chapter seventeen

2058 Words
Tahimik lang ako habang abala ang doktor at ang kasama nitong nurse na icheck up ako. Nanatili lang ako sa hospital bed. Tulad ko ay tahimik lang din nanonood si Owen, narito din ang kaniyang mama na si Madame Chavelle, pati na din si papa. Napag-alaman ko na ang ibang magpipinsan ay gagawi dito dahil nalaman nila ang nangyari. Kahit ganoon ay hindi maalis sa sistema ko ang kaba at takot. "Ang nangyari sa inyo kanina, Misis ay threatened miscarriage. Good thing, malakas ang kapit ng baby ninyo" wika ng doktor nang tumingin sa akin. "Posible na sobrang stress si Mrs. Ho o kaya sa dinami ng iniisip ay naaapektuhan si baby." Humigpit ang pagkahawak ko kay Owen, alam kong napansin niya iyon. Hindi ko maiwasang matamaan sa sinabi ng B. Totoo na marami akong iniisip ng mga panahon na iyon dahil na din sa mga nangyari kanina, lalo na't nalaman ko ang tungkol kay papa. Nanumbalik din sa aking alaala ang mga nangyari noong namatay sina mama at tito Chano. Siguro iyon ang pinakaugat kung bakit dala-dala ko pa rin at muntikan pang mawala ang bunga ng pagmamahalan namin ni Owen. "Hindi magandang maidudulot ng sobrang stress, iyon ang magiging dahilan ng prematured labor at premature delivery." dagdag pa ng doktor. Ngumiti siya sa amin. "By the way, congratulations, Mr. And Mrs. Ho. Kung may gusto pa kayong malaman, I'm willing to answer all your questions." "Maraming salamat, doc." wika ni Owen. Si Papa ang naghatid sa doktor at nurse palabas ng private room. Bumaling ako kay Owen, umukit ang kasiyahan sa kaniyang mukha. Marahan siyng pumikit at isinandal niya ang kaniyang noo sa aking sentido. "Magiging magulang na tayo, my lady." bulong niya sa akin na may halong lambing. "Itatanong ko pa ang mga dapat kong malaman, I want to be a hands-on dad and a husband." Kahit ako ay hindi makapaniwala. Dahil magkakaroon na kami ng munting anghel, nasa tyan ko pa man siya ngayon, pero nangingibabaw ang kagalakan sa akin. Muntikan man siyang mawala kanina pero gagawa pa rin ako ng paraan para maalagaan ko siya ng mabuti. Hinding hindi ako magkukulang bilang ina sa buong buhay niya. Napukaw ang atensyon namin nang lumapit si Madame Chavelle sa aming gawi. Nakaukit ang kalungkutan sa kaniyang mukha, dahil ba iyon sa hindi siya masaya dahil magkakaroon na kami ng anak ni Owen? Kahit na naging maayos na kami ay hindi pa rin mawala sa akin ang takot ko sa kaniya. "Jasmine, iha..." malungkot na tawag sa akin ni Madame. Nagtataka ako lalo dahil marahan niyang hinawakan ang isang kamay ko. "Patawarin mo ako, iha. Alam ko na isa ako sa mga dahilan kung bakit muntikannang mawala ang naka ninyo ni Owen. And I feel regrets because of that." Ginawaran ko siya ng isang matamis na ngiti. "Ang importante lang naman po sa akin ngayon ay maayos na ang magiging anak namin ni Owen at maayos na rin po tayo..." malumanay kong sambit. Huminga ng malalim si Madame Chavelle. "Nakikita ko na kung bakit mahal na mahal ka ng anak ko. Napabait mo." ang mas hindi namin inaasahan ay pumatak ang luha at umagos iyon sa kaniyang pisngi. "Mama..." nag-aalalang tawag sa kaniya ni Owen. "Are you alright?" "Ayos lang ako, anak. Naiinis ako sa sarili ko. Dahil... Hindi ko man lang nabigyan ng pagkakataon ni Jaz noon na kilalanin pa. Kung anong katangian na meron siya para mahalin mo siya ng ganito..." "Kalimutan nalang natin ang lahat, mama." wika ni Owen. "They more important is present and future." "Yeah, right." pinunasan ni Madame ang kaniyang pisngi. "Nagkamali man ako sa kaniya sa nakaraan, maitutuwid ko lang iyon ngayon at sa darating pang mga araw." "Maraming salamat po, Madame—" "Iha, hindi ba napag-usapan na natin na tawagin mo akong mama? Nakalimutan mo ba?" "M-mama..." napangiwi ako't sumulyap sa asawa ko. Malapad ang kaniyang ngiti na tila tuwang-tuwa siya sa kaniyang nasaksihan. "S-sorry po..." "It's okay, iha." tumingin siya kay Owen. - Hindi ko maiwasang magulat nang makita ko ang mga dala ng magpipinsan nang bisitahin nila ako dito sa Ospital. Iba't ibang pagkain ang dala nila, mayroon ding mga bulaklak, ang iba pa ay damit pambaby, daig pang baby shower dito sa silid. Nakilala ko na din ang isa sa mga pinsan nila na si Harris, may kasama itong babae. She's blonde and has a fair skin, daig pang model dahil sa kagandang taglay nito. Bagay na bagay sila ni Harris. Napag-alaman ko na adopted child at kapatid ito ni Vladimir pala ito kaya hindi singkit ang mga mata nito, sa katunayan pa nga, he looks mestizo, iyon pala ay may lahing pranses ang isang ito! "Sana magustuhan mo," nakangiting sabi ni Brooklyn, ang girlfriend ni Haris. Inabot niya sa akin ang regalo. "Naku, salamat sa regalo." nahihiyang sabi ko nang tanggapin ko ang regalo. "Nag-abala pa kayo..." "Sabi ko naman kasi sa iyo, kahit presensya lang natin, okay na sa kanila." rinig kong sabi ni Harris sa kaniyang girlfriend na siya naman sinikuhan nito. Napadaing siya na dahilan para matawa kami. "Hindi ako katulad mo na nakikikain lang sa isang handaan." inis na sabi ni Brooklyn. Biglang tumawa si Kalous, talagang sapo-sapo pa niya ang kaniyang tiyan. "Buti nga sa iyo, ayan, may katapat ka na!" natatawang sambit nito. Sumimangot si Harris. "Shut up, dude." "Asus, out of place ka lang kapag may lakad tayong magpipinsan." sabat naman ni Suther habang prenteng kaupo ito sa couch, katabi niya ang kaniyang asawa na si Laraya na malapad ang ngiti, daig mong nanalo ng malaking jackpot sa lotto. "Huwag mong asarin, baka mapikon." bungisngis ni Fae sa tabi ko. Bumaling siya sa akin. "Pagpasensyahan mo na ang kabaliwan ng mga pinsan namin, ya know, parang nakawala sa selda ang mga iyan." "Asus, inis ka lang dahil hindi pa approved si Archie sa proposal ni Arran." utas ni Vaughn habang nakaakbay kay Shakki. "Oh, kuya Vaughn! Pati ba naman ikaw?" Fae groaned. "Alam mo kung bakit? Because you're still a baby," usal ni Keiran na nakasandal sa pader, si Naya naman ay karga-karga ang panganay nilang anak na si Adler. Pinili nalang ni Fae na huwag nang patulan pa ang sinabi ng mga pinsan na lalaki, sa hitsura niya ngayon, parang wala na siyang palag sa mga ito dahil mag-isa lang siya na depensahan ang sarili kaya wala siyang laban sa mga ito. Ang tanging magagawa nalang ay umingos at pinili nalang na uminom ng ice tea na dala din nila. - Sumapit ang gabi, nagsiuwian na din ang mga pinsan ni Owen at ang asawa ko nalang ang kasama ko dito sa Ospital bilang bantay. Tinatanong ko nga siya kung may importante pa siyang gagawin dahil alam kong may trabaho pa siya. Ang sagot niya sa akin ay mas importante daw ako, kaya naman daw ng secretary niya na gawin ang mga naiwan niyang trabaho. Talagang pinanindigan niya ang magiging hands on husband siya sa akin. Inamin din niya sa akin na hindi daw maalis ang pag-aalala niya kung nasa trabaho man daw siya. Wala na din akong hindi palag dahil mas panatag ang kalooban ko kapag kasama ko siya lalo na sa ganitong sitwasyon na ako. "Owen?" tawag ko sa kaniya. Talagang magkatabi kami dito sa hospital bed, magkaharap kaming nakahiga. Nakapatong ang isang braso niya sa bewang ko. "Hm? May kailangan ka ba, my lady?" "Nasaan si papa?" tanong ko. "He told me magchecheck in lang daw siya sa pinakamalapit na hotel dito, bukas ay bibisitahin ka din daw niya." malumanay niyang tugon sa tanong ko. "How does it feel? You finally met your biological father?" Saglit ako natigilan sa kaniyang tanong. Kung hindi ako nagkakamali, naitanong din sa akin iyan ni Madame Chavelle noong hindi ko pa nakaharap ang biological father ko. "That was the moment changed me, Owen." I finally answered. Ramdam ko na inilayo niya kaunti ang kaniyang sarili sa akin para makita niya ang reaksyon ng aking mukha. Nakatitig siya sa akin, tila inaabangan niya ang susunod kong sasabihin. "When I learned about the truth, I think, my identity were making sense. Ang buong akala ko, iikot lang ang buhay ko na si tito Chano ang tumatayong ama sa akin. Pero nang nalaman ko na malapit lang pala siya, gusto kong magalit, gusto kong isisi sa kaniya ang lahat... Nang dahil sa kaniya, napunta ako sa ganitong sitwasyon. Pero pinigilan ko, kasi mali. Kasi, tatay ko siya, hindi man niya ako napanood habang nagkakaisip ako, still, may puwang pa rin siya sa buhay ko." binigyan ko siya ng isang maliit na ngiti. Bahagya akong bumangon at ganoon din siya. Dumapo ang palad ko sa aking tyan. "Ngayong magkakaanak na tayo, ayokong maranasan ng magiging anak natin ang galit na naipon sa puso ko." "My lady..." Ako naman ang nakipagtitigan sa kaniya. "Bukod sa iyo, siya nalang ang meron ako, Owen. And I don't want to waste this opportunity to know him more." "My lady, you are my wife, you are my other half, and you deserved to know the truth." Natigilan ako saglit. Kita ko na naging seryoso ang mukha niya sa kaniyang sinabi. Pakiramdam ko ay napugto ang aking hininga dahil sa kaba. "W-what is it, Owen?" Before he answered, he plant a kiss on back of my palm. Muli nagtama ang mga tingin namin. "Siya muna ang una kong hinanap bago ikaw, my lady." he sighs. Hinawi niya ang takas kong buhok. "Nalaman ko mula sa mga tauhan mo na malapit na magkaibigan sina Chano Amador at ang daddy mo. Lumabas ako ng kulungan ay hindi na ako nag-aksaya pa ng panahon, nahanap ko siya sa Cebu. Siya mismo ang nagsabi sa akin na nasa kaniya ang last will testament ng tito Chano mo." paliwanag niya. Hindi ko magawang magsalita. Hindi ko rin magawang magalit o ano. Sa halip ay nasopresa pa ako sa kaniyang sinabi. Iyon ang pakiramdam na nangibabaw sa akin. Hindi ko akalain na mag-aabala pa siya na gawin ang bagay na iyon. Sa katunayan pa nga ay hindi naman masyadong importante para sa kaniya na hanapin niya ang totoo kong ama. But no, he did. "I'm so sorry, my lady." namamaos na sambit ni Owen na dahilan ng pagtangis ko. Marahan niyang hinawakan ang aking ulo at dinampian niya ng halik ang aking sentido bago man niya ako niyakap. "Sorry, kung hindi ko agad sinabi sa iyo." "Ano bang dapat kong gawin para pasalamatan ka, Owen?" "Seeing you smile is enough for me." he said. "Thank you, Owen." "You are so much important in my life." "I know." halos pabulong na iyon. Kumalas siya ng yakap mula sa akin. He wiped all my tears. He leaned his forehead against mine. Pareho kaming nakapikit. Dinadama ko ang pagmamahal niya sa akin. His thumb finger brushed on my cheek. "My mom finally accept you as her daughter-in-law, your finally found your father, and there's one thing still missing..." "What is it?" mahina kong tanong na nanatili kami sa ganitong posisyon. Lumayo siya ng kaunti sa akin na dahilan para mapadilat ako. Bahagyang kumunot ang noo ko sa kaniyang ginawa. May inilabas siyang red velvet box. Hindi ko mapigilang mapasinghap nang makita ko ang laman ng naturang kahon. "Will you marry me, again, my Mrs. Hochengco?" Tumingin ako sa kaniya. "Ikinasal na tayo, Owen..." "Yeah, but this time, my family and your father will witness how our love is great and stronger, my lady." Ikinulong ng mga palad ko ang kaniyang mukha. "Yes, Owen. Kahit ilang tanong pa, oo at oo pa rin ang isasagot ko!" my voice cracked once again. Hindi niya mapigilang mapangiti. Tinanggal niya ang singsing mula sa kahon. Marahan niyang hinawakan ang isang kamay ko. PInadausdos niya sa palasingsingan ko ang singsing. Sinunggaban niya ako ng halik sa aking mga labi. Dumapo ang mga palad ko sa kaniyang batok. I did respond the moment my frazzle brain register his kiss. Warm, supple, and sweet kisses. Owen taught me what love really is. He taught me how to be strong in every struggles came into my life. Ipinaranas niya sa akin na kahit iwan man ako ng ilang beses, meron at meron pa ring dadating para ialis ako sa madilim at tahimik na mundo na aking nakagisnan. Owen, our love is like a flower, it is beautiful, radiant, divinem affectionate and pure. I'm so glad to be with you. I don't have words to describe what I feel for you. I fall deeper in your love with every passing day. Every moment I spend with you, feels like a dream, I'm madly inlove with you, my first love. I am your damsel in distress. You are my own prince charming, and you are my happily ever after. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD