chapter nine

2759 Words
"Feel at home," masiglang sambit ni Ynnah nang buksan niya ang pinto ng isang condo unit na nasa harap namin. Nauna siyang pumasok at sumunod ako habang yakap ko ang aking sarili. Umaawang nang kaunti ang aking bibig dahil maaliwalas at maganda ang loob ng naturang unit na ito. Base sa obserbasyon ko ay mukhang madalang lang siya nananatili dito ang tulad niya. Siguro dahil nasa Maynila o nasa ibang bansa ang kanilang negosyo. Tulad nalang nang nakilala ko siya sa Taiwan nitong nakaraan lang. Ang mas napansin ko ay ang mga paintings at mga flower pots, kahit sa may balkonahe ng unit ay punung-puno iyon ng mga bulaklak. "And this is your room, Jaz." masayang sabi niya nang buksan niya ang isa pang pinto. Nabanggit niya kasi sa akin na may dalawa siyang kuwarto dito sa kaniyang unit. Tumambad sa akin ang malawak na silid. "Nasa cabinet na din ang mga damit mo. Pinaayos ko na din itong kuwarto, nagpabili na din ako ng mga bagong damit, under gaments, grooming—" "Masyado ka naman nag-abala, Ynnah." putol ko sa kaniyang sinasabi. Hindi ko mapigilang mapangiwi dahil sa sa hiya. "Ayos lang naman ako sa maliit na kuwarto lang. May maid's quarter ka naman, kahit doon nalang ako..." "Sorry, pero ito nalang ang available room, Jaz. Ang maid's quarter ko kasi ginawa ko nang studio." saka nagkibit-balikat siya. "Studio?" ulit ko pa na hindi makapaniwala. Matamis siyang ngumiti sa akin. "Yep. Like you, I do pottery but I'm so much fond into paintings. Would like to see?" Hindi ko na rin mapigilang ngumiti at umahon ang excitement sa aking mukha. "Ayos lang ba talaga?" Lumabas muna kami sa kuwarto na ipapahiram niya sa akin. Naglakad kami ng kaunti. May isang pinto na nasa tabi lang ng Kitchen. Dumiretso kami doon. Siya ang pumihit ng pinto. Mas lalo namangha nang tumambad sa akin ang malawak at magandang studio. Tanaw ko ang isang easel at iilang canvass na nakasandal sa pader. May ilang pa doon na may natapos nang painting. Mas nakita ko ang wheeler kung saan ginagawa ang mga pot na ginagawa ko! Lumingon siya sa akin, parang alam niya ang tumatakbo sa isipan ko. "Come, huwag kang mahiya. Pupwede kang tumingin." aya pa niya. Hindi ako nagdalawang-isip na pagmasdan ang mga obra na kaniyang gawa. Ang gaganda, halata na pang world class ang bawat gawa niya! Kaya hindi an ako magtataka kung bakit nasa Taiwan siya ng mga panahon na iyon at siya pa ang nag-oorganize ng naturang event kung saan ako kasali. "Ang gaganda..." mahina kong puri na hindi maalis ang tingin ko sa cabinet kung nasaan ang mga paso. Ang linis pa ng pagkagawa niya sa mga ito. Ngayon ay napapaisip ako kung gaano siya katagal sa paggawa niya sa mga ganito. Bumaling ako kay Ynnah na ngayon ay umupo siya sa high stool na kaharap lang ng easel. "If you want, you can enhance your skills, too, Jaz." malumanay niyang sabi. "I can provide your own tools, saka napapagawi lang naman ako dito sa Iloilo dahil may itinayo akong pottery school dito. I can hire you too as their teacher." "Sobra naman ang ibinigay mo sa akin." sabi ko. "At saka, gusto kong magsabi sa iyo ng totoo. Napapaisip pa rin ako kung bakit pinili mong tulungan pa rin ako." yumuko ako. "Kahit na alam mong threat ako para sa inyong dalawa ni Owen." Humalukipkip siya kahit na nanatili pa rin siyang nakaupo sa high stool. Ngumiti siya sa akin. "Tulad ng sabi ko, hindi ka na ligtas sa lugar na iyon, Jaz. Dahil sa ginawa ng step grandmother mo, hindi papalagpasin ni tita Chavelle ang ginawa niya sa mga Hochengco. Lalo na't ipinakulong si Owen nang wala namang batayan." huminga siya ng malalim. "Kakasuhan ng mga Hochengco ang mga Amador. And I realized, you don't deserved that. Actually, umatras na din ako bilang fiancee ni Owen." Natigilan ako sa sinabi niya. "U-umatras ka?" She pouted and shrugged. "Well, I don't deserved him, too. For me, hindi kami compatible para sa isa't isa... At may totoong dahilan ako." tumayo na siya mula sa pagkaupo niya sa high stool. "Magluluto na muna ako. Hindi ka naman mapili sa pagkain, hindi ba?" "H-hindi naman." She snapped. "Good. You can take some rest, alam kong napagod ka sa byahe kanina. Gigisingin nalang kita kapag kakain na tayo." lumapit siya sa akin. Hindi ko maitindihan kung bakit nababasa ko pa rin sa kaniyang mukha ang kalungkutan. Mas ipinagtataka ko kung bakit hinawakan niya ang kamay ko. Dumapo ang tingin niya doon. "Sometimes, you have to forget what's gone, appreciate what still remains and look forward to what's coming next." "Y-Ynnah..." Nagkatinginan kaming dalawa. "I'm so sorry for your lost, Jaz. I'm so sorry for being mean to you. I just want you to be my friend, so that you'll never be alone. That you'll never walking alone in a wide and lonely road." Nang sabihin niya ang mga salita na iyon, ramdam ko na tila may tumusok sa parte ng aking puso. Bigla ko na naman naalala sina mama. Umalis ako bigla na hindi pa sila naililibing. Mas pinili ko ang desisyon kong ito kaysa sa patagalin ko pa at hihintayin ko pa na agawin ng step grandparents ko ang kalayaan ko. Sa puntong ito, masasabi ko na ito na yata nag pinakatamang desisyon na nagawa ko. Ang sumama kay Ynnah, kahit na ilang beses na niya akong tinarayan at inaaway-away pa habang nasa Taiwan kami, nagawa ko pa rin magtiwala sa kaniya. Mukhang hindi naman ako nagkamali. "Maraming salamat, Ynnah." Ngumiti siya. "Nasa ibang lugar na tayo, Jaz. Siguro naman, ayos lang sa ito na mag-umpisa tayo ulit. Bilang magkaibigan." Ginawaran ko na din siya ng ngiti. Tumango ako bilang pagsang-ayon. Naputol ang pag-uusap naming dalawa namin nang biglang may nagdoorbell sa unit na ito. Gulat akong napatingin kay Ynnah na bigla siyang pumalakpak na may halong pagkasabik. Dali-dali siyang tumungo sa pinto, sinundan ko lang siya ng tingin. Bumuhay din kasi ang kuryusidad ko kung sino ang bisita ni Ynnah ngayon. Sa pagbukas ni Ynnah ng pinto ay tumambad sa amin ang isang butlo ng lalaki. Matangkad, maputi at isang chinito. Nakacorporate attire pa ito. Hindi ako pamilyar sa kaniya. Ang mas hindi ko inaasahan na naghalikan silang dalawa sa harap ko! Dahil d'yan ay umakyat yata lahat ng dugo ko sa aking ulo dahil sa aking nasaksihan kasabay pa na biglang uminit ang pagkabiglang pisngi ko! Sino ang lalaking kahalikan ni Ynnah?! "Let me introduce him to you, Jaz." naging malambing ang tinig ni Ynnah nang sabay na silang lumapit ng lalaki. "This is Nash, my secret affair and love of my life." saka ngumuso siya, tila pinipigilan ang kaniyang ngiti dahil nakita niya ang ekspresyon ng aking mukha ngayon! "Hi," pormal na bati ni Nash sa akin. Tumango ako. "Nice to meet you." iyan lang ang nasabi ko. "Babe, dala mo ba ang pinapadala ko?" biglang tanong niya sa kaniang nobyo. "Yes, babe. Here," saka ipinakita niya sa amin ang isang malaking maleta na hindi ko napansin na dala niya! "Everything is in there." "Thank you so much!" saka inabot naman sa akin ni Ynnah ang naturang maleta. "Ito pa, girl. Mga damit at mga sapatos ko iyan. Puro corporate attireang laman niyan, diba, magtuturo ka na din sa pottery school ko?" "S-seryoso ka ba talaga d'yan, Ynnah?" Ngumiti siya saka tumango. "Of course! Sige na, magpahinga ka na talaga. Alright?" Sa huli ay wala naman akong magawa kungdi sumunod sa kaniyang sinabi. Hila-hila ko ang maleta habang papunta na ako sa kuwarto na pinapahiram sa akin ni Ynnah. Sinara ko ang pinto. Hindi ko muna binuksan ang maleta. Sa halip ay dumiretso ako sa gilid ng kama saka humiga. Nakipagtitigan ako sa kisame. Huminga ako ng malalim. Umukit ang ngiti sa aking mga labi. Mas lalo gumaan ang pakiramdam ko buhat nang tumapak ang mga paa ko dito sa Iloilo. Siguro naman ang magiging tahimik na ang buhay ko? Kahit ganoon ay pakiramdam ko ay may kulang pa rin. Si Owen... - Dahil anim na taon ang tanda sa akin ni Ynnah, para sa akin ay siya na ang masasabi ko na nakakatanda kong kapatid. Una palang ay ayaw niyang tawagin ko siyang ate dahil sinasabi niya sa akin na parang pinatanda ko daw siya kapag tinawag ko daw siya sa ganoong paraan. Tutal naman din daw ay magkasama naman daw kami sa loob ng unit. Kahit ganoon ay ramdam na ramdam ko na tinuturing niya akong nakakabatang kapatid. Tulad ng mga ginagawa ng mga ate, nagiging protective siya sa akin na in a good way. Kahit na nagtuturo ako sa pottery school, nag-aaral pa rin ako. Pinapaaral niya ako, sinusuportahan niya ako sa mga gusto ko. Hindi ko akalain na magiging malapit kami nang ganito kahit na hindi naging maganda ang unang pagkikita namin. Grabe, wala akong masabi sa kaniya. Ngayong nakapagtapos ako ng Senior High, nagpasya ako na huwag muna pumasok ng kolehiyo para matulungan ko siya sa pamamalakad niya sa pottery school. Mas dumadami kasi ang nag-enroll sa workshop. Hindi lang ang mga bata ang natuturuan namin, maski ang mga teenagers at mga may edad na naghahanap ng mapagkakaabalahan. Lalo na pagdating ng summer. Kapag hindi naman peek season o hindi kaya tapos na ang trabaho ko sa pottery school ay nagtatrabaho naman ako sa resort na pagmamay-ari din niya bilang isa sa mga crew. Sa loob ng dalawang taon ay marami nang nangyari. Nalaman ko din na nasa ibang bansa na si Milyn dahil nagkaroon siya ng trabaho doon. Nagkaroon ulit kami ng kontak sa isa't isa. Kung minsan, kapag pareho kaming hindi busy sa mga trabaho namin ay nagkakamustahan kami through video call. Naipakilala ko na din siya kay Ynnah. Hindi nga din siya makapaniwala sa kwento namin. Sa loob din ng mahabang panahon na iyon ay wala akong naging balita kay Owen. Nagtatanong ako kay Ynnah kung may balita pa siya tungkol sa kaniya ay bigo ako. Sinabi niya sa akin na simulang kumalas na daw siya mula bilang fiancee ni Owen ay wala na siyang nasagap na balita sa mga Hochengco na dahilan para ikinalungkot ko. Hindi ko pa rin maitanggi na mahal ko pa rin siya... Alam ni Ynnah iyon. "Sige na, miss. Wala naman sigurong magagalit..." pangungulit ng lalaking costumer nang naserve ko ang orange juice dito sa pool area. I rolled my eyes. "Sir, pasensya na, pero hindi talaga ako nagbibigay ng personal nfo ko." kalmado kong sabi. Ayaw talaga akong tantanan ng isang ito. Dalawang araw na siyang ganito. "Kahit isang araw na date lang—" hindi na niya naituloy ang sasabihin niya dahil may tumingin siya sa may tabi ko. Sinundan ko iyon ng tingin. Si Ynnah na nakapoer face. Ang mas nakakagulat pa ay bigla niyang hinapit ang bewang ko para mapadikit pa ako sa kaniya. "Anong problema mo sa girlfriend mo, ha?" iritadang tanong niya sa costume.r Tumawa nang may panunuya ang lalaki na nasa harap namin. "Girlfriend? You must be kidding me, miss." "She's my girlfriend. If you don't mind, I'm a bi. Bisexual. Satisfied?" tinaasan pa niya ito ng kilay. "Isang kulit mo pa sa girlfriend ko, mapapatapon na kita palabas sa resort ko. So back off and don't try to touch what's mine." mas matigas niyang usal. Napalunok ang lalaki. Humakbang siya paatras. Wala na siyang magawa kungdi tinalikuran na niya kami at naglakad na siya palayo sa amin pero bakas pa sa kaniyang mukha na pagkadisgusto sa sinabi ni Ynnah. Nang nawala na ito as aming paningin ay doon na ako binitawan ni Ynnah. Humarap ako sa katabi ko "Kailan ka pa naging bisexual?" natatawang tanong ko sa kaniya. "Of course, palusot ko lang 'yon, anoh! And, my goodness, hindi talaga tayo talo! Nagkaroon ako ng goosebumps sa mga pinagsasabi ko sa jerk na iyon, duh!" then she flipped her hair. "For Pete's sake, my love for Nash is stronger." Naiiling-iling ako na nakangiti. Ewan ko sa iyo, teka, aasikasuhin ko muna ang order ng ibang costumers—" "Wait, Jaz." pigil niya sa akin. Taka akong tumingin sa kaniya. May inilabas siyang makapal na papel mula sa kaniyang blazer. Kumunot ang noo nang inabot niya iyon sa akin. It looks like an invitation card... "He's back," Hindi agad ako nakapagsalita. Sa binanggit niya na huling salita ay nakuha ko na ang gusto niyang iparating. Tinanggap ko ang naturang papel. Binuklat ko iyon. Natigilan ako nang mabasa ko ang nakasulat. It's a bachelor's party. Ihahanda iyon para kay Owen at sa resort na ito gaganapin ang sinasabing party. Magaganap iyon mamayang gabi. "He's getting married, Jaz. Sa ibang babae naman." sabi niya. "But I don't have any idea kung kanino naman siya ipinagkasundo ngayon." Parang piniga na naman ang puso ko sa aking narinig. Pinili kong huminga ng malalim. "I want to see him," mahina kong saad. "Jaz..." bakas sa boses niya ang pag-aalala. "Pero papaano?" Seryoso akong tumingin sa kaniya. "I'll be his stripper, Ynnah." tugon ko. Umaawang ang bibig niya sa sinabi ko. "Are you sure about this?" sunod niyang tanong. Walang alinlangan na tumango ako. "Kahit sa huling pagkakataon bago man siya tuluyang itali sa iba, makita ko lang siya, Ynnah. Pangako, hinding hindi ko ipapakilala ang sarili ko sa kaniya. Gusto ko lang makita na naging mabuti ang lagay niya." I don't know why my voice is shaking. Kahit siya ay nagbuntong-hininga. "I get it. Gagawa din ako ng paraan para makalapit ka sa kaniya, alright?" Isang mapait na ngiti ang iginawad ko. "Salamat." - Kahit kabado ako dahil unang beses kong gagawin ito sa tanan ng buhay ko, pilit kong maging matatag. Si Ynnah ang bahala sa lahat. Nalaman ko na wala ni isa sa mga Hochengco ang dumating sa sinasabi na Bachelor's party ni Owen dahil karamihan daw sa mga magpipinsan ay may mga asawa na. Ang tanging naimbitahan lang daw ay ang mga naging kaibigan ni Owen mula pa daw Amerika. Naglakad ako patungo sa kuwarto kung nasaan si Owen. Medyo lasing na daw ito. I'm wearing bunny ears, and a victoria's secret lingerie with plush tail on my panty, bow choker, six inches stiettos with black high fishnet lace tights. Sinadya ko talagang magsuot ng maskara para hindi ako agad makilala ni Owen kung sakali. Nakamake up at naka-medium curls din ang buhok ko para sa okasyon na ito. Malaki ang pasasalamat ko kay Ynnah dahil siya ang nag-asikaso sa mga gusto ko mangyari. Siya din ang nag-asikaso ng costume kong ito dahil alam niyang wala akong alam sa mga ganito. Pinihit ko ang pinto. Dahan-dahan kong itinulak ang pinto. Tumambad sa akin si Owen na upo sa isang single couch. Nakatingala siya sa kisame at mukhang nagpapahinga. Pero agad din siya tumingin sa direksyon ko. Wala akong mabasang ekspresyon mula sa kaniyang mukha maliban nalang na seryoso itong nakatingin sa akin. Nang mga oras na nagtama ang mga tingin namin, hindi ko maiwasang maramdaman ang pag-aamok ng aking puso. Pilit kong itago ang kaba at mga pakiramdam na magtutulak sa akin na maiiyak ako dahil sa sobrang pangungulila ko sa lalaking pinakamamahal ko ngayong nasa harap ko. Ang lalaking minamahal ko sa loob ng mahabang panahon. Tumayo siya at lumapit sa akin. Tumigil ako mula sa paglalakad. Hinayaan ko lang siya na makalapit siya sa akin. Kung kanina ay wala akong mabasa na ekspresyon sa kaniyang mukha, ngayon naman ay nakikita ko na namumungay ang kaniyang mukha. Amoy ko din na alak sa pamamagitan ng kaniyang hininga. Imbis na maturn off pa ako, I find it hot. Ako lang ba o nagiging abnormal na naman ako? "I'm here to give you pleasure, sir..." mahina kong saad. Wala akong makuhang sagot mula sa kaniya. Kahit na may bakas na kalasingan sa kaniyang mukha ay nagawa pa niyang hawiin ang aking takas na buhok. Titig na titig siya sa aking mga mata. May ibig siyang ipahiwatig doon, bakit malungkot ang nababasa ko sa kaniyang mga mata? Para saan? "Sir—" hindi na naituloy ang sasabihin ko nang bigla niang hinapit ang aking bewang palapit sa kaniya. Napaliyad ako sa ginawa niya habang nagkadikit ang mga labi namin. Dahan-dahan kong ipinikit ang mga mata ko. Pinipigilan ako ang sarili ko na umusbong ang pagkasabik ko sa kaniya. I miss him. I miss him so bad... Bumaba ang mga labi niya sa aking panga, sa leeg hanggang sa aking balikat. Ilang beses na akong napasinghap dahil sa ginagawa niya. Ramdam ko ang halong kiliti ang sensasyon habang ginagawa niya sa akin ito. "I miss you, my lady... I miss you..." I heard those words from him. Nabasag ang boses niya nang sambitin niya ang mga katagang iyon. Dahil diyan ay napadilat ako kasabay sa pagpiga ng aking puso. Lihim ko kinagat ang aking labi habang nakatingin sa kisame ng silid na ito para hindi ako maluha. s**t, hindi ko puwedeng ihalata na ako nga ito. Hindi ako pupuwedeng magreact! Hanggat maaari, huwag ako maging apektado! Iisipin ko nalang na lasing siya...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD