa rin. - Tagumpay kaming nakarating ni Owen sa Yingge Cermaic Museum. Hindi ko inaasahan na madaling tao ang dadalo sa isa sa mga malaking event dito. Sa pamamagitan ng pagkakapit ko sa isang braso ni Owen ay hindi ko maitago ang kaba at takot na nangingibabaw sa aking sistema. Dahil sa napapansin ng kasama ko na tensyonado ako, hindi siya nabibigo na pakalmahin ako. Palagi niyang pinapalakas ang loob ko. Sometimes, he tell me some jokes, natatawa ako at nakakalimutan ko ang mga negatibong pakiramdam na naglalaro sa aking loob.  I was wearing a black lace modest knee length dress with three-inches-stilettos. Dahil kailangan ay formal dress ang kailangan suotin, mabuti nalang ay may baon akong damit just in case lang naman. Ako na din nag-ayos ng sarili ko kasi marunong naman ako kahit papaano. Light lang naman ang make up kaya bagay siya sa suot ko ngayon. Owen wearing a pair of suit and blazers, color grey, with a white long sleeves polo shirt insideHe also wearing a black leather shoes. Nakabrush up din ang kaniyang buhok, he looks like a dashing debonair, a formal businessman. Dagdag mo pa ang mamahalin niyang relo sa kaniyang pulsuhan. Ang mas hindi ko pa inaasahan ay maraming press ang nakakalat sa loob ng museum. May mga foreigner din na bumibisita dito. Bigla akong bumitaw mula sa pagkahawak ko sa kaniya na ipinagtaka niya. "Baka matsismis tayo," kinakabahan kong sambit. Tumaas ang isang kilay niya para bang sinisink in niya ang mga pinagsasabi ko. Maya maya pa ay gumuhit ang ngiti sa kaniyang mga labi. "My lady..." "Baka gumagala dito ang fiancee mo, Owen. Ayoko ng gulo..." iginala ko ang aking tingin sa paligid. "Baka narito din ang parents mo, public figure din ang pamilya mo. Imposibleng wala sila dito..." "My lady, they already know..." "Oy, pinsan!" Pareho kaming napatigin sa gilid namin. Umaawang ang bibig ko nang makita ko ang isang malaking grupo na papalapit sa direksyon namin. Ang dami nila! Ang iba sa kanila ay may kasamang babae! Ako ang nalulula para sa kanila. Hanggang sa tumigil sila mismo sa harap namin. Umayos din ako ng tayo. Kailangan kong maging normal at pormal sa harap nila! Base sa narinig ko na pagkatawag nila kay Owen, mga pinsan niya ang mga ito! "Hey," nakangiting bati ni Owen sa kanila. "Kumpleto kayo?" "Yeah, talagang binitbit namin si Russel papunta dito. Para kahit papaano naman ay may partisipasyon naman siya sa pakulo mo." wika ng isang lalaki na nasa harap. Bumaling siya sa amin. "Siya ba ang tinutukoy mo, cous?" nagumisi siyang bumaling kay Owen. What? Si Russel Ho? Ang lalaking naka-one night stand ni Jelly, narito?! "Yeah, right. She is." sagot niya na parang may pagmamalaki pa! Walang sabi na nahuli niya ako sa pagpulupot ng braso niya sa aking bewang. "My lady, these are my cousins and their wives. We have here also my Chua cousin and my other girl cousin, Fae,Carys and Nemesis." Isa-isa niya ipinakilala sa akin ang bawat pinsan niya pati ang mga asawa nito. Sa sobrang dami nila, ang iba sa kanila ay hindi ko agad matandaan. Kakaiba din ang mga pangalan kasi nila. Pero narerecall ko naman kapag may tumatawag sa magpipinsan. Nagpakilala din ako sa kanila. Hindi ko lang inaasahan na magiging maingay ang grupo na ito! Daig ko pag naculture shock dahil hindi ko alam kung sino ang papakinggan ko, sino ang kakausapin ko. "Narito din ang Chuas, cous. Aside Mikhail and his wife, Cresha." biglang sabi ng babaeng pinsan ni Owen, if I'm not mistaken, Fae ang pangalan niya. "Sina Raghnall, Gervais, PJ and Rafael." bumaling siya sa akin na malapad ang ngiti. "We're here to support you, Jaz." Kahit nahihiya man ay nag-bow ako sa kanila. "Maraming salamat sa suporta. Hinding hindi ko po ito makakalimutan." sabi ko sa kanila na taos-puso. "Don't mind it, ang importante ngayon ay may bibili ng mga obra mo. Hindi lang naman ang mga ceramic wall flowers ang ipinasok mo para sa convention na ito, right?" tanong ni Miss Tarrah. "O-opo..." "Oh my goodness, Jaz. Huwag kang mag-po at opo sa amin!" bulalas ni Miss Fae. Bigla niyang hinawakan ang mga kamay ko. Pakurap-kurap akong tumingin sa kaniya, may gulat sa aking mga mata. "Sabi kasi ni Owen, magiging part ka na din ng family. Welcome na welcome ka!" Halo-halo ang nararamdaman ko sa sinabi niya. Nakuha din nila ang atensyon namin na biglang dumating ang tinutukoy nilang mga Chua. Medyo nawindang pa ako dahil biglang yumakap sina Sir Harris at Sir Kal sa mga bagong dating. Ang isa sa pinsan ng mga Chua ay may kasamang babae, wait, sikat na modelo ang isang iyon, ah? Si Angela Dima! Hindi ko akalain na puros mga malalaking tao ang mga kasama ko ngayong gabi, sa iisang lugar pa! Tulad sa mga Hochengco ay ipinakilala niya din ako sa mga kaibigan niya, maliban lang kay Gervais na siya mismo ang nagdala ng bulaklak noon sa Villa Amador. Ngayon ko lang napagtanto na sila ang tinutukoy ni Owen na magiging supporters ko sa event na ito. Hindi man nakarating ang isa sa mga kapamilya ko, nagiging masaya na ako, hindi boring ang mga pinsan ni Owen pati ang mga Chua. Ang ingay nila. Sa sobrang ingay nila, nakuha nila ang atensyon ng press na akala mo ay ngayon lang nila nakita ang magpipinsan. Doon ko nalaman na madalang lang makita ng publiko na magkasama ang magpipinsnag Hochengco pagdating sa ganitong event. May kani-kaniyang career kasi ang magpipinsan, ang iba pa sa kanila ay modelo pa. Kumsabagay, hindi na ako magtataka dahil puros mga magaganda at guwapo ang magpipinsan, magaganda din ang mga naging kabiyak nila, halata din sa postura ng mga ito na mga professional sila. Hindi ko alam kung bakit bigla ako nakaramdaman ng panliliit sa sarili ko. Pakiramdam ko kasi ay hindi ako nababagay sa pamilya na ito. Kumbaga, sa isang malinis at puting papel, isa akong tuldok. "Owen?! Napukaw ang atensyon namin nang biglang may tumawag sa kaniya. Lahat kami ay napalingon sa pinanggalingan ng boses na iyon. Napasinghap ako, hindi lang naman ako, maski sina Miss Fae nang makita namin si Ynnah Tang sa lugar na ito! "Oh shit." rinig kong bulalas ni Gervais. "She's the curator of this event, dude." mahina niyang sambit kay Owen. Nanlaki nang bahagya ang aking mga mata. Siya ang tagapangasiwa ng event na ito?! Oh damn! Mabibigat na hakbang ang pinakawalan niya habang papalapit sa direksyon namin. Kita ko ang pag-iba ang ekspresyon ng kaniyang mukha nang makita niya ako. "And what are you doing here?" sabay duro niya sa akin. "Ynnah, stop." mariing saway sa kaniya ni Owen. "Bakit naman ako titigil?" bumaling siya sa akin at nangingingkit ang mga mata. "Answer my question, anong ginagawa mo dito?" "I... I'm a participant." natatakot kong tugon. Tumaas ang isang kilay niya. "Oh really?" tinititigan pa niya ako. Ni head to foot niya ako. "So, sa iyo ang ceramic wall flower and some pottery, tama?" "Y-yes, ma'm..." umiwas ako ng tingin. Magsasalita pa sana siya nang biglang may nagsalita mula sa stage. Sabay kaming napatingin doon. Isang lalaking emcee na nakapormal din ang suot para sa event na ito. May dumaan na waiter sa aming harap, kumuha ang magpipinsan ng alak mula sa tray na hawak nito. "Good evening, ladies and gentlemen! Welcome to 2018 Taiwan Ceramics Biennale!" magiliw nitong bati sa mga bisita na naririto. Nagpalakpakan kaming lahat. "Tonight, we would like to share with you the aim of this exhibition. The aim to to build a coversation between Asian ceramics art and culture from the perpectives parts of Asia. Aside from that, we have invited International Academy of Ceramics, Tang Ynnah! Please give her around of applause!" Muli nagpalakpakan ang mga tao. Tumigil ako sa pagpalakpak nang biglang binuga nina Sir Harris at Sir Kalous ang mga alak na ininom Bigla silang natawa. Hindi lang sila, pati ang ibang magpipinsan na Hochengco at mga Chua. "PUTANGINAAAAA!" hiyaw ni Harris, sapong-sapo sa kaniyang tyan sa kakatawan. Umakbay siya kay Sir Kalous na nanghihina sa kakatawa. "Ang ganda ng pangalan, pareeeee!" "If I were you, huwag na huwag kang tumapak sa Pilipinas, Miss Tang." rinig ko pang advice ni Miss Laraya na nagpipigil ng tawa. "Sinasabi namin ito sa iyo dahil concern lang kami..." dagdag pa ni Miss Tarrah saka tinakapan ang kaniyang bibig para pigilan ang sarili na matawa habang hawak niya ang champagne. "Pucha, laughtrip!" kumento ni Sir PJ. "Hinding hindi ako nagsisi na nakarating ako sa event na ito." ani Sir Raghnall na naluluha na kakatawa. Sige pa rin ang tawa nila. Sina Sir Vaughn, Sir Vladimir at Sir Suther naman ay gusto nang gumulong sa kakatawa. Kahit ang seryoso sina Sir Keiran, Sir Finlay at Sir Archie ay hindi na rin mapigilan na matawa. Kahit din ang mga asawa nila ay kahit anong pigil nila sa pagtawa ay bigo sila. Kita ko na namumula sa galit at hiya si Miss Tang. Kinuyom niya ang kaniyang kamao. Inirapan niya kami't taas-noo siyang naglakad patungo sa stage. Nakukuha na nga namin ang atensyon ng ibang guest dito. Bakas sa mga mukha nila ang pagtataka kung bakit nagtawanan ang mga kasamahan ko. Mahilig pala mang-asar ang mga Hochengco. In the end, I got second place. That was very unexpected. Ang buong akala ko kasi mababalewala lang ang lahat ng mga pinagharapan kong mga ceramic arts. Lahat ng pagod at puyat na inialay ko sa aking mga obra. Taga-Japan ang nakakuha ng first place. Hindi ko maipagkaila na magaling siya. Lamp of fire ang itinawag niya sa kaniyang obra. Maganda at paniguradong maraming gustong bumili sa mga gawa niya. Pagkatapos ay balak sana namin magcelebrate sa isa sa mga club na hindi naman kalayuan. May isa na naman akong nalaman tungkol sa mga Hochengco, they are party goers. Kahit ang mga asawa nila ay nakikiride on lang sa mga trip nila, in a nice way. Wala isa sa kanila na KJ, kahit ang mga Chua ay tuwang tuwa din. Kanina pa sila nagrereklamo na uhaw na uhaw na daw sila. Napapansin ko na tahimik lang si Russel sa isang tabi. Hanggang ngayon ay napapaisip ako kung papaano niya nakilala ang kaibigan ko? May nararamdaman din kaya siya kay Jelly kung sakali? At saka, sa hitsura niya ay mukhang wala naman siyang gagawin na masama. Nakadungaw lang ako sa bintana ng sasakyan ni Owen, siya ang nagmamaneho. Walang mapaglalagyan ang kasiyahan na aking nararamdaman ngayon. Masayang masaya ako makakauwi ng Pilipinas lalo na't may naiuwi akong pasalubong, ang pagkapanalo ko sa isang malaking kompetisyon na nasalihan ko. Napukaw ang atensyon ko na may biglang nakatanggap ng emergency call si Owen thru DND. Si Gervais ang tumatawag! Pinapanood ko kung papaano tinanggap ni Owen ang naturang tawag mula sa kaniyang kaibigan. "Yeah?" "Pre, gising pa ba d'yan si Jaz?" nahihimigan ko sa boses ni Gervais ang kaseryosohan. "Gising pa siya. Bakit?" kahit siya ay nagtataka na kahit patuloy pa rin siya sa pagmamaneho. "Let's stop somewhere. Kailangan kong makausap si Jaz, ngayon din. Importanteng balita ang sasabihin ko sa kaniya." then he hung up the call. Pareho man kami nagtataka ni Owen kung ano ba ang ibig sabihin ni Gervais ay sinunod nalang namin ang sinabi niya. Bigla niyang niliko ang sasakyan hanggang sa napadpad kami sa isang parke na hindi naman kalayuan. Naroon na ang mga kasamahan namin na nagkukumpulan at mukha ang pagdating namin ang kanilang hinihintay. Sabay silang napatingin sa aming direksyon. Hininto ni Owen ang kaniyang saskayan. Hindi ko na siya hinintay na pagbuksan niya ako. Kinalas ko ang seatbelt at bumaba na sa sasakyan. Sabay namin dinaluhan ang mga pinsan at mga kaibigan niya. Mas ipinagtataka ko kung bakit may kalungkutan sa kanilang mukha. Ikinabigla ko na nilapitan ako ni Fae sabay yakap sa akin nang mahigpit. Taka akong bumaling sa magpipinsan. "What's the matter, Gervais?" seryosong tanong ni Owen sa kaniyang matalik na kaibigan. Marahang kumalas ng yakap sa akin si Fae na may lungkot sa kaniyang mga mata. "I got a call from angkong Hernan, Chano and his wife were found dead from plane crushed, patungo ang eroplano na iyon sa Amerika." seryoso siyang sumulyap sa akin. "Wala na ang nanay at ang stepdad mo, Jaz. I'm sorry..." Nanigas ako sa kinakatayuan ko. Parang ayaw tanggapin ng sistema ko ang masamang balita. Wala na si tito Chano... Wala na si mama... Wala na din ang magiging kapatid ko... Sa kabila ng pagkamit ko ng pagkapanalo, may kapalit pala ang lahat... Iyon ay ang pamilya ko. Ang mga buhay nila na minsan ay hindi man lang ako nabigyan ng pagkakataon para makausap sila at masabi ko kung ano ang nararamdaman ko...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD