chapter eleven

1951 Words
Pagkatapos namin kumain ay ako na ang nagprisinta na maghugas ng pinagkainan at pinaglutuan. Medyo gulat lang ako dahil hindi pa umaalis dito sa kusina si Owen. Sa halip ay nagpaiwan pa siya dito, samantala sina Ynnah at Nash ay dumiretso na sa kuwarto na hindi ko na initindi pa kung anuman ang gagawin nila doon. At saka, mukhang ang pinakabalak talaga nilang dalawa na iwan ako kasama ni Owen! Niligpit ko ang mga plato na bigla naman inagaw sa akin ni Owen ang mga iyon. Nagkatinginan kami. Binigyan ko siya ng tingin na may pagtataka. "Let me help you, my lady," masuyo niyang sambit na talagang may kasama pang kindat! Daig ko pang nahipnotismo sa kaniyang inakto. Hinayaan ko siyang gawin ang kaniyang gusto. Hindi ko mapigilang mapakagat ng labi dahil na rin sa naramdaman ko na din ang pagbilis ng pintig ng aking puso. Bakit ba hindi ko magawang umangal kapag siya na talaga ang kaharap? Hindi naman ako ganito noon! Mas nagiging abnormal na talaga ako! Dinaluhan ko na ang sink at nag-umpisa na akong maghugas para makapasok na ako sa kuwarto! Para makapagpahinga na din ako! "Do you like this place, my lady?" bigla niyang tanong. Sumandal siya sa counter habang nakahalukipkip. Talagang pinapanood niya ako habang ginagawa niya iyan! Natigilan ako't bumaling sa kaniya. "O-of course!" sagot ko. "Panatag na ang buhay ko dito buhat nang dinala ako ni Ynnah. Tinulungan niya akong makaalis sa mga Amador ng mga panahon na iyon." bumalik ang atensyon ko sa aking ginagawa. Ipinagpatuloy ko ang paghuhugas. "Nakikita mo ba ang sarili mo na dito ka titira balang araw, Jaz?" "Siguro... Kahit nasa probinsiya ako, masaya pa rin. Hindi rin naman mahirap ang pamumuhay dito. Oo, mas maganda kung nasa Maynila dahil marami kang makukuhang opurtinidad doon pero, napamahal na ako dito. Mas pipiliin ko ang lugar na ito." Saglit siya nanahimik. Pinaglalaruan ng kaniyang hintuturong daliri ang kaniyang mga labi, tila malalim ang kaniyang iniisip. "If in that case is... Well, I'm planning to build a new branch here." sunod niyang sinabi. "What?" hindi makapaniwalang tanong ko. "Yeah, since narito ka, dito na din ako. Kung nasaan ka, naroon din ako." sa sinabi niyang iyon ramdam ko ang pinaghalong determinado at kampante. Napahinto ako sa ginagawa ko. Kumawala ako ng isang malalim na buntong-hininga. Kahit na may mga sabon pa ang mga kamay ko, nagawa ko pa rin siyang harapin. "Owen..." may halong saway nang tawagin ko ang kaniyang pangalan. "What's wrong with that? You're gonna be my wife, soon." Tumaas ang isang kilay ko. "Wife? Eh hindi ka pa nga nagpopropose?" mahina akong tumawa. "Kapag nagproose ako, hindi ako tumatanggap ng hindi, Jaz." aniya. "Marami pa akong gustong gawin, Owen." "You can do that , everything, even I'm your husband, my lady." lumapit pa siya sa akin. Niyakap pa niya ako mula sa likuran. Sinubsob niya ang kaniyang mukha sa pagitan ng aking leeg at panga. "If you want to travel, I'll go with you, If you want to reach your dream, let me reach it with you. Let me go with you in your adventures, my lady." Goosebumps! Pumikit ako ng mariin sabay napatingala ako. Mas bumilis ang kabog ng aking dibdib sa kaniyang mga sinabi. Hinding hindi nagbabago ang Owen Hochengco na minahal ko noon. Sa katunayan pa nga ay mas minahal ko pa siya. Hindi ko alam kung anong swerte na meron ako dahil ang tinuturing kong first love ko ay ganoon ang pagmamahal na ibinibigay niya sa akin. "I love you, Jaz." malambing niyang bulong sa aking tainga. Dumilat ako't kinagat ko ang aking labi para pigilan ang sarili kong mapangiti. Bakit hindi siya nahihirapan na pakiligin ako? - Sa pagmulat ko ay ramdam ko na may mabigat na bagay na nakapatong sa may bewang ko. Kahit hirap pa ang mga mata ko sa pagmulat ay nagawa ko pa rin tingnan ang nagmamay-ari ng isang braso. Base sa pagkahawak nito sa akin, para bang ayaw akong pakawalan nito. Sumilay ang maliit na ngiti sa aking mga labi nang masilayan ko ang mukha ni Owen ang unang bumungad ng umaga ko. Mahimbing ang tulog nito, kahit ganoon ay para bang masaya siya lalo na't nasa tabi niya ako sa pagkakataon na ito. Talagang pinanidigan niya ang kaniyang sinabi na dito siya matutulog! Balak ko sanang tanggalin ang braso niya sa akin para makabangon ako't makapagluto na ng almusal pero sa kaunting kilos lang na pinakawalan ko, ramdam ko na mas humigpit ang pagkakapit ng braso sa akin. "Good morning, my lady..." rinig kong bati niya na namamaos. Muli akong lumingon sa kaniya. Hindi ko pa magawang batiin siya pabalik dahil bad breath pa ako! Nakakahiya! Sunod niyang ginawa ay mas idinikit pa niya ang kaniyang sarili sa akin. Isiniksik pa niya ang kaniyang mukha sa pagitan ng aking leeg at panga. "Are you alright?" nag-aalalang tanong niya sa akin. Inilapat ko ang aking mga labi. Tumango ako bilang sagot. Nahihiya ako magsalita sa kaniya. My goodness, nagiging concious na talaga ako kapag talaga nasa paligid ko na siya, papaano pa kaya ilang inches ang pagitan sa aming dalawa?! Bago man ako tangayin ang aking katinuan ay mabilis akong nakawala mula sa kaniyang bisig. Agad ko dinaluhan ang pinto kung saan nakasabit ang aking tuwalya. Isinabit ko iyon sa aking balikat. Humarap ako sa kaniya. "Maliligo na muna ako..." paalam ko sa kaniya. Hindi ko na rin hinintay ang pagsang-ayon o pagpayag niya. Ura-urada akong pumasok sa banyo. Isinandal ko ang aking likod sa pinto. Nagpakawala ako ng isang malalim na buntong-hininga. Itinapat ko ang isang palad ko sa aking bibig. Nagpakawala ako ng hininga. I pouted when I confirmed something. Mabuti nalang ay hindi pa ako nagsalita sa harap niya. Nakakahiya! - Pagkatapos kong maligo ay nagtataka ako kung nang makita ko si Owen dito sa kuwarto na iba na ang suot ko. He's wearing a sweat pants, a v-neck gray shirt, and a pair of rubber shoes. Saan naman niya nakuha ang suot niyang iyan? Hinihintay niya ang paglabas ko. Nagpaalam siya na maghihilamos muna. Pinayagan ko naman.Nakaroba lang ako pagkalabas. Sa pagmamadali ko na makapasok sa banyo kanina ay nakalimutan kong magdala ng damit pamalit! Kaya habang siya ang nasa loob ay taranta akong nagbihis. Simpleng shorts at printed shirt lang ang sinuot ko. Wala naman kaming trabaho ngayon ni Ynnah sa pottery school. Mamayang hapon pa naman ang shift ko sa hotel kaya may oras pa naman ako makapagrelax kahit papaano. Sa paglabas niya ay dumiretso siya sa dresser. Inaayos niya ang kaniyang sarili doon. Kasalukuyan naman akong nagsusuklay. "Jogging?" kaswal kong tanong sa kaniya. "May gym yata dito sa condo, right?" patanong din ang sagot niya sa akin. "Yeah," sagot ko. Humarap siya sa akin na may tamis ng ngiti sa kaniyang mga labi. "Samahan mo ako, my lady." malambing niyang sambit sa akin. Napamaang ako. "Huh?" "Please?" Kaya ang ending, sinamahan ko nga siya dito sa Gym dito sa condominium. May mga nagwowork out din dito. Dahil hindi naman ako magwowork out tulad niya ay maghihintay nalang ako dito sa kaniya habang magbabasa lang ako ng english novel dito sa waiting area. Nakade-kuwatro ako. May lumapit sa akin na staff. Nagtatanong kung ano daw ba ang gusto kong inumin. Mas nasiyahan ako dahil may tsaa sila, iyon ang inorder ko. Pagkabalik nito ay dala na niya ang inorder kong Dried rose petals tea! Maingat niyang ipinatong iyon sa coffee table. Ipinagpatuloy ko sana ang pagbabasa ko nang bumaling ako sa gawi ni Owen. Tumaas ang isang kilay ko habang pinag-aralan ko ang katawan niya. Yeah, I have already seen his body underneath his clothes, napapansin ko kasi na kahit saang anggulo man tingnan, pinagpawisan man siya o fresh ay guwapo at hot pa rin siya sa paningin ko! Dahil d'yan ay inilapat ko ang mga labi ko. Sumagi sa isipan ko ang hitsura niya noong nasa Cavite palang kami. Bagamat na guwapo at hot siya noon pero mas lalo na ngayon! Siguro dahil sa aura niya na isa siyang bachelor businessman. Isang beses ay nakita ko noon na siya ang cover ng isang sikat na magazine. Parang hindi man lang din nalipasan ng panahon ng kaniyang physical appearance. Hindi na ako magtataka kung marami siyang naging girlfriend buhat nang nagkaroon ng problema noon. Minsan napapaisip ako, kung wala bang problema sa pagitan ng pamilya namin, hindi ba kami hahantong sa ganito ni Owen? Hindi ba kami naghihiwalay ng mga panahon na iyon? Pinutol ko ang pag-iisip ko sa mga bagay na iyon. I grab the tea and sip it a bit. Ibinalik ko din iyon sa coffee table nang biglang may sumupot na lalaki sa harap ko. Napatingala ako. Bakas sa mukha ko ang gulat nang makita ko kung sino ang lalaki. Siya ang nangungulit sa akin sa hotel ni Ynnah! Ang lalaking panay hingi ng numero ko! Ilang beses na siyang nagpapakilala sa akin. But I swear, I don't even remember his name! I'm not interested! "I-ikaw na naman?" hindi ko mapigilang sabihin iyon. Ngumisi siya. Daig mong nakamit na niya ang tagumpay nang makita niya ako dito! "Mabuti nakita kita dito." iginala niya ang kaniyang paningin sa paligid tapos ay ibinalik niya sa akin ang kaniyang tingin. "Hindi ka nagwowork out? Hindi ka member?" tanong niya. Nagbuntong-hininga ako. "It's not my responsibilty to answer your questions..." pilit kong ibalik ang atensyon ko sa aking binabasa pero bigla naman siyang tumabi sa akin na dahilan na pagkagulat ko. Pinanlakihan ko siya ng mga mata. "What the hell?" "Bakit ba kasi hindi mo ako mapagbigyan?" natigilan siya saglit na para bang may inaalala siya. "Teka, nasaan ba ang girlfriend mo? Hindi ko siya nakita dito? Don't tell me, nagbreak kayo?" Mariin kong ipinikit ang aking mga mata. Hindi na importante iyon! Bumubuhay ang iritasyon sa aking sistema. Gustong-gusto kong sabihin na umalis na siya pero dapat ay hindi siya mapapahiya o anuman. Ayokong gumawa ng eskandalo. "Pwedeng umalis ka nalang? I'm busy..." "Nagbabasa ka lang naman—" hindi niya naituloy ang sasabihin niya nang biglang may kumuwelyo sa kaniya. Nanlaki ang mga mata ako't napasinghap nang kumuwelyo sa kaniya ay si Owen! Isang nakakatakot na Owen ang nakikia ko ngayon. Sa hitsura niya ngayon, anumang oras ay pupuwede na siyang makapatay! Oh, God! "Owen!" "Who told you to sit beside my fiancee, huh?" matigas na tanong ni Owen sa lalaki. Kumunot ang noo ng lalaki. Napasapo ako ng bibig. Damn, malalaglag pa yata ako ng wala sa oras! "What? Fiancee?" sabay tumingin ito sa kaniya. "Ang akala ko ba, bisexual ang jowa mo? Bakit may fiancee bigla?" naguguluhan niyang tanong. "Bisexual?" ulit na tanong naman ni Owen. Maski siya ay nagtataka. Umaawang ang bibig ko. I wasn't able to speak. Wala akong makapang salita para tugunin ang mga tanong nila. "Jaz," tawag sa akin ni Owen. Sa tono ng kaniyang boses ay sinasabi na kailangan kong mag-ingat o ano. "Anong pinagsasabi ng gagong ito?" Hinawi ko paitaas ang buhok ko. I gritted my teeth. I shut my eyes hard. Lagot ka sa akin, Ynnah! Inilagay mo ako sa gulo! Loka ka! Dumilat ako saka sinamaan ko sila ng tingin. "Wala akong alam d'yan!" tinalikuran ko sila't nagmamadali akong lumabas ng Gym. Hindi ko akalain na maabutan ako ni Owen! Tumingin ako sa kaniya. "What do you mean by that, my lady?" nag-aalalang tanong niya sa akin. Bumuga ako ng malalim na hininga. Nakapameywang ako sa harap niya. "Kinukulit ako ng lalaking iyan habang nagtatrabaho ako sa hotel ni Ynnah. So tinulungan ako ni Ynnah para makalayo ako sa lalaking iyon! Ipinakilala niya ang sarili niya na girlfriend ko, na bisexual kahit nandidiri siya sa pinagsasabi niya. Then, ito na nga... My gooood!" napatampal na ako ng noo. "Nagkagulo-gulo na!" Siya naman ang nagbuntong-hininga. "I understand." kumento niya. Nagtama ang mga tingin namin. "Later, I'll buy a ring and wear it even I wasn't around." "O-Owen..." "Para wala nang makalapit sa iyo na ibang gago." hinalikan niya ang noo ko. "You are mine alone, Jaz. Ayokong mababalewala na pag-aalaga ko sa iyo ng mahabang panahon." 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD