chapter thirteen

2169 Words
"Ladies and gentlemen, please welcome, our newly weds, Mr. And Mrs. Owen Mavin Hochengco!" masayang anunsyo ng officiant sa mga bisita. Masaya at malakas na palakpakan ang ibinigay nila sa amin nang humarap na kami sa kanila. Hindi mabura ang kasiyahan sa aking mga labi ng mga oras na ito. Hindi ko sukat-akalain na ang gabing ito ay tuluyan na akong pagmamay-ari ni Owen na siyang makakasama ko na habambuhay. Kani-kaniya nang lumapit ang magpipinsan na Hochengco para magpapicture. Nakakatuwa lang dahil dala din nila ang mga baby nila! Nagulat din ako nang may yumakap sa akin. Napagtanto ko kung sino iyon! "Congratulations, Jaz!" bulalas ni Jelly! Agad din siyang kumalas ng yakap sa akin. Bakas sa mukha niya ang tuwa para sa akin. Para akong maiiyak nang masilayan ko ang mukha niya. "Thank you! Mabuti nalang, nakarating ka!! kulang nalang ay lumundag ako sa sobrang saya nang makita ko siya. "Nakauwi na ba si Milly?" "Naku, hindi pa siya makakauwi ngayon. Hindi kasi umabot ang leave niya sa States. Kung nalaman daw niya ng maaga, maaga din siya nakapagleave sa office. Biglaan din kasi itong plano ng asawa mo." paliwanag pa niya. "Pero, nagpadala siya ng pera sa akin. Binilin niya sa akin na bilhan daw kita ng wedding gifts from her, para hindi ka daw magtampo." Sa totoo lang, natouch ako. Kahit na hindi namin siya kasama ngayon sa espesyal na okasyon sa buhay ko, atleast, hindi siya nagalit man lang. Hindi bale, hihintayin ko kung kailan siya makakauwi dito sa Pinas para makabonding ulit namin siya one of this days. Lumapit sa direksyon namin si Russel, may karga siyang batang lalaki na tingin ko ay dalawang taong gulang palang ito. Ibig sabihin,nagbunga ang one night stand nilang dalawa! Pansin ko din na kamukha ni Russel ang bata! "Si Runciel nga pala, Jaz. Ang baby namin." nakangiting pakilala ni Jelly. "Baby Runciel, this is tita Jaz. Say hi to her, please?" Inosenteng kumaway sa akin ang anak nila. "Hi..." kahit boses, ang cute! Ang sarap tuloy iuwi! Hahahah! "Nay to mit yu, tata Jaz!" Napasapo ako sa aking dibdib. Biglang may humawak sa aking bewang. Napatingin ko't tumambad sa akin ang mukha ni Owen na nakangiti din. "Toto Wen!" bulalas ni Runciel nang makita niya ang kaniyang tiyuhin. "Hey, kid." nakangiting bati ni Owen sa bata. Bumaling siya kay Russel. "Thank you for coming, cous." "Anytime, Owen ahia." Ilang saglit pa nag-aya na silang bumalik sa mga mesa nila. Lumapit sa amin ang isang babae na napag-alaman ko na wedding coordinator pala na nahired ni Owen. Iginiya niya kami sa isang mini stage kung saan daw kami uupo nin Owen. Simpleng reception lang naman daw itong magaganap. Grabe, all this time, wala akong ideya na ganito pala ang pakulo ni Owen. Ang akala ko pa man din, nang malaman ko na ako ang magiigng bride niya ang tanging magiging rebelasyon sa mga gagawin niya, pero hindi. Nadagdagan pa niya ng isang surprise wedding. "Happy?" nakangiting tanong sa akin ng mister ko habang abala ang lahat sa pagkain. Ngumiti ako sa kaniya ng katamis-tamis. "Sobra." marahan na dumapo ang isang palad ko sa kaniyang pisngi. "Aminin mo, nasa lahi ninyo na ba ang magsurprise, hm?" Tumaas ang kilay niya saka ngumuso. "Tulad ng sabi ko, mga pinsan ko ang nagsuggest sa akin ng bagay na ito. Well, I don't' hesistate to accept their ideas, kasi ang sabi nila, doon daw nila dinaan ang lahat para matanggap daw ni Madame Eufemia ang mga asawa nila." Tumango ako na tila naitindihan ko ang ibig niyang sabihin. "Oh I see," "Tomorrow, we're going in Guimaras, doon ang honeymoon natin." ngumisi siya. "Sila din ang naghanda ng location. Regalo na daw nila sa atin ito." - Owen and I arrived at the Nature's Eye Resort after a short pumpboat ferry ride next day, after the wedding. Twenty minutes ang byahe namin sa dagat mula pa sa Iloilo City (tantya ko lang naman). Isang tahimik na lugar ang sumalubong sa amin pagkatapak namin sa lugar na ito, and steps that led inside. We follow the walkway that went up the wooded hill, we arrived at the reception area. Si Owen ang bahalang kumausap doon, habang ako ay nanonood at nakikinig lang sa pinag-usapan nilang dalawa although nakakaitindi naman ako ng ilonggo. Hindi ko maipagkaila, I feel thrilled and excitement because finally, we will enjoy the refreshing sea breeze and the beautiful view overlooking the coast! Hindi tulad sa mga napupuntahan kong beach, this resort is not a place to seek loud parties or beach crowds. It feels like a haven where tree huggers and sun worshippers can escape the urban jungle and one with nature. In short, a paradise! Dahil ang magpipinsan ang nag-asikaso ng lahat ay naging madali para amin na makarating sa cottage na nakabooked para sa amin. Hinatid kami doon ng isang staff saka ipinakita sa amin ang loob ng naturang kuwarto. Kung hindi ako nagkakamali, Ocean View Cottage ang kinuha nila para sa amin. Nagpasalamat kami sa staff bago man niya kami tuluyang iniwan dito sa loob ng silid. Hindi ko mapigilan ang sarili kong igala ang aking tingin sa kabuuan ng kuwarto na hindi mabura sa aking mga labi ang kasiyahan. Habang inaayos ni Owen ang mga dala namin, ako naman ay lumabas patungo sa balkonahe. I feel the seasalt breeze touches my skin, pati ang hangin ay galing din sa dagat. I realized something, whether you are running away from the life in the densely populated metropolitan or just seeking new places to learn and experience, no other places gives the benefit of both healing and wonder than a being at a place closest to Mother Nature itself. Hanggang sa naramdaman ko nalang ang isang braso ni Owen na pumulupot sa aking bewang. Hindi lang iyon, nagawa pa niyang dampian ng halik ang aking balikat! "You're completely mine now, my lady." namamaos niyang sambit. Mas lumapad ang ngiti ko, kasabay na bumilis ang t***k ng puso ko sa mga katagang na ang kaniyang binitawan. Ilang libong paru-paro ang naglalaro sa aking tyan habang dinadama pa naming dalawa ang magandang tanawin na nasa aming harap. Hanggang sa napagpasyahan na naming dalawa na tumuloy kami sa dagat para maenjoy naming dalawa ang araw na ito dahil nasa honeymoon nga kami. At saka, sinabi sa amin nina Fae pati ng iba pa nilang pinsan kung ano ang magandang gawin habang narito kami sa tahimik na lugar na ito. So we decided to explore this place more.According to them, there are interesting places to visit within an easy walk from the resort. One of the staff showed us around the village center of Brgy. Tando, siguro mga sampung minuto lang kung lalakarin namin, and it's long coconut lined sandy beachfront devoid of other tourist. Pareho kaming nasiyahan dahil tumambad sa aming mga nakahilerang mga bangka, may mga bagong dating pa galing laot at mga dalang mga bagong huli na isda, meron namang mga batang masayang naglalaro, may mga nanay naman na masayang nakikipagkwentuhan sa mga turista din na napadpad sa lugar na ito. Hindi ko mapigilang kuhaan ang litrato ang magagandang bagay na nakikita ko. Mailalagay ko din ito sa social media para na din makita ng magpipinsan na masaya kami sa regalo na ibinigay nila para sa amin. May natanaw din kamung sari-sari store doon. Nagpasya kaming bumili doon dahil na rin pareho kaming nauuhaw ni Owen dahil sa kakalakad kanina. Napagpasyahan naming dala ni Owen na bukas kami mag-island hopping dahil nalaman naming tatlong oras din itatagal n'on. Pati na rin ang pagligo sa dagat. Kung gagawin man namin iyon, paniguradong aabutin kami ng gabi dahil pahapon na't malapit nang lumubog ang araw. Kaya ang ginawa namin ngayong araw ay land tour. Napag-alaman namin na may lumang lighthouse sa isla. Hindi namin pinaglagpas ni Owen na makarating doon. Mas lalo kami namangha nang marating namin ang Spanish-Colonial lighthouse. Dahil sa umandar na naman ang kabaliwan ko, hindi ko papalagpasin na magselfie kami ng asawa ko. Remembrance din ito. Sayang kung papalagpasin ko ito. Masaya kaming nakabalik sa Resort. Sakto lang din dahil dinner na. Home-cooked meals ang inooffer nila dito. Dahil ang Guimaras ang home of the sweet mangoes, they know how to pick the best and sweetest mangoes. Hindi namin namalayan na napasarap ang kain naming dalawa.  Pagkatapos namin kumain ay nagpasya na kaming dalawa na sabay kaming maligo. Kahit nung una ay nahihiya ako dahil hindi pa ako sanay... lalo na't nasa honeymoon stage pa kaming dalawa. Medyo nawindang ako dahil wala siyang ginawa na magiging lead para mangyari ang bagay na iyon. Sa halip ay kaswal lang niya akong pinapaliguan. Pero ang mas hindi ko inaasahan ang sunod niyang sinabi. "Baka may laman na, ayokong malaglagan ka, my lady." masuyo niyang sambit habang sinasabunan niya ako. Sinabi pa niya na baka madulas pa. Muntik ko nang makalimutan tungkol sa gabing iyon. Isang gabi lang pero apat na beses ko ipinaubaya ang sarili ko sa kaniya. Lahat iyon ay sa loob niyang ipinutok. Hindi nga lang ako sure kung magbubunga iyon. Sa mga sinabi niya kanina, tila may hinaplos sa puso ko nang marinig ko mula mismo sa kaniya ang mga salita na iyon. Dahil d'yan ay mas lalo ko siya minamahal. - Nakahilig ako sa dibdib niya, samantalang siya naman ay nakatitig lang sa kisame ng silid na ito. Pareho kaming nag-iisip ng mga bagay-bagay. Ako kasi, may sumagi sa isipan ko. Maraming katanungan na nabuo sa isipan ko. "Owen," marahan kong tawag sa kaniya na hindi pa tumitingin sa kaniya. "Hmm?" ramdam ko nalang na hinaplos niya ang aking buhok. "There's something bothering you?" Doon na ako bumangon. Nagtataka siyang tumingin sa akin. Bumangon na din siya. Bago ko man siya sagutin ay marahan kong hinawakan ang kaniyang kamay. Nagtama ang aming paningin. "May aaminin ako sa iyo." "What is it?" I pressed my lips. "Hindi ko naman sinasabi na hindi ako masaya sa iyo, Owen. Papaano kapag natapos ito? I mean, 'yung honeymoon? Hindi ko maiwasang hindi matakot, lalo na kung... Malaman ng parents mo ito. Lalo na ang mama mo. Alam natin na matindi ang galit niya sa akin dahil isa akong Amador." bumaba ang tingin ko. "Alam kong hindi niya ako matatanggap sa pamilya ninyo, kahit na biglaang kasal ang ginawa natin." Masuyo na dumapo ang kaniyang palad sa aking pisngi. Doon ulit ako napatingin sa kaniya. Mataimtim siyang nakatingin sa akin. "I know it's not gonna be easy. I know it's really hard for us but I'm willing to sacrifice everyhting, my lady." "Owen..." "I will fight for us, Jaz. Ngayong akin ka na, hinding hindi na ako makakapayag na ipaghihiwalay ulit tayo." namamaos niyang sambit bago niya ako dinampian ng halik sa noo. "You are the queen of my heart and the mistress of my fate, the best thing that happened to me." Parang mapupugto ang hininga ko sa mga salita na kaniyang pinakawalan. Ramdam ko ang pagpiga sa aking puso. "Gusto kong magkasamang mabuhay na wala tayong tinatapakang tao, Owen. Ayoko ring saktan ang nanay mo." "Pero mas masakit sa akin dahil nagawa niyang saktan ang pinakamamahal ko." idinikit niya ang kaniyang noo sa akin. Napapikit ako. Dinadama ko siya sa puntong ito. "I can tell you strongly I love you, Jaz. I shall do anything to protect you and our future child" Ngayon ay nalaman ko na kung ano ang pangarap ni Owen. Ako... Kami ng magiging anak namin. Tulad ko, gusto niya na din ng tahimik na buhay sa oras na maging mag-asawa na kami. Na gagawa na kami ng sarili naming pamilya. "Hindi ako aalis sa tabi mo. Sasamahan kita, Owen..." ang tanging nasabi ko. Dahan-dahan kong idinilat ang mga mata ko at tumingin sa kaniya ng diretso sa kaniyang mga mata. Isang ngiti ang umukit sa aking mga labi."Because I thought, love is worth fighting because I'm fighting for you." "And love is worth waiting for because I'm waiting for you." he added. Napagpalitan kami ng ngiti sa isa't isa. Ngunit biglang tumunog ang cellphone ni Owen na nakapatong lang sa mesa. Pareho nito nakuha ang atensyon naming dalawa. Bumaling siya sa akin na may pagtataka sa kaniyang mukha. Sinasabi niya na ang tumatawag sa kaniya ay sang pinsan niyang si Vladimir. Pinapanood ko kung papano niya sinagot ang tawag. Niloudspeaker niya iyon. "Owen?" boses ni Vladimir iyon. "What is it?" "I'm so sorry for interrupting in the middle of your honeymoon." saka nagbuntong-hininga ito. "Nakauwi na si tita Chavelle galing Taiwan. Nalaman niya ang lahat, cous. Sumugod siya dito sa bahay namin. Hinahanap ka niya sa amin. Kahit sa iba pa Hochengco. Lalo na sa pamilyang Chua." Nagkatinginan kaming dalawa na may gulat sa mukha. "Huwag muna kayo magpakita sa kaniya. Kami na muna ang bahala sa kaniya—" "No, Vlad. We have already made a decision." seryosong nagsalita si Owen. "We will face her." "Cous, are you sure about this? Mas matindi pa nga ang nanay mo kaysa sa nanay ko." "Yeah, I know. But still, sabay namin siyang kakausapin ni Jaz." bakas sa boses niya ang determinasyon! Muli nagbuntong-hininga si Vladimir. "We will back you up." "Thanks, cous." binaba na niya ang tawag saka bumaling siya sa akin. Sa mga tingin niyang iyon, parang sinasabi niya na kailangan na naming maghanda dahil haharapin na namin ang kaniyang ia. Ang taong kinakatakutan ko...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD