chapter eight

2274 Words
Apat na araw buhat nang nakabalik na ako dito sa Villa Amador at inaresto si Owen sa maling akusasyon. Apat na araw na din akong nagkukulong dito sa kuwarto dahil sa mahigpit na habilin ni Senyora Florita. Kahit ganoon ay nakilala ko ang lalaking nangangalang Enrico Contreras. Kitang kita ko kung papaano nakangiti ang Senyora habang kinakausap ako ni Enrico. Sa mga ngiti niyang iyon ay parang sinasabi na malapit nang matupad ang mga plano niya sa akin. Pinili ko nalang na huwag pansinin iyon. Sa ngayon ay mas iniisip ko si Owen. Ngalalaro sa isipan ko kung ano na ang lagay niya? Galit ba siya sa akin dahil ipinakulong siya ni Senyor at Senyora? Dahil ba sa hindi ko siya naprotektahan tulad ng gusto ko ng mga oras na iyon? Gusto ko siyang puntahan. Ilang beses na akong nagbalak na puntahan siya sa barn house niya ngunit naging bigo ako dahil masyadong mahigpit ang pagbabantay sa akin. Mas dumami ang mga bodyguard sa paligid ng Villa. Maski ang mga magsasaka ay nababantayan na din ako, hindi tulad noon ay malaya akong nakakapagpasyal kahit sa pinakadulo ng lupain ng mga Amador. Pakiramdam ko ay nasasakal ako, hindi na ako makahinga, kinuha nila sa akin ang kalayaan ko. Hindi ko na alam kung saan ko na ilulugar ang sarili ko. Hindi ko na alam kung papaano ko ipagpapatuloy ang buhay ko. Nawala na si mama, si tito Chano, ang magiging kapatid ko, lalo na si Owen ay kasalukuyang nasa kulungan. Nakumpiska na din ang cellphone ko kaya hindi ako makokontak ng mga kaibigan ko. Siguro ay naisip ni Senyora na baka magawa akong kontakin ng mga Hochengco, lalo na kung tungkol sa sitwasyon ni Owen. Kaya hangga't maaga pa ay magagawa niyang harangan iyon. Sina Senyor at Senyora na ang humarap sa mga bisita habang nasa lamay. Hindi naman sa ayaw nila ako palapitin kina mama at tito Chano, iniiwasan lang nila ako sa mga magiging chismis, lalo na may koneksyon ako sa pamilyang kaaway ng pamilya Amador. Ngunit, ano ang sinasabi ni Senyora na mga traydor ang mga Hochengco? Ano ang nakaraan nila? Ano ang dahilan kaya umabot sa ganito ang lahat? Ano ang sekreto sa pagitan ng dalawang pamilya? Hindi ako nagdalawang-isip na itanong ang bagay na 'yon kay Manang Lourdes, sa tuwing hinahatiran niya ako ng pagkain dito sa kuwarto. Pero bigo ako makatanggap sa kaniya ng sagot. Ang sabi niya sa akin ay wala daw siya sa lugar upang sagutin niya ang tanong ko. Mas mabuti pa daw na tahimik nalang daw ako at sundin ko nalang ang ipinag-uutos ng Senyora. Subalit, bakit ganito ang nararamdaman ko? Pakiramdam ko ay may mali? Bigla akong kinabahan sa anuman ang mangyayari. Kinagabihan din iyon ay sinundo ako ni Enrico dito sa aking silid. Humingi kasi ako sa kaniya ng pabor, gusto kong masilip sina mama at tito Chano sa kani-kanilang kabaong. Hindi ko man sila makausap, kahit makita ko lang sila ay sapat na sa akin. Alam kong mapagbibigyan ng Senyora si Enrico. At hindi nga ako nabigo. Kahit hindi lang si Enrico ang sumundo sa akin dito at may kasama siyang mga bodyguard ay binalewala ko nalang. Dahan-dahan akong lumapit sa mga kabaong na nasa aking harap. Punung-puno ng mga puting bulaklak na nakapalibot sa lamay. Mas lalo lumiwanag ang paligid. Wala akong pakialam kung pinagtitingnan ako ng mga tao at nagbubulungan dahil nagkaroon ako ng relasyon sa isang Hochengco at si Owen iyon, ang lalaking minamahal ko. Bawat hakbang na aking pinapakawalan ay ramdam ko ang pagpiga sa aking puso. Ramdam ko na din ang pamumuo ng mga luha sa aking mga mata, handa ako na anumang oras ay maaari na itong kumawala. Hanggang sa nasilayan ko ang mukha ni mama na animo'y natutulog lang. Sadness, grief and loneliness inside of me arise. I want to touch her face. I want to kiss her forehead, hindi ko magawa. Mariin kong ipinikit ang mga mata ko. Doon na marahas tumulo ang mga luha. Pumatak iyon sa salamin na makikita ko ang mukha ni mama. "Ma, nasa harap na kita, hindi ka na humihinga... Nakita nga kita pero wala ka nang buhay. Marami pa akong gustong sabihin sa iyo. Marami pa akong ikukwento sa iyo..." pinunasan ko ang aking mga luha. "I wish there was something I could say to take this pain away..." Kahit ilang beses mo na akong sinasaktan, ma... Mahal na mahal pa rin kita. "Everyone does dies, and it is a fact if life." rinig ko iyon mula kay Enrico. Bumaling ako sa kaniya. He offer me his smile to lift up my feelings from grief. Hindi ko magawang suklian iyon. Mas lumapit pa siya sa akin. Marahan niyang hinagod ang aking likod para mapagaan niya kahit papaano ang bigat ng aking pakiramdam. "Thank you," sagot ko sa kaniya pero hindi ko pa rin magawang ngumiti. Tumango lang siya. "It's my pleasure, Jaz." he said. Naputol ang pag-uusap namin na may narinig kong nag-uusap na mga tao. Sabay kaming napabaling sa direksyon ng pinto. Umukit ang pagtataka sa aking mukha nang may mga bagong dating na bisita. All of them looks like chinese or korean or japanese. All of them are wearing all black. May mga kasama din silang lalaki na kasing edad lang ni mama at tito Chano. Napagtanto ko nalang kung sino ang mga bagong dating—ang pamilya Hochengco! Hindi ko lang din inaasahan na kasama nila si Ynnah Tang! But where's Owen? Bakas sa ibang bisita ang pagkagulat, nagbubulungan at nagpapalitan ng haka-haka kung bakit narito ang pamilyang kaaway ng mga Amador! Ang mas nakakuha ng aking pansin ay ang babae na tiyak na kasing edad lang ni mama. Parang nakita ko na siya kung saan man. Kutis porselana, payat at chinita. Kahit ganoon ay ang ganda-ganda niya, 'yung tipong alagang alaga niya ang kaniyang sarili. I can't tell if she's in thirty's or forty's. She's wearing diamond earrings and necklace. She looks elegant, na tipong rerespetuhin ng ibang tao. May suot din siyang guwantes na gawa sa lace. Wala akong nabasang ekspresyon sa kaniyang mukha nang masilayan ko ang kaniyang mukha. Taas-noo siyang naglakad palapit sa aming direksyon. Bigla naghuhuramentado ang puso ko dahil sa kaba. Kita ko na biglang humarang si Senyora sa kanilang dinadaanan. "Ang kakapal ng mukha ninyo para tumuntong kayo dito sa lupain namin." matigas at malakas na pagkasabi ni Senyora sa kanila sa babae aking pinupuri. "Bakit hindi ka nalang pumunta sa presinto at doon ay mabisita mo ang anak mo?" Walang nagbago sa ekspresyon ng babae. Wait, siya ang nanay ni Owen?! "That's one of my reasons why I am here." pahayag niya. Diretso siyang nakatingin kay Senyora. "Sigurado ka bang s****l assault ang isasampa mo sa anak ko?" Tumawa na may kasama panunuya si Senyora. "Bakit? Hindi ba totoo? Balak niyang gahasin ng anak mo ang apo ko!" Lumipat ang tingin ko kay Ynnah Tang na ngayon ay diretso nakatingin sa akin. Hindi ko lang maitindihan kung bakit nababasa ko ang awa at pag-aalala sa kaniyang mukha. Eleganteng ngumiti ang ginang na kausap ni Senyora. "Wala akong panahon para sa iyo. Hindi naman talaga ikaw ang sadya ko." saka nilagpasan niya ito. Dire-diretso siyang naglakad patungo sa akin. Mas lalo nagwawala ang puso ko. Hinubad niya ang isang guwantes niya habang papalapit siya sa akin. Hanggang sa tumigil siya mismo sa harap ko. Taas-noo siyang tumingin sa akin. "Ikaw ang pinakasadya ko dito." pahayag niya sa akin. "M-Ma'm—" hindi ko na naituloy ang sasabihin ko nang bigla niya akong sinampal! Maraming napasinghap at nagulat sa kanilang nasaksihan, kahit ako. Napatulala ako dahil sa hindi makapaniwala. Napasapo ako sa aking pisngi. Nilapitan ako ni Enrico para ilayo ako sa ina ni Owen. Kahit si Senyora ay dinaluhan ako. Hinarang niya ang kaniyang sarili para depensahan ako. "At sino ka para pagbuhatan mo ng kamay ang apo ko, ha, Chavelle Hochengco?!" singhal ni Senyora sa kaniya. "Ginawa ko lang 'yon para magising siya sa katotohanan." kalmadong sagot na tinutukoy nilang Chavelle Hochengco. Isang matalim na tingin ang iginawad niya sa akin. "Hindi mo alam na malaki ang isinira mo sa anak ko, iha. Dahil sa iyo ay nakulong ang anak ko kahit wala naman siyang kasalanan." Kinagat ko ang aking labi. Pinipigilan ko ulit ang sarili ko na maiyak. "Pareho lang kayo ng nanay mo. Nasa lahi ninyo na talaga ang pagiging malandi." dagdag pa niya. Umaawang ang bibig ko. "A-anong ibig ninyong sabihin?" iyon ang kusang lumabas sa aking bibig. "Tulad ni Owen, itatakda na si Chano magpakasal sa isang Hochengco, pero anong ginawa ng magaling mong ina? Inagaw lang naman niya si Chano na dapat ay papakasalan na nito ang nag-iisang anak na babae ni Geronimo Hochengco. How unfortunate dahil nagkahiwalay ng landas ang nanay mo at ni Chano. Hindi ko akalain na magkakatuluyan pa talaga sila sa huli. At talagang may susunod pala sa yapak niya." matigas niyang sambit, bakas sa boses nito na punung-puno ng galit. "Ngayon, ikakasal na din si Owen kay Ynnah pero bigla kang sumulpot sa paningin ng anak ko. Hindi ko akalain na mababaliw siya sa isang tulad mo na isang higad. And surprisingly, you're too young! You're so disgusting! Ganyan ka ba pinalaki ng nanay mo?" Napalunok ako. Hindi ko alam kung anong magiging reaksyon ko. Kung ano ang mga tamang salita na sasabihin ko. Pero bigo ako, hindi ko magawa. Wala akong magawa para depensahan ang sarili ko. Galit siyang tumingin kay Senyora. "Sino ngayon sa atin ang traydor? Baka gusto mong ipaalala ko sa iyo, kaya gusto mo lang naman ipagkasundo si Chano sa hipag ko dahil sa pera, hindi ba? Nakakatawang isipin, gahaman na nga kayo, mga traydor pa. Pagkatapos ay sa amin mo ibabato ang mga kasalanan ninyo? How pathetic." "Tita... Tama na po..." nag-alalang pigil ni Fae sa kaniya. "Tama na iyan, Chavelle." dagdag ng asawa ni Madame Chavelle. Muli tumingin sa akin si Madame Chavelle. "Simula ngayon, gagawin ko ang lahat para makalimutan ka ng anak ko." tumingin din siya kay Senyora. "Huwag na huwag mong babanggain ang pamilyang ito, alam mo na kung anong mangyayari sa oras na ilalagay mo na naman sa alanganin ang anak ko... Maski ang iba pang myembro ng angkan na ito." tinalikuran na niya kami at naglakad na siya papalayo, hanggang sa tuluyan na silang nakalabas ng malaking bahay. "Jaz..." nag-aalalang tawag sa akin ni Senyora. Sinikap kong tumingin sa kaniya. "B-babalik na po ako ng kuwarto. P-pasensya na po..." tinalikuran ko na din sila. Nagmamadali na akong lumayo sa kanila. Mabilis akong umakyat sa grand staircase. Hanggang sa narating ko ang kuwarto ko. Mabilis kong dinaluhan ang kama at sinubsob ko ang sarili ko doon. Doon na bumuhos ang mga pinipiglan kong mga luha. Hindi ko sukat akalain na ganoon ang kwento na natuklasan ko sa pagitan ng mga Amador at mga Hochengco. Sinsisi nila si mama dahil naudlot ang pagpapakasal noon ni tito Chano sa isa sa mga Hochengco. Mas humigpit ang pagkayakap ko sa unan. Mas lalo nadagdagan sa bigat at sakit sa loob ko. Bakit ngayon ko lang nalaman ang mga ito? Kaya ba binabalewala ako ni mama, dahil hindi niya mahal ang tatay ko? Unti-unti na nagiging malinaw sa akin ang lahat. Ang lahat-lahat... Tumigil ako sa pag-iyak nang may naririnig akong katok mula sa pinto ng balkonahe dito sa aking kuwarto. Bumangon ako mula sa pagkadapa. Inayos ko ang aking mukha lalo na't tinanggal ko ang mga basang luha sa aking mukha. Umalis ako mula sa ibabaw ng kama. Dahan-dahan akong lumapit sa pinto. Napasapo ako sa aking dibdib nang makita ko si Ynnah Tang na siya ang kumakatok sa pinto. Hindi ko alam kung anong nagtulak sa akin para pagbuksan ko siya. "A-anong ginagawa mo dito?" iyon agad ang naitanong ko nang hinayaan ko siyang tumapak dito sa kuwarto. Bigla niyang hinawakan ang mga kamay ko. Hindi mawala ang pagkagulat sa aking mukha. "We need to get outta here." seryoso niyang sambit. Kumunot ang noo ko. "A-ano...?" Nagbuntong-hininga siya. "Hindi ka na safe dito, Jaz. I mean, ayaw mo naman sigurong magpatali sa lalaking hindi mo naman mahal, hindi ba?" "Oo. Pero..." "Alam kong naguguluhan ka kung bakit naging ganito ang trato ko sa iyo. And I'm so sorry for being a b***h. Ang maisasagot ko lang d'yan ay ipinangako ko sa sarili ko na tutulungan kita kahit anuman ang mangyari." tumigil siya ng ilang segundo. "Itatakas kita dito. Nabalitaan kong ipinagkasundo ka ni Senyora Florita Amador, even you are her step granddaughter. Pero nasa sa iyo pa rin ang desisyon mo, kung tatakas ka kasama ko o hindi. Ilalayo kita dito sa Cavite. Huwag kang mag-alala, may sarili akong bahay sa Iloilo. Pupwede kitang patirahin doon kahit pang matagalan pa. Basta, akong bahala sa iyo." "Y-Ynnah..." "So... Are you going with me?" Lumunok ako. Pumikit ako ng mariin. I'm so sorry, ma... Sorry, tito... "Mag-iimpake na ako..." ang naging sagot ko. "Huwag na, may mga damit ako sa resthouse na paniguradong kasya ang mga iyon sa iyo. Kailangan natin magmadali dahil baka maiwanan na tayo ng flight natin." Binasa ko ang aking labi. Tumango ako. Sumunod ako sa kaniya. Gamit ng makapal na lubid ay nakababa kami mula sa pangalawang palapag ng malaking bahay. Sa likod kami dumaan dahil wala masyadong bantay sa parte na iyon. May natanaw pa kaming itim na sasakyan pagkalabas namin. Pareho kaming tumakbo palapit doon. Pinasakay ako ni Ynnah sa front seat ng kaniyang sasakyan. The more unexpected is, siya pala ang magmamaneho ng sasakyan na ito! "Once we get out here, I'm sure, your life will be change, Jaz." sambit niya nang binuhay na niya ang makina ng sasakyan. Huminga ako ng malalim. Hindi ko maitindihan kung bakit nagawang kong magtiwala sa kaniya nang ganito kadali. Tumingin ako ng diretso sa kalsada. "I'm ready." Nagkatinginan kaming dalawa. Matamis siyang ngumiti sa akin. Ramdam ko ang sinseridad sa mga ngiti niyang iyon. "Let's do it." tinapakan niya ang gas at humarurot ng takbo ang minamaneho niyang sasakyan. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD