chapter twelve

2120 Words
Payapa kaming nakabalik ng unit. Agad nagpaalam si Owen na doon daw siya sa kuwarto ko para magshower. Pinayagan ko nalang. Nagpasya akong maghahanda nalang ako ng breakfast naming dalawa dahil tapos na din naman siya sa pagwowork out. Thankful na din ako dahil wala ang makulit na lalaki kanina. Siguro naman ay hindi na niya ako iistorbohin. Dumiretso ako sa ref para tingnan kung ano ang pupwede kong gawin na pagkain para kay Owen. Sumagi sa isipan na gumawa ng tuna salad dahil puros gulay lang din ang laman ng ref. May century tuna at mayonaise din naman sa cupboard dahil sa naggrocery naman kami kahapon. Ayos lang naman siguro sa kasama ko. Inilabas ko ang mga gulay na kakailanganin ko para sa paggawa ko ng salad. I turned on the stereo. Taylor Swift song kicks in. Inumpisahan ko na din hiwain ang mga sangkap. Maybe I should do some credits sa hotel and resto ni Ynnah. Papaano kasi, kahit na tagaserve lang ako sa mga costumers ay nalalaman ko kung papaano gawin ang mga pagkain na kanilang inihanda. Kahit noong unang pananatili ko dito sa unit niya, tinuturuan niya ako kung papaano magluto dahil sa pangungulit ko. Alam ko kasi na busy siya, hindi lang kay Nash, pati din sa mga negosyo niya. Palagi din siyang put of the county noon dahil sa mga inoorganize niyang gallery, minsan pa ay sumasali pa siya dahil nga sa artist siya, tulad ko. Atleast, my alam naman ako sa pagluluto at hindi umaasa sa kaniya. Nang matapos na ako sa paggawa ng salad ay sunod ko naman inihanda ang mga plato at kurbyertos na gagamitin namin. Sakto din na tapos na din si Owen sa pagsashower. Kita ko kung papaano siya nasiyahan dahil may nakahanda nang pagkain para sa kaniya. Ang akala ko pa ay madidismaya pa siya dahil baka feeling niya ay tinipid ko siya. Next time, tatanungin ko siya kung anong gusto niyang kainin. "It looks good, hm." kumento niya habang palapit siya sa aking direksyon. Imbis na umupo na siya ay pinulupot pa niya ang isang braso niya sa aking bewang. "Pakiramdam ko, asawa na kita talaga, my lady." then he plant a kiss on my temple. Inilapat ko ang aking mga labi ko para pigilan ang sarili kong mapangiti. Pambihira ka talaga, Owen! Sa mga simpleng galaw mo lang, napapakilig mo na ako! "A-ayos lang ba na iyan ang inihanda ko?" nahihiyang tanong ko sa kaniya. "Of course. Basta gawa mo." he answered. Hinila niya ang isang upuan saka umupo doon. Hindi ko lang inaasahan na marahan niya akong hinila palapit sa kaniya hanggang sa natagpuan ko ang sarili ko sa kandungan niya! "Perfect." "Owen!" saway ko sa kaniya na may kasama pang panlalaki ng mga mata. Binigyan niya ako ng painosenteng tingin. "What? You're gonna be my wife, soon, my lady. Kaya palagi natin magagawa ito." sunod naman niyang hinalikan ay ang braso ko. "And besides, tayong dalawa lang ang narito." Parang kakapusin ako ng hininga sa mga pinagsasabi niya! Kinagat ko ang labi ko. "Tumigil ka nga." sabi ko pa. Damn you, Jaz! Gusto mo din naman! Humalakhak siya. "Just kidding, my lady." he said. Sunod naman niyang hinalikan ay ang likod ng aking palad. "Tonight, may pupuntahan tayo." Isang pagtatakang tingin ang iginawad ko sa kaniya. "Huh? Saan naman?" He shrugged his one shoulder, "In a romantic place. A memorable place for us, my lady." he confidently answered. Tinaasan ko siya ng kilay. "Talaga ba?" natatawa kog tanong sa kaniya. "Of course. You wanna bet?" Tumingala ako't hindi ko na makontrol ang sarili ko pa na matawa sa kaniya. "Oo na, hindi naman kailangan magpustahan." sambit ko pa. "Good. So, for now, what do you want to do? I can't make love with you for now..." "Owen! Pambihira ka naman!" "Why? I'm just stating the truth, my lady." then he bite his lower-lip. Hindi ko alam kung nananadya ba siya! Papaano ba naman kasi, binigyan niya ako ng isang malanding tingin! "Except if you want me, too, pagbibigyan naman kita kahit isang round lang-" "My god, Owen! Kumain ka na nga lang!" nahihiya na ako sa mga pinagsasabi niya! Baka saan pa mapunta ang usapan naming ito! Natawa siya. Para bang sinadya niyang pikunin niya ako. Pinapanood ko siya kung papano niya tinikman ang ginawa kong salad. Kita ko sa mukha niya ang pagkamangha. Bumaling siya sa akin. "Taste good." then he gave me his sweetest smile. Tapos ako naman ang sinubuan niya. "Let me feed my lady." Isang beses ay tumanggi ako but he insist. Wala na rin ako magawa sa huli kung sabay kaming kumain sa iisang plato! - After we ate and washed the dishes, we decided to watch a movie next. Napagkasunduan naming dalawa na panoorin ang Fast and Furious tokyo drift. Nakahiga lang siya sa kandungan ko. Habang ginagawa niya iyon ay hindi ko na rin namamalayan na pinaglalaruan ko na pala ang kaniyang buhok, well he don't mind, hindi rin naman siya naiirita sa ginagawa ko sa kaniya. Sa totoo lang ay hindi nakatutok ang atensyon ko sa pinapanood namin. May sumagi kasi sa isipan ko na dahilan para bumuhay ang kuryusidad sa akin. Dumapo ang tingin ko sa kaniya, nanatili ang mga tingin niya sa LCD tv. "Owen?" tawag ko sa kaniya. "Hmm?" nanonood pa rin siya. I slowly released a sighs before I speak. "You said, ayaw mong mabalewala ang pag-aalaga mo sa akin noon pa man. What do you mean by that?" lakas-loob kong tanong sa kaniya. Doon ko nakuha ang kaniyang atensyon. Tumitig siya sa akin habang ganoon ang kaniyang posisyon. Ilang saglit pa ay bumangon siya at humarap sa akin. Naging seryoso na din ang kaniyang mukha. Kasbaay na marahan niyang hinawakan ang mga kamay ko. Kumawala siya ng isang malalim na buntong-hininga. Muli nagtama ang mga tingin namin. Ako naman ay naghihintay sa kaniyang isasagot. "Nang inaresto ako ng araw na iyon, si Ynnah ang unang pinatawag ko bago ang pamilya ko." Nang marinig ko sa kaniya ang mga bagay na iyon, parang may tumusok na karayom sa bahagi ng aking puso. Nanumbalik sa akin ang pangit na alaala noon. Nanatili akong tahimik, gusto ko malaman ang lahat-lahat. Kung anong nangyari sa kaniya pagkatapos ng insidente na iyon. "As my expected, nakarating siya. Nakausap ko siya. Humingi ako ng pabor sa kaniya bilang kaibigan... Na tulungan ka niyang makaalis sa mga Amador dahil hindi mawala sa isipan ko ang mga sinabi mo na ipapakasal ka ng step grandmother mo." "Owen..." "Yeah, kakuntasaba ko si Ynnah sa lahat. And I'm very thankful because she did everything to save you. Gusto ko din makaalis ka sa lugar na iyon dahil alam kong hindi ka agad makabangon dahil sa pagkawalan ng mga magulang mo, lalo na ang mama mo, my lady." Mas pinipiga ang puso ko sa aking narinig. Hindi galit ang nararamdaman ko kay Owen. Sa katunayan pa nga ay nagpapasalamat pa ako dahil nagawa pa niyang isipin ang kalagayan ko na dapat ay ang sarili niya. Kung papaano siya makawala sa selda ng mga panahon na iyon. Ramdam ko nalang ang maiinit niyang palad sa mga pisngi ko. "Nalaman ko din na pumunta ang pamilya ko sa inyo. Nasabi sa akin ni Ynnah ang lahat, lalo na't nagawa kang saktan ni mama." mariin kaming pumikit hanggang sa naramdaman ko nalang ang noo niya sa noo. "I'm so sorry, my lady... I'm sorry." Kumawala ako ng buntong-hininga. "Naiitindihan ko naman kung bakit ganoon ang reaksyon ng mama mo, Owen. Nagalit siya dahil anak ka niya... Sinong ina ba ang hindi magagalit sa ginawa ni Senyora." inilayo ko ng kaunti ang mukha ko sa kaniya para mas lalo ko siyan matitigan ng maayos. I gently touched his face. "What happend to you in these past two years...?" "Ipinadala ako ni mama sa Taiwan. She wants me to divert my feelings for you but she failed." namamaos niyang sabi. "I don't want to forget you and I won't trying... I can't stop thinking about you as I can't stop loving you, my lady." Marahas na pumatak ang isang butil ng luha. "Ako din, Owen. Kahit ilang taon pa ang lilipas, hindi ko rin magawang kalimutan ka. Ikaw at ikaw pa rin. All these time, I missed you. I miss everything about you." basag ang boses ko nang sabihin ko ang mga salita na iyon. Mapait siyang ngumiti. Inilapit niya ang kaniyang mukha hanggang sa nagawa niyang dampian ng halik ang aking noo. Mariin akong pumikit sa ginawa niyang iyon. "Mahal na mahal kita, Jaz. You are the only one can control my heart." - Sumapit na ang gabi ay sinundo ako nina Ynnah at Nash sa unit. I was wearning a soft, off white gown with a pearl studded yoke. The long, sheer sleeves had layered pearl cuffs. I also wearing complementary pearl earrings and a single strand necklace. Napag-usapan kasi namin ni Owen sa venue na kami mismo magkita at ihahatid ako ang mag-jowang ito. At isa pa, binilin sa akin na formal date ang magaganap sa pagitan naming dalawa kaya sinunod ko iyon. "Oh. My. Gosh! Jaz, you're stunning beautiful!" bulalas sa akin ni Ynnah nang nasa labas na kami ng condominium. Napasapo pa siya sa kaniyang bibig habang pinagmamasdan niya ako. Hindi ko mapigilang mapangiti. "Thank you," nahihiyang sagot ko. Nash opened the backseat for me. Nagpasalamat din ako sa kaniya bago ako makarating sa loob ng sasakyan. Sunod naman sumakay na ang dalawa. They buckled their seatbealts until we left. Sa Nelly's Garden nila ako hinatid. Pinagbuksan nila ako ng pinto. Hindi ko mapigilang mapangiti dahil nagandahan talaga ako sa mansyon na it lalo na't may napapalibutan ito ng ilaw. I love the old world charm, it's beauty and feel. Nagpaalam na sila sa akin. They give me a best luck. Muli ako nagpasalamat sa kanila. Tinalikuran ko na sila at umakyat papuntang sa loob ng naturang mansyon. Isang malawak na bulwagan ang sumalubong sa aking pagdating. Medyo nagtataka lang ako kung bakit hindi ko makita si Owen sa loob? Instead, nilapitan pa ako ng isang staff na may ngiti sa labi. Siya ang nagprisinta na ihatid ako kung nasaan si Owen. Nakasunod lang ako sa kaniya. Bawat hakbang na aking pinakapakawalan ay katumbas na pabilis nang pabilis ang t***k ng aking puso. Dahil ba iyon sa excitement o ano? Basta, ang importante sa akin ay maging masaya ang gabi na ito para sa aming dalawa. Tumigil kaming dalawa sa magkabilang ilaw at madilim na lugar sa may bandang harap namin. Taka akong nagtanong sa staff kung tama ba ito? Pilit niyang sinasab na oo daw. Tama daw ang itinuro niya. Aatras na sana ako nang biglang may nagpatugtog ng piano at may kumanta na babae... "We were strangers, starting out on a journey Never dreaming, what we'd have to go through Now here we are, I'm suddenly standing At the beginning with you..." Lumiwanag ang paligid nang may narinig naman akong boses ng isang lalaki. Si Suther pala ang naririnig kong kumanta at ang asawa niyang si Laraya! "No one told me, I was going to find you Unexpected, what you did to my heart When I lost hope, you were there to remind me This is the start..." Nanigas ako sa kinakatayuan ko dahil sa dami ng tao na nasa harap ko. Lahat ay pumapalakpak habang nakatingin sila sa akin. Parang tumigil na din ang pagtibok ng boses ko nang makita ko si Owen na nakatayo sa tabi ng altar. Malapad ang kaniyang ngiti habang nakatingin sa akin. Garden wedding pala itong magaganap?! Nilapitan ako ng staff saka inabot niya sa akin ang bouquet. She instruct me to walk in the aisle. Kusang sumunod ang katawan ko sa kaniyang inutos. Iginala ko ang aking paningin sa paligid. Puro mg pinsan at mga kaibigan ni Owen ang naririto! Hindi lang iyon, pati sina Ynnah at Nash ay narito din! Ang akala ko ay may sarili silang gala! "And life is a road that I wanna keep going Love is river, I wanna keep flowing Life is a road, now or forever, wonderful journey I'll be there when the world stop turning I'll be there when the storm is though In the end I wanna be standing At the beginning with you..." I was between to cry and happiness. Hindi ko maipaliwanag ang eksakto kong nararamdaman habang inaabot ko si Owen. Lahat ng atensyon nila ay nasa akin. Nakatutok din sa akin ang mga cellphone nila habang naglalakad. Until I reached the man of my life. "O-Owen..." basag ang boses ko nang tawagin ko ang kaniyang pangalan. Nasisira na tuloy ang make up ko dahil sa pagiging emosyonal ko! "I thought it was a formal date!" Hindi mabura sa kaniyang mga labi ang mga matatamis niyang ngiti habang natuon ang kaniyang tingin sa akin. "My cousins taught me something, para hindi ka na tuluyang mawala sa akin. And this is the solution, a surprise wedding." mas humigpit ang pagakahawak niya sa akin. "Tonight, you are no longer my dream wife, Jaz. You're gonna be my wife for real and eternity." 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD