chapter seven

2526 Words
Walang alinlangan na bumalik ako ng Pilipinas pagkatapos kong marinig ang masakit na balita ni Gervais. Pumutok ang balita tungkol sa plane crash. Bumagsak daw ang eroplanong sinasakyan nina mama at tito Chano sa dagat na malapit daw sa Hong Kong, due of heavy storms approaching. Nagbigay na daw ng naturang eroplano ng emergency landing and response pero bigo sila. Mahigit tatlong daan na pasahero ang naging biktima, kasama na doon si mama, si tito Chano pati ang magiging kapatid ko. Hindi nila ako makausap ng maayos dahil sa umaapaw na sakit, takot at pangamba na aking nararamdaman. Kahit ganoon ay ramdam ko ang pag-aalala nila sa akin. I appreciate it. Lalo na si Owen na hindi umaalis sa tabi ko. Dinadamayan nila ako sa pagdadalamhati ko. Kasama na din ang mga Chua sa pagbalik namin sa Pilipinas. Sa balita na ito, sigurado akong mapapauwi sina Lolo Erasmo at Lola Florita galing pa Espanya para ayusin ang mga labi nina mama at tito. Sa mga oras na ito, balewala sa akin ang mga premyo na napanalunan ko buhat sa kompetisyon na nasalihan ko sa Taiwan. Ang importante sa akin ngayon ay makauwi na sa Villa Amador para hintayin ang sina mama at tito Chano. Gamit ang private plane ng mga Hochengco, kahit papaano ay napabilis ang pag-uwi namin. Nang nakatuntong na kami sa NAIA ay naisipan kong baguhin ang profile picture sa aking f*******: account. I set my display picture into pure black image. Hindi na ako nag-abala pa na tingnan kung ano ang magiging comment nila sa ginawa ko. Nag-log out din ako at hinihintay ko lang na mabalik ako sa Cavite. Nakatanggap din ako ng text message mula sa mga kaibigan ko. Sina Norielyn, Jelly at Milyn. Hindi ko alam pero pakiramdam ko ay wala akong lakas sa lahat. Ni isa sa mga mensahe nila ay hindi ko magawang sagutin. Hanggang sa narating namin ang Villa Amador. Habang nasa byahe ay sinabi sa akin ng mga Hochengco na dahil nasa ibang bansa pa ang mga katawan nina mama at tito, I need to wait while tito Chano's parents bring my parents' body home for burial. Mas nadagdagana ang sakit, dahil ilang beses na akong naghihintay sa kanilang pagdating. Kahit iyon lang, ayos na sa akin. Pero hindi ko lubos maisip na dadating sa punto na ito na ang huling pagkakataon na uuwi sila para sa akin—wala nang buhay. Nagpasalamat ako sa mga Hochengco at Chua dahil sa paghatid nila sa akin. Bago ko man sila talikuran ay pinaalala nila ako ng mga mahahalagang bagay. Nakikiusap sila sa akin na huwag na huwag daw ako sumuko. Huwag na huwag. Dahil lahat daw na nangyayari sa akin ay may mga dahilan. Ngiti lang ang naging tugon ko sa kanila. Maski kay Owen ay hindi ko siya nakausap nang maayos pero malaking pasasalamat ko na din dahil nagawa pa rin niya akong tulungan. "Call me if you can't breathe." iyan ang naging paalala niya sa akin. Nagawa pa niya akong gawaran ng isang maliit na halik sa noo. "I will." mahina kong sagot. Ginawaran ko siya ng isang mapait na ngiti. Pinili ko na talikuran ko na sila. Yakap-yakap ko ang aking sarili habang nilalakad ko ang daan patungo sa entrahada ng malaking bahay. Ako na din ang kusang nagbukas ng malaking pinto. Dahan-dahan ko iyon itinulak ang pinto. Humakbang ako papasok. Tumingala ako't tinititigan ko ang malaki at magandang chandelier dito. Nang bawiin ko ang aking tingin ay sunod ko naman iginala ang aking paningin sa paligid. Mukhang wala si Manang Lourdes, maski ang kaniyang asawa na si Mang Fidel. Siguro ay dahil sa susunduin nila ang mga mag-asawang Amador na mga magulang ni tito Chano. Tahimik ang buong paligid. Sobrang tahimik. Dahil sa sobrang tahimik ay mas bumibigat ang aking pakiramdam. Kumawala ako ng isang malalim na buntong-hininga. Dapat ay sanay na ako. Sanay na palaging nag-iisa. Sanay na palaging iniiwan. Pero hindi. Mas lalo ako nakaramdam ng sakit. Na tipong ilang beses ako sinasaksak ng isang matalim ba punyal. Masusugatan at namamanhid. Muli ako nagpakawala ng hakbang. Tinungo ko ang grand staircase ng malaking bahay na ito. Umakyat ako hanggang sa napadpad ako sa aking silid. Laylay ang magkabilang balikat ko habang dinadaluhan ko ang kama. Marahan akong umupo sa gilid nito. Bakas sa kaing mukha ang kalungkutan. Sobrang lungkot. Hinaplos ko ang bedsheet. Doon na marahas tumulo ang aking mga luha na sabik nang kumawala kanina pa. Hanggang sa natagpuan ko nalang ang sarili ko na nakahiga na't humahagulhol. I feel devastated and destroyed. Losing my mother is the hardest thing I ever had. Sobrang sakit. Pakiramdam ko napunit ang pinakamalaking bahagi ng pagkatao ko ng mga oras na ito. Maybe she getting cold and distant to me since she remarried. Kahit na nababalewala na niya ako. She could have thrown me away in her life but she didn't. She never left me, always took care of me, and for that, I love her. I love her to the moon and back. I was her mini me. I still remember how we finished each others sentences, a good hugger whenever I got a nightmare in the middle of our sleep, she's my living superhero. Saksi ako kung papaano niya ako tinaguyod noon nang mag-isa nang iwan kami ng tatay ko. Nagawa pa niya akong iwan sa kapitbahay para lang makapagtrabaho siya nang maayos. When growing up as a child, I simply wanted a happy family dynamic. I wanted a supportive father to encourage me through basic things like homework or learning how to ride a bike. Na sana may katuwang si mama sa buhay until mama married to tito. - Kinabukasan ay dumating na ang mga magulang ni tito Chano. Hindi ako nag-atubiling bumaba para salubungin sila. Gusto ko na rin magtanong kung kakailan maiuuwi ang mga labi nina mama. Nagmamadali akong bumaba sa grand staircase. Bumungad sa akin ang elegante si Senyora Florita, habang si Senyor Erasmo ay bakas ang pagiging respetado kahit na sumusibol ang katandaan. Sa katunayan ay mas nakakatakot si Senyora Florita dahil sa pagiging istrikta nito, yet her beauty is classic. She had dressed and groomed carefully when they reached inside. Her short and fluffy hair was tinted gray. Her best pearls swung at her ears and encircled her neck. Her backless heels she wore slapped satisfactorily against the chestnut floor. "G-good day, senyor... Senyora." nahihiyang bati ko sa kanila nang nasa isang gilid lang ako. Tumigil siya sa paglalakad. Bumaling siya sa akin na may lungkot sa kaniyang mukha. Hindi ko talaga siya magawang tingnan nang diretso sa kaniyang mga mata nang pangmatagalan dahil sa tuwing gagawin ko iyon, ginagapang ako ng takot kahit na sabihin natin na may kabaitan siyang taglay. Para maibsan ang negatibong nararamdaman ay humigpit ang pagkahawak ko sa laylayan ng aking spaghetti strap white dress. Kumawala siya ng isang malalim na buntong-hininga. Lumapit siya sa akin. "Bukas na bukas din ay iuuwi na ang mga katawan ng iyong ina at ang tito Chano mo." anunsyo niya. Tumango ako. "Naiitindihan ko po, Senyora..." "May nasagap akong balita habang wala kami." dagdag pa niya. "Totoo bang nakikipagkita ka sa isang Hochengco?" Doon ako nagkaroon ng lakas ng loob upang tingnan siya. Ibinuka ko nang bahagya ang aking bibig. "S-Senyora..." "Totoo o hindi?" mtigas at mahina niyang sambit. "O-opo..." "Simula ngayon, ipinagbabawal kitang makipagkita sa binatang Hochengco, hangga't maaari. Hindi lang sa kaniya, maski sa ibang myembro ng angkan na iyon." Hindi ko magawang magsalita o magtanong. Pagtataka at naguguluhan ako sa nangyayari. Bakit bigla niya ako pinagbabawalan na makipagkita sa pamilyang iyon? Mababait naman sila, hindi nila ako itinuring na iba. Pakiramdam ko pa nga ay parang kabilang na ako sa pamilya nila noong nasa Taiwan kami. "Mamaya, dadating ang isang espesyal na bisita. I invited him to join us here. Since he was my friend's grandson. I am sure, both of you will get along well." "A-anong ibig ninyo pong sabihin?" Muli siya nagpakawala ng malalim na buntong-hininga. Mas sumeryoso ang kaniyang mukha. "Bago man kami umalis patungong Espanya, ay napagsabihan ko na ang mama mo tungkol sa bagay na ito. Pumayag naman siya sa binabalak ko." "S-senyora..." "Dadating si Enrico, he's a spanish-filipino. Mas matanda nga lang ng kaunti sa iyo ng tatlong taon. Mataas ang pinag-aralan, ang higit sa lahat, siya ang mapapangasawa mo." Nanigas ako sa kinakatayuan ko nang marinig ko mula sa kaniya ang huling pangungusap na kaniyang binanggit. Parang tumigil ang ikot ng mundo ko. Hindi pa kayang magsink in ang lahat ng mga iyon sa sistema ko! "You should go upstairs and prepare youself. Ilang saglit nalang ay dadating na ang bisita." mahinahon niyang utos. Kusang sumunod ang katawan ko sa kaniyang utos. Yumuko ako't tinalikuran ko sila. Nag-umpisa na akong maglakad patungo sa hagdan. Mas nadagdagan ang kalungkutan sa akin ng mga oras na ito. Ang buong akala ko ay tama na nawala na si mama, si tito Chano at ang magiging kapatid ko, meron pa palang mas mabigat. Na dadating ang panahon na tuluyan nang ipagkakait sa akin ang kalayaan. Na hindi ko na magawang mag-explore pa. Kung ano talaga ang tunay na buhay... Sa sobrang sakit, daig ko pang hindi makahinga. I feel suffocated. Hindi ko alam kung papaano ko ibubuhos ang sakit at unti-unti na yata akong namamatay sa loob ko... "Call me if you can't breathe." Biglang sumagi sa isipan ko ang sinabi ni Owen. Kasbaay na huminto ako sa pag-akyat. Kinuyom ko ang aking mga palad. Humarap ako kina Senyor at Senyora. Bakas sa mga mukha nila ang pagtataka sa aking kinikilos. Kinagat ko ang aking labi. Walang sabi na tumakbo ako at tagumpay ko silang nilagpasan. "Jaz!" malakas na tawag sa akin ni Senyora, hindi ako nagpatinag. Tagumpay akong nakalabas ng bahay, lumiko ako ng daan. Pupunta ako ng stables para sumakay ng kabayo. Pagkapasok ko doon ay may isang kabayo doon na pupuwede kong magamit. Papaliguan palang ito. Walang sabi na itinulak ko ang isang bantay doon at tagumpay akong nakasampa sa likod ng naturang kabayo. Pinaandar ko ito nang pinakamabilis kong paraan. Yumuko ako habang hawak ko ang tali nang mahigpit. Tinahak ko ang daan patungo sa lugar kung saan ko makikita si Owen. Sa barn house niya! Sana nga ay naroon pa siya. Abot-langit ang pagdadasal ko na sana ay maabutan ko siya. Sa sitwasyon ko ngayon, kahit na sabihin nating nariyan pa ang mga kaibigan ko, hindi ko rin alam kung bakit kay Owen pa ako tumatakbo lalo na't mabigat ang sitwasyon ko ngayon. Pero sa bahagi ng isipan ko, sinasabi na mas maigi kung sa kaniya ako lalapit ngayon. Mas pinabilis ko pa ang pinatakbo ang kabayo hanggang sa natanaw ko na ang barn house. Napangiti pa rin ako kahit papaano dahil kita ko na nakabukas ang mga ilaw. Sa nakita ko ay natatanaw ko na din ang pag-asa. Hinatak ko ang tali sa kabayo para huminto ito. Agad akong bumaba. Wala na akong pakialam kung makawala man ito mamaya dahil ang mas binibigyan ko ng importansya ngayon ay ang lalaking sadya ko sa lugar na ito. Agad ko dinaluhan ang pinto at kumatok ng ilang beses. Kusang nagbukas iyon ay tumambad sa akin ang imahe niya sa aking harap. Nang makita niya ako ay gumuhit ang pagtataka sa kaniyang mukha. He's shirtless! "My lady?" may halong pagtataka sa kaniyang mukha at boses nang tawagin niya ang pangalan ko. Taas-baba ang aking dibdib. Nag-iipon pa ako ng sapat na hangin bago man ako magsalita. "Hindi ko kayang lumayo sa iyo, Owen." Mas lalo siya naguguluhan sa sinabi ko. "Kahit pinagbabawalan na ako ni Senyora Florita na makipagkita na sa iyo, tulad mo, babaliin ko ang kagustuhan niya, Owen. Dahil mahal kita. Mahal na mahal..." pumikit ako ng mariin. "Ayokong magpakasal sa taong hindi ko mahal. Buhat nang makita kita sa unang pagkakataon, hindi ka na rin maalis sa isipan ko, Owen. Maniwala ka..." Nakatiitg siya sa akin. Bakas sa mukha niya na hindi makapaniwala sa sinabi ko. Wala na rin akong pakialam. Basta nasabi ko sa kaniya ngayon ang importanteng bagay—ang nararamdaman ko. Ramdam ko nalang ang isa niyang braso na nakapulupot sa aking bewang, mas inilapat pa niya ako sa kaniya. Sinunggaban niya ako ng isang halik sa aking mga labi. Sa pamamagitan ng mga halik niya ay ramdam ko ang pagkauhaw niya. Para bang hindi na niya kayang magtimpi pa. However, I can feel the pure love and sensation in his kisses. Para bang tinatangay ang katinuan ko. Hindi man ako marunong humalik, sinisikap kong tugunan ang mga halik na iyon.Marahang dumapo ang isang palad ko sa kaniyang batok upang mas lalo pa napadikit ang sarili ko sa kaniya. Hanggang sa siya mismo ang pumutol ng halikan naming dalawa. Isinandal niya ang kaniyang noo sa akin. PAra bang hingal na hingal kami pagkatapos naming gawin iyon. Pareho kaming napangiti. "I can't believe this," namamaos niyang sabi. "It was like a dream..." "Same here," Sinunod niyang dinampian ng maliit na halik ang aking noo, ang tungki ng aking ilong hanggang sa muli niyang sinakop ng mga labi niya ang mga labi ko... "Jaz!" Pareho kaming natigilan ni Owen, sabay napatingin kami sa direksyon na pinanggalingan ng boses na tumawag sa akin. Napasinghap ako nang makita ko ang galit na galit si Senyora Florita, kasama niya si Senyor Ermoso... Pati ang mga pulis? Bakit may mga pulis silang kasama?! "Arrest that man! File him a case of s****l assault!" sigaw ni Senyora. Unti-unti na lumalapit sa amin ang mga pulis na kanilang kasama. Nilagyan ko ang sarili bilang harang kay Owen. Hindi nila pupuwedeng hulihin ang lalaking pinakamamahal lalo na't wala naman siyang kasalanan! "Nagkakamali kayo! Mali ang ibinintang ni Senyora!" pakiusap ko. Ngunit bigo ako. Nagawa nilang hawakan si Owen. Pinaharap nila ito sa pader saka pinosasan. Tahimik na sumama si Owen. Bakit hindi ka nanlaban, Owen? Bakit!? Ilang beses na akong nagsisigaw at nakikiusap na nagkakamali sila! Na hindi totoo ang ibinintang sa kaniya! Lumapit naman sa akin ang iilang bodyguard ni Senyora para pigilan ako. Pinapalayo nila ako kay Owen! Hanggang sa nakita ko nalang na ipinasok nila ang mahal ko sa police mobile. Umusad ito. Balak ko pang habulin ang sasakyan ngunit bigo ako. Tumingin ako kay Senyora Florita. "Hindi totoo ang akusa mo sa kaniya!" hindi ko mapigilang pagtaasan siya ng boses. Isang malakas na sampal ang natanggap ko mula sa kaniya. "Hindi porke na sa takdang edad ka na ay alam mo na ang lahat, Jaz!" sigaw niya sa akin. Galit na galit pa rin siya. Itinuro niya ang direksyon kung saan dumaan ang piolice mobile. "I don't care if he is a Hochengco, he must rot in jail! Nababagay lang sa kaniya iyon dahil dala niya ang dugo ng mga traydor!" Dahan-dahan akong umiling. Muli na naman ako napaluha. Pinipiga ang puso ko sa mga aking narinig. Hindi ko tinatanggap ang lahat ng mga pinagsasabi niya. "Hindi..." humihikbi kong sabi. "Nililigtas lang kita sa isang tulad niya bago man lumalim ang nararamdaman mo para sa kaniya, Jaz. Hindi siya ang tamang lalaki para sa iyo. Ginagawa ko lang ito bago ka man niya paikutin sa kaniyang mga palad." Pumikit ako ng mariin. Mas lalo nadagdagan ang sakit na nararamdaman ko. I feel of wanting to escape from this state of mind. I feeling dying inside. It seems my life seems started to filled with darkness without even a way out, I want to be with the person I see as my light. But I feel I have to be alone. For a long time...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD