chapter ten

2897 Words
Hindi maalis ang tingin ko sa kisame ng presidential suite na ito. Nasa tyan ko ang mga palad ko habang nakatakip ang kumot na ito ang aking hubo na katawan. Itinagilid ko ang aking ulo. Tumambad sa akin ang payapang natutulog na si Owen sa aking tabi. Umukit ang maliit na ngiti sa aking mga labi. Pinagmasdan kong mabuti ang kaniyang mukha. Sa loob ng tatlong taon na hindi kami nagkasama, pilit kong isiniksik sa aking isipan na sana ay isa akong guni-guni niya. Na sana ay nagkamali lang siya na hindi ako ang tinatawag niyang my lady, which he used to called me like that. Binawi ko na din ang aking tingin mula sa kaniya. Maingat akong umalis mula sa kama para hindi siya magising. Kahit na masakit ang aking katawan, dahil ilang beses na niyang inaangkin ang katawan ko. I can't imagine that for the first time, we made it four rounds! Kahit pagod ako ay pilit pa niya niya umisa pa sa akin. Hindi lang din ako sigurado kung nasilayan niya ang mukha ko o nakilala man lang. Siguro naman ay lasing siya habang ginagawa namin ang milagro kanina. Sinuot ko ang bunny costume pero pinili kong huwag na suotin ang lace tights pati ang stilettos. Kinuha ko din ang extra bath robe na nakapatong sa single couch. Sinuot ko yon, pagkatapos ay sinikap kong makaalis sa silid. Mukhang nagtagumpay naman ako dahil hindi nagising si Owen. Yakap-yakap ko ang sarili ko habang patungo ako sa Opisina ni Ynnah. Sinabi kasi niya sa akin na doon daw muna ako magpalipas ng gabi. Malapad naman ang sofa niya doon at kompleto naman ang mga kagamitan. May coffee maker din naman siya doon, lalo na't may mga inimbak siyang mga tsaa na mga paborito ko kaya wala daw ako ipag-alala. Ibinilin din niya sa akin na dadalhan daw niya ako ng damit pamalit, susunduin daw niya ako dahil may trabaho pa ako sa potttery school nito. Pagkapasok ko sa Opisina ni Ynnah ay daig ko pang nawala sa sarili ng mga oras na ito. Nilapitan ko ang sofa saka umupo. Ilang saglit pa ay humiga ako nang nakatagilid kahit na nasa sahig pa rin ang mga talampakan ko. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala. Tagumpay na naibigay ko kay Owen ang p********e ko. Nagawa kong ialay sa kaniya ang puso't kaluluwa ko ng mga oras na iyon. Pakiramdam ko ay isa iyong panaginip. Gayumpaman, hinding hindi ako magsisisi na ibigay ko sa kaniya ang buong pagmamahal ko. Ang problema ko ngayon, narito na siya ngayon sa Iloilo. Papaano sa oras na magkaharap na kaming dalawa lalo na't hindi na siya lasing? Papaano ko siya haharapin sa tagpo na iyon? Marahan kong ipinikit ang aking mga mata, doon na din tumulo ang mga butil ng luha na gustong-gusto nang kumawala habang nasa harap ko ang lalaking pinakammamahal. Ang lalaking hinintay ko sa haba ng panahon. - "Seriously, four rounds?!" bulalas ni Ynnah habang nakasandal siya sa kaniyang desk. Pinapanood lang niya ako kung papaano ako nagbibihis ngayon. Sinadya kong maligo dito sa palapag kung nasaan ang kaniyang opisina bago man magsidating ang mga empleyado! Kinabit ko ang mga butones ng aking blouse. Humarap ako sa kaniya saka ngumuso. Tumango ako bilang sagot. Muli na naman siyang napatili na kulang nalang ay maglulundag-lundag na siya o kaya ay gumulong na sa sahig! "Huwag ka naman maingay, baka naman may makarinig..." saway ko sa kaniya. Pumapalakpak siya. "Pero tinawag ka niya sa endearment niya sa iyo, hindi ba? Hala, baka nakilala ka niya kahit ganoon ang get up mo." may bahid na pananakot nang sambitin niya iyon. Nagkibit-balikat ako. "Hindi naman siguro." isinuot ko na din ang shoulder bag sa akin. "Baka malate na tayo sa workshop." aya ko sa kaniya. Umalis siya mula sa pagkasandal niya sa desk. Humalukipkip siya. I saw her grinning. Parang may ibig siyang ipahiwatig sa ngisi niyang iyon. "By the way, hindi ka muna papasok ngayon dito sa resort, hm? Bonding naman tayo sa unit. Miss ko na din magluto." sabi pa niya. "May okasyon ba?" ako naman ang nagtanong nang nakalabas na kami sa kaniyang Opisina. "Wala naman, bibisita lang din kasi si Nash sa unit. Alam mo namang miss ko na din ang isang iyon." Dumiretso kami sa elevator. May mga bumati sa amin na mga empleyado niya na nakasalubong namin. Dahil nasa basement ang kaniyang sasakyan ay doon kami dumiretso hanggang sa nakarating na kami sa kaniyang mismong sasakyan. Tumango-tango ako. "Wala ba kayong balak magsettle down?" sunod kong tanong nang nasa front seat na kami pareho. Bago man niya sagutin ang tanong ko, binuhay niya ang makina ng kaniyang civic. "Siya lang naman ang hinihintay ko na magpropose sa akin. Ako naman kasi, nakaready lang naman ako, anytime. Since steady na din naman ang career ko." Which is true naman. Ayos na din ang kaniyang trabaho. Sa totoo lang ay siya ang nagtayo ng hotel and resort na ito. Kahit na ang pinakanegosyo ng kaniyang pamilya ay nasa Hong Kong, pinili pa rin niya sa Pilipinas magtayo ng sarili niyang negosyo. Nainlove daw kasi sa Pinas at tingin naman niya ay magiging panatag ang kalooban niya dito, lalo na't dito niya din nakilala si Nash, ang boyfriend niya na nagmamay-ari ng isang Law Firm. Matagal-tagal na din ang relasyon nilang dalawa pero sa tingin ko din naman ay ineenjoy pa nila ang pagiging magboyfriend-girlfriend dahil mahirap nga naman daw talaga kapag pumasok na sa marriage stage kahit na sabihin nating inlove na inlove kayo sa isa't isa. Pagdating namin sa Pottery School. Mabuti nalang ay sakto lang din ang dating namin. Agad na akong pumunta kung saan ako nagkaklase. Inayos ko agad ang mga kagamitan na gagamitin ng mga estudyante para sa susunod na session. Nakafixed na din ang schedule ko para mga estudyante ko. Sa umaga ay ang mga tuturuan ko ay mga bata, sabihin nating nasa elementary ang mga ito at sa hapon naman ang mga teenagers. Tuwing sabado naman ang mga nanay na nagpapaturo sa amin. Natutuwa akong nagtuturo sa mga bata. Nakikit ko sa kanila ang pagiging creative at mas lumalaki ang kuryusidad sa kanila sa mga technique na nagagamit ko sa paggawa ng mga paso. Hanggang doon muna ang itinuturo ko sa mga bata dahil ibang level na kapag gagawa na ng mga lamp o kaya ng iba pang pang desenyo pa sa mga bahay o sa ibang public establishments. Bilang reward na din namin sa mga estudyante namin ay nagsasagawa kami ng isang gallery event para makita na din ng iba ang mga obra nila. Minsan pa ay dinadala namin ang mga ito sa mga auction. Nakakatuwang isipin, nagagawa naming palakihin ang mga pottery school nang paunti-unti, ang parte din sa natanggap namin mula sa mga auction ay binibigay din namin sa aming estudyante para makatulong din ito sa kanilang pag-aaral pati sa kanilang mga magulang. Kapag may sobra sa kinita namin ay ipinapadala namin ito sa isang charity. Dahil na din sa unti-unti na din nakikilala ang pottery school ay naghahired na din si Ynnah ng mga bagong guro para sa paaralan. Awang-awa na daw siya sa akin dahil nagtatrabaho pa ako sa kaniyang hotel and resort. - Nag-unat ako saglit pagkatapos ng isa napakaproductive ngayong araw. Nilinis at inayos ko ang mga gamit bago ko iwan ang classroom. Sinalubong ako ni Ynnah na ngayon ay nakasabit sa isang braso niya ang kaniyang handbag, nakaready na din siyang umalis. Kumsabagay, palagi naman kaming sabay pumasok at umaalis dito sa paaralan. Sabay na kaming dumalo sa kaniyang sasakyan. Sinabi niya sa akin na pupunta muna kami sa grocery store para bumili ng mga sangkap na gagamitin niya para sa lulutuin niya. Wala naman kaso sa akin iyon, maigi na din, sa pamamagitan din iyon ay makakapagrelax na din ako kahit ramdam ko na masakit na ang aking katawan. She decided to cook mechado for dinner. Habang ako naman ay bumili ako ng mga ubos nang stocks sa unit. Atleast, may maiambag naman ako. Hindi puro asa kay Ynnah sa gastos kahit noon ay tumatanggi siya pero sadyang nangulit ako kaya sa huli ay wala na siyang magawa pa. Pagkatapos namin mag-grocery ay nagpasya na kaming bumalik sa kaniyang unit dahil excited na nga siya magluto para sa kaniyang pinakamamahal na Nash. Hindi pa kami nakapagpalit ng pambahay ay dumiretso na kami sa kusina para makapaghanda na. Ako ang nag-ayos ng mga stock at naghiwa ng mga sangkap at siya na daw ang bahala sa pagluluto. Pansin ko na panay silip niya sa kaniyang cellphone. Hindi kaya katext niya si Nash at excited na talaga siyang makita ang boyfriend niya. Hindi kasi mabura sa mga labi niya ang ngiti na akala mo'y kinikilig na din. Hanggang sa narinig namin ang doorbell. Sabay kaming napatingin ni Ynnah sa pinto. Siya na din ang tumayo para buksan niya iyon. Pinapanood ko lang ang inaakto niya. Kita ko ang dalawang bulto ng mga lalaki, ang isa ay si Nash pero hindi ko maaninag ang isa pa. "Tuloy kayo!" masiglang aya ni Ynnah sa mga bagong dating. Nanatili lang akong nakatingin sa pinto. Nanigas ako sa kinaupuan ko nang tumambad sa akin si Owen Ho na kakatapak lang niya dito sa unit! He's wearing a white long sleeves that's folded to his elbow, a black slack, and a luxury wrist watch! That's too formal and intense, kumpara pa noong nasa Cavite palang kami. Nagtama ang tingin namin na mas lalo ako naestatwa sa posisyon ko ngayon! He's with Nash! I assure they are... "I'm sorry, I was about to tell you na kasama din si Owen sa dinner ngayon..." nakangiwing sambit ni Ynnah nang bumaling siya sa akin. "Owen and Nash are buddies and business partners, so..." Lumunok ako, sa pagkakataon na ito ay parang nahihirapan akong huminga nang mabuti. Kahit anong gawin upang tanggalin ang tinginan namin ni Owen ay mukhang malabo pa. "A-ayos lang..." mahina kong usal nang hindi maalis ang tingin ko sa lalaking pinakamamahal ko. "Good evening, Jaz." bati sa akin ni Nash sa pamamagitan ng pormal niyang boses. "G-good evening din." Tuluya nang nakapasok ang mga bisita dito sa unit. Dahil may dalawang single couch na nasa nakatabi sa magkabilang gilid ng sofa na ito ay doon umupo sina Nash at Owen. Doon na rin ako nagkaroon ng lakas ng loob putulin ang tinginan naming dalawa. "Oh! I'll check the dishes, first." anunsyo ni Ynnah sa amin. Biglang tumayo si Nash. "I'll go with you." unang tinalikuran kami ni Ynnah para tumungo sa Kusina para tingnan ang kaniyang niluluto. Nakabuntot lamang ang boyfriend niya sa kaniya. Tanging kaming dalawa ni Owen ang naiwan dito sa Living Area. Lihim ko kinagat ang aking labi, hindi ko na siya magawang tingnan pa. Isang nakakabinging katahimik ang bumabalot sa aming dalawa. Mabuti nalang ay may espasyo sa pagitan naming dalawa dahil paniguradong magiging abnormal na naman ang pakiramdam ko sa tuwing nasa paligid ko lang siya! My heart's pounding so bad and fast! Ito nag epekto niya sa akin! Umabot man ng tatlong taon, but he never failed to give me this kind of feeling! Bigla akong tumayo at bumaling ako sa kaniya. Tumingala siya sa akin. "I need to stay in my room for a moment, I feel my head suddenly aching..." naiilang na paalam ko sa kaniya. Gumawa na ako ng palusot para makalayo ako sa kaniya. Hindi ko na hinintay pa ang permiso niya. Dali-dali akong naglakad patungo sa kuwarto ko. Pagkapasok ko ay mabilis ko din isinara ang pinto. Isinandal ko ang likod ko sa pinto. Tumingala ako sa kisame saka kumawala ako ng isang malaking buntong-hininga. Parang ayaw pa tanggapin ng sistema ko na nasa harap ko kanina si Owen. Pagkatapos kong ibigay ang sarili ko sa kaniya kagabi, ang buong akala ko ay iyon na ang huling pagkikita ko sa kaniya. Pero mukhang magkakamali ako dahil heto nga't narito siya sa unit. Kaibigan pa siya ni Nash, hindi na rin ako magtataka dahil may koneksyon din siya kay Ynnah bagamat naging ex-fiancee niya ito! Hindi na ako mapakali. Pinapaypayan ko na ang sarili ko sa pamamagitan ng mga kamay ko. Pumaparito't pumaparoon na ako. Mainit na magkabilang pisngi ko. Kahit na malamig sa loob ng unit, pakiramdam ko ay naiinitan ako simula narito na si Owen! My goodness! "Damn you, Jaz! What did you do?!" kastigo sa aking sarili. Para maibsan ang pagkataranta na aking nararamdaman, dali-dali kong dinaluhan ang cabinet. Naghanap ako ng damit pamalit. Natigilan ako nang may napagtanto ako. Bakit parang naging concious ako bigla? Nasa bahay lang naman ako pero bakit kailangan ay ayos na ayos ako porke narito si Owen?! "Hala ka, Owen! Nagtago na sa kuwarto!" rinig kong hagalpak sa tawa si Ynnah. "Anong ginawa mo doon?" "Nothing," rinig kong kaswal na sagot sa kaniya ni Owen. "Malakas pa ang tama niya sa iyo, natitiyak ko 'yon!" Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni Ynnah! Wha the hell?! At talagang nilaglag pa niya ako?! Seriously?! Pinili kong nagshower at magpalit na ng damit. Gumaan kahit papaano ang pakiramdam ko. Pagkalabas ko ng pinto ay hindi ko inaasahan na bubungad sa akin ay si Owen! Prenteng nakaupo sa gilid ng kama! Tila inaabangan ang paglabas ko dito mula banyo! "W-what are you doing here?" iyan ang tanging nasabi ko. Tumaas ang kilay niya sa tanong ko. Bakit ba kahit pagtayo niya ay ang hot niya pa rin?! Damn, ano na naman ba itong naiisip ko?! Humakbang siya palapit sa akin. Amoy na amoy ko ang pamilar na pabango niya na tila nagpapabalik sa akin mula sa nakaraan! Nagwawala na naman ang puso ko sa ginawa niya. "Because I won't want to wait for too long, my lady." namamaos niyang sabi. Madali para sa akin na hawakan niya ako. Marahan niyang hinaplos ang leeg ko, pababa iyon sa aking balikat pero nanatili ang mga mata niya sa akin, sa mga tingin niyang iyon ay parang pinag-aaralan niya ako. "O-Owen..." saway ko sa kaniya, sana. "Pananagutan kita," Natigilan ako sa sinabi niya. Kasabay na parang tumigil din ang puso ko sa pagtibok nito. "A-anong..." "Alam kong ikaw ang babaeng iyon, my lady. Ikaw ang stripper kagabi." bakit ramdam ko na may hinanakit sa boses niya nang sagutin niya iyon? Parang kakapusin na ako ng hininga sa sinabi niya. "H-hindi ako iyon." pagtatanggi ko pa. "You can't fool me, Jaz." sabi pa niya. "I remember eveything about you. You are my everything, you are my life, kabisado ko ang lahat sa iyo. Lahat-lahat." "N-nagkakamali ka..." hindi ko na magawang dugtungan ang sinasabi ko dahil umaagos na ang emosyon sa aking sistema. Anumang oras ay magagawa ko nang lumuha sa harap niya at ayaw ko iyon! "Hindi ako angstripper mo... M-malay ko ba d'yan? A-ang alam ko lang ay ikakasal ka na..." sige pa, Jaz! Itanggi mo pa! "Yeah, right. Ikakasal na nga ako pero hindi alam na ang naging stripper ko siya ang magiging bride ko." Gulat akong sumulyap sa kaniya. Umaawang ang bibig ko sa rebelasyon niya! "W-what..." "Gusto na kitang pakasalan, Jaz. Binigyan lang kita ng oras para humupa ang problema sa pagitan ng mga pamilya natin. Oo, hindi payag si mama na ikaw ang mahal ko pero wala siyang magagawa pa." ikinulong ng mga palad niya ang mukha ko. Ramdam ko ang init sa kaniyang mga palad, tulad ng umaalab ang damdamin ko para sa kaniya. "She can't do something about it. Hindi niya hawak ang puso at isipan ko para ituro kung sino ang dapat kong mahalin." he lean his forehead against mine. "I'm still into you, my lady." "Owen..." "They told me to give up on you, to let you go and they promised that someday I'll find someone else. But no, hindi ko kaya. Ayoko. Instead, I'm still here, wishing someday I can find you and you will come back... and will have our second chance." Mariin kong ipinikit ang aking mga mata, doon ko na rin naramdaman na marahas umagos ang mga luha sa aking pisngi. Bawat salita na kaniyang binibigkas, ramdam na ramdam ko ang sakit na idinulot sa kaniya mula sa nakaraan. Kahit ako, palagi akong naghihintay na muli magkrus ang mga landas namin. - Sweat pants and black spaghetti strap ang sinuot ko pagkalabas namin ni Owen ng kuwarto. Nadatnan namin si Ynnah nilalagayn na niya ang niluto niyang pagkain sa isang malaking bowl samantalang si Nash naman ay nag-aayos na ang mga pinggan. Lumapit na kami ni Owen sa kanila. Kusa kaming tumulong sa pag-aayos ng mga kurbyertos. "Oh, akala ko wala kayong balak pang lumabas," then she chuckled. Ngumuso ako't bumaling sa kaniya na may makahulugang tingin. Naiiling-iling lang siya pero hindi mabura ang ngiti sa kaniyang mga labi. Ilang saglit pa ay kumain na kami. Sanay na ako sa sweetness nina Ynnah at Nash, kahit noon pa man, ay nasaksihan ko na ang mala-relationship goal nilang dalawa. "Ynnah," kaswal na tawag ni Owen sa kaniya. "Yes? Any problem?" "I'm planning to sleep over here, is that okay?" Yumaas ang kilay ni Nash, si Ynnah naman ay napaletra O ang bibig. Gulat akong bumaling kay Owen. Punung-puno ng pagtataka sa aking mukha nang bigyan ko siya ng tingnan. "Oh...kay lang naman sa akin. Mamaya, ihahanda ko ang extra comforter." "Nope. I want to sleep beside my lady. It's been a long time and I miss her damn much." Napasapo sa bibig si Ynnah, si Nash naman ay humagalpak ng tawa. How about me? Nag-iinit na naman magkabilang pisngi ko. "Wala na, finish na. You're really a cradle snatcher, Owen." Kinibitan lang siya ni Owen ng balikat. "Shut up, Ynnah." inilipat niya sa akin ang kaniyang tingin. Inilapit pa niya ang mukha niya sa akin at may ibinulong siya. "I miss and I love you, my bride to be... Can't wait to be your husband, soon."  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD