epilogue

3064 Words
"Happy birthday, Owen ahia!" bakas sa boses ni Fae ang kasiyahan nang makatanggap ako ng tawag mula sa kaniya. Sa pagkakaalam ko ay nasa bakasyon sila ngayon nina Archie, along with my other cousins. Madalang nga lang ako sumama sa kanila dahil may sariling lakad din kami nina mama at papa. "Thank you, Fae. Sorry, hindi ako nakasama ngayon sa inyo." I said while standing beside of our car, here outside of the Church, nauna na sina mama at papa sa loob. Sinabi ko sa kanila na susunod ako dahil sasagutin ko lang itong tawag. They understand, by the way. "It's okay, ahia. But we wish you were here. Pero, hindi bale, after namin dito, bar hopping tayo para makapagcelebrate tayo ng birthday mo, alright?" pagkatapos ay bumungisngis siya. "Basta ba, sagot mo ang inuman. Alam mo naman itong mga pinsan natin." "Sure thing, I will. So, I gotta go, there's a mass I have to attend." "Oh, sure. Regards nalang kina tita at tito, okay? See you soon, ahia. Bye!" hanggang sa nawala na siya sa kabilang linya. Ngumuso ako saka iginala ko ang aking paningin habang ibinabalik ko ang aking telepono sa bulsa ng aking pantalon. Natigilan ako nang nahagip ng aking paningin ang isang babae. She has a milky white skin, petite body and looks innocent in her floral dress and white flats. Hanggang balikat lang ang kaniyang itim na buhok. Hinatid ko lang siya ng tingin hanggang tuluyan na siyang nakapasok ng simbahan. Kusang gumalaw ang aking katawan at pumasok na din ako ng simbahan. Hindi pa ako kuntento, habang hindi pa nag-uumpisa ang misa ay muling hinahanap ng aking paningin ang babaeng nakita ko. Dahil nasa bandang unahan nakapwesto sina mama, I took my time to find her. Tumigil ako nang namataan ng aking paningin ang babae. Nasa hilera ng mga upuan kung saan ang kinakatayuan ko ngayon. Hindi naman kalayuan sa kaniya. Kahit nakaside view siya, muli ko nasilayan ang maamo niyang mukha. Pagkatapos ng misa, kukuha ako ng pagkakataon na makalapit sa kaniya. Hindi nga ako nabigo. Pagkatapos ng misa ay sinadya kong pinauna ang mga magulang ko sa parking lot ng simbahan. Habang palabas ay doon ako nakakuha ng pagkakataon na makalapit sa kaniya, hindi ko nga lang siya magawang kausapin dahil baka matakaot siya bigla akong iwasan dahil hindi naman niya ako kilala. Ang makatabi ko lang siya sa paglalakad ay ayos na ako doon. This girl was small, her straight black hair and deep brown eyes gave her a fragile appearance, a really innocent. Hapon din iyon ay hinayaan lang ako nina mama at papa na nakapagcelebrate ako sa barnhouse ko. Naroon na din ang iilan kong kaibigan noong high school at kolehiyo. Hindi na rin ako magtataka na may dala silang babae. Sa pagkaalam ko din ay dadayo din sina Gervais pati ang mga pinsan niya dito para makicelebrate. "How's the birthday boy?" nakangiting sabi ni Cecilia, habang nakakandong sa akin. Nakapulupot ang mga braso niya sa aking leeg. Sa tanong niyang iyon ay hinaluan niya ng nakaakit na boses. "Happy and good." tipid kong sagot pero nakangiti. Ang totoo niyan ay sinasakyan ko lang ang trip ng mga bisita ko dahil regalo daw nila sa akin ang babaeng ito, sa hindi ko malaman na dahilan. "Let's join them." tinutukoy ko ay ang swimpond na pinagawa ko pa. Sumang-ayon siya. Tumayo na siya at lumabas na kami sa barn house para makaligo na din kami. Kissing other girls it's just normal for me. Para sa akin ay pinagbibigyan ko lang sila sa mga gusto nila. Pero hinding hindi ko gagalawin ang mga ito. Mahirap na at baka mapahamak. "WAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAHHHHHHHHHHHHH!!" Nakuha ng atensyon namin ang sigaw na iyon. Napatingin ako sa direksyon ng pinanggalingan ng sigaw na iyon. Umaawang ang bibig ko nang makita ko ang babae na nadapa sa putikan. Agad ko binitawan si Cecilie para daluhin ang babae para tulungan. Ngunit, may mga nauna pa. Sina Gervais. Sa paglapit ko ay rinig ko pa ang tinatanong nila ang babae na nakita ko sa simbahan kung ayos lang ito, ngunit bigo kami, wala kaming nakuhang sagot. Ang mga kasamahan naming babae ang nag-ayos sa kaniya. May mga damit naman ako dito sa barn house at iyon ang ipinasuot ko sa inosenteng babae dahil marumi na ang mga damit niya ng putik. "We didn't know where she lived." seryosong sambit ni Gervais kinagabihan ding iyon. Medyo namomoblema sila dahil ihahatid sana nila ito. I licked my lips while sitting on the high stool chair. Nag-iisip din ako kung saan ba siya nakatira. Hindi ko akalain sa ganitong pagkakataon ko pa siya muli makikita. Kung hindi ako nagkakamali, napadpad siya sa lugar na ito na wala siyang dalang sasakyan. Naglakad lang siya, ibig sabihin, malapit lang dito ang tirahan niya. "Ako na ang maghahatid sa kaniya," biglang sabi ko. Napatingin sila sa akin na may pagtataka, ang iba pa sa kanila ay nagulatang pa. "Are you sure, dude?" PJ asked while he's crossing his arms. "Yeah. Matatanong ko din naman siya pagkagising niya." "If you say so..." sa tono ng boses nila, tila wala na silang magagawa pa. So I did. Hinihintay ko siyang magising habang nagbabasa ako ng english novel na iniregalo nila sa akin. Pero hindi ako makafocus sa binabasa ko dahil napupunta ang atensyon ko sa babaeng nasa harap ko. She's peacefully sleeping. Hindi ko mapigilang mapangiti habang pinagmamasdan ko siya. Wait, what is happening to me? For the love of God, I have seen women before, will my heart, please calm f**k down? Be cool man, be cool. Until she wokes up. "Glad you're awake," I greeted her with my sweetest smile. "I need to get outta here!" natataranta niyang sambit. Oh damn it, nawawala na ako sa sarili ko. That voice. Though it's not the sweetest, it resonates so much with my heart. I am so getting turned on right now! Damn you, Owen! Anong pinag-iisip mo? Where's your cool, huh? Mabuti nalang ay nakumbinsi ko siya kahit papaano na manatili pa siya ng kaunti dito sa barn house ko. Nasabi ko din sa kaniya na nilabhan na ang kaniyang mga damit at kasalukuyan na itong pinapatuyo. Nagprisinta na din akong ihatid siya. Good thing, hindi siya tumanggi dahil madilim na din sa labas. Habang papalapit na kami sa kaniyang tirahan ay doon ko napagtanto na isa siyang Amador! My family were holding a grudge towards to this family. Sila lang, hindi ako. Wala naman kasi akong pakialam sa rason nila kung bakit kinagagalitan nila ang pamilyang kinabibilangan ng babaeng natulungan ko. Mukhang wala rin siyang alam sa nakaraan. Mukhang hindi rin alam na isa akong Hochengco, dahil kung nalaman man niya ang pangalan na nakakabit sa akin, paniguradong iiwasan na niya ako, pero hindi. "Hindi ko alam na isa ka palang Amador." kumento ko nang nasa tapat na kami ng mansyon ng mga Amador. "Ang stepfather ko lang," sagot niya. So it explains it all. "M-may problema ba?" Ngumuso ako saka tumango. I give him a glimpse of smiled. "Nothing, may I know, how old are you, Jasmine?" nairnig ko ang tawag sa kaniya ng mga tagadito sa lugar ng mga Amador. "S-seventeen." Doon ako natigilan nang bahagya. I didn't see it coming. Sabi ko sa sarili ko, hinding hindi ako papatol sa bata. Pero tang ina lang! I know it's weird but I don't like when some boys flirting with her! Not in my watch, not in my dreams! Mas mabuting humarang na ako hangga't maaga pa! Hihintayin kita na tumuntong ka sa takdang edad, my lady. "Alam mo, imbis sermonan mo ako, batiin mo nalang ako. It's my birthday, Owen! I'm in a damn legal age na! It's my eighteenth birthday!" Hindi ako makapaniwala na marinig ko sa kaniya ang bagay na iyon. Seryoso? Nasa legal age na siya? Parang noong huling kita lang namin ay minor de edad pa siya! Ang buong akala ko ay maghihintay ako ng matagal, hindi pala! Hindi ko alam kung masyado ba akong mabait para ipagkaloob sa akin ng Panginoon ang kahilingan kong ito! Saglit ako natahimik habang nakapulupot ang isang braso ko sa bewang niya. Mas lalo ko siya inilapit sa akin. Nanatili ang titig ko sa kaniya, tila pinag-aralan ang maamo niyang mukha. Lahat ng sa kaniya,pinag-aaralan ko. Ah! The perfectly shaped neck and the collar bones. I just want my teeth to sink them and and maybe taste some blood. Keep it under control, Dracula! Her eyes... Once more my thoughts skidded to a halt. I'd never known a woman with eyes that were more revealing. In them I read a multitude of emotions. Pain, both physical and emotional. I barely knew Jaz and yet I sensed she was one of the most astonishing people I'd probably ever meet. I want to defend her all the time, I wan to protect her at all cost. Until my eyes fixed on her lips. Look at those lips, I wouldn't mind taking a bite at those apples even if I be damned for all eternity in Hell. Oh, calm down, Owen. Damn you, don't let everything mess under your control! Hindi ako nagsayang ng panahon. Kinikilala ko pa ng mabuti si Jaz. She loves art, she loves ceramic art. Good for her, because she knows want she really wants. She knows her passion. Mukhang masaya nga siya sa ginagawa niyang iyon.Kaya gumawa ako ng paraan para matulungan pa siya na maabot ang pangarap niya. Ganoon din ako. I get serious in life. Start thinking career and money. I need to work harder not only for us, for our future. Pero nang nakarating sa amin ang balita na namatay ang mama at ang stepfather niya, I want to saty and comfort her. I want to talk to her, but I want to give her time to heal too. All I can do is waiting. Hihintayin ko na magiging maayos siya. "Kahit na pinagbawalan na ako ni Senyora Florita na makipagkita na sa iyo, tulad mo, babaliin ko ang kagustuhan niya, Owen. Dahil mahal kita. Mahal na mahal... Ayokong magpakasal sa taong hindi ko maha;. Buhay nang makita kita sa unang pagkakataon, hindi ka na rin maalis sa isipan ko, Owen. Maniwala ka..." Nang marinig ko ang mga kataga na kaniyang binitawan, iyon na din ang hudyat para ipaglaban ko ang nararamdaman ko sa kaniya. Kahit na nagawa akong arestohin kahit wala naman akong ginawang masama. Hindi ako nagdalawang-isip na tawagan si Ynnah para humingi ng tulong sa kaniya. "Oh my goodness, Owen! Ano talagang nangyari? Bakit ka napadpad sa lugar na ito?" naiiyak niyang tanong sa akin nang mabilis din siya ako dinaluhan dito sa kalungan. Baka sa mukha niya na hindi makapaniwala nang makita niya ang kalagayan ko. Alam kong nagtataka din siya kung bakit siya ang una kong tinawagan imbis ang pamilya ko mismo. "I need your help, Ynnah." seryoso kong tugon. Kumunot ang noo niya. "Bakit..." "Mas uunahin ko muna ang babaeng pinakamamahal ko, bago ang sarili ko." segunda ko pa. She mouthed 'what' but I don't care. "I need your help, you need to save her. She doesn't want to be caged in a f*****g fixed marriage. Iuwi mo siya sa Iloilo at doon mo muna siya patirahin. Kailangan mo siyang ilayo sa mga Amador pati sa mga Hochengco. Ayokong madamay siya sa galit sa pagitan ng dalawang pamilya dahil hindi naman talaga siya Amador. Hindi niya dala ang dugo at laman ng pamilya na kaaway ng pamilya ko." "Owen..." may bahid na pag-alala sa kaniyang boses nang sambitin niya ang pangalan ko. "Are you sure about this? Papaano ka?" "Sa oras na maitakas mo si Jaz, doon na ako hihingi ng tulong sa pamilya ko para makalaya na ako. I'm counting on you, Ynnah." She pressed her lips. Tumango siya. Namis-interpret lang ng mga pamilya namin ang relasyon namin ni Ynnah, she's just a good friend of mine and accurately reliable. Kaibigan lang din ang turing niya sa akin dahil mahal na mahal niya ang kaibigan kong si Nash. Saksi ako kung papaano sila nahirapan sa sitwasyon na ginagalawan namin. Both of two families were expecting na kami nga ni Ynnah ang magkakatuluyan pero gagawa pa rin ako ng para hindi matuloy ang kasal. Dahil si Jaz lang ang gusto kong pakasalan. Siya lang ang gusto kong makasama hanggang sa malagot na ako ng hininga sa mundong ibabaw. Sa paglipas ng dalawang taon na pangungulila at tiniis ko na hindi makita si Jaz, sa wakas, nagawa kong makabalik ng Pilipinas. Sa tulong ni Nash na matagpuan niya ang tatay ni Jaz at ang pagtulong din ni Ynnah na maalagaan niya ang babaeng pinakamamahal ko, sa oras na ito ay ako naman ang kikilos. "Are you sure about this?" taas-kilay na tanong ni Ynnah habang naririto kami sa kaniyang opisina dito sa kaniyang sariling hotel and resort. Nasabi din niya sa akin na dito din nagtatrabaho si Jaz. "Palalabasin mo na ikakasal ka na sa iba?" "That's it." simpleng tugon ko habang nakadungaw ako sa bintana ng kaniyang opisina. Pinagmamasdan ko ang baba kung nasaan si Jaz, nasa pool area siya, abala sa paghahatid ng mga inumin ng mga guest na nasa lugar na iyon. Hindi ko maipagkaila na mas gumaganda ang babaeng pinakamamahal ko sa aking paningin. Dalawang taon na ang nakalipas, mas lalo niya ako nabihag. "Alright, so I need to do some hardwork here, again." natatawa niyang sambit. "Ang dami mo nang utang sa akin, Owen." Sumulyap ako sa kaniya. "I know. I owe everyhting to you." sumilay ang ngiti sa aking mga labi. "Don't worry, you're invited in our upcoming wedding. Everything has been settled." She shrugged and smiled. "Inaasahan ko iyan." Umahon ako mula sa swimming pool. Agad kong dinaluhana ng sun lounger para kunin ang tuwalya. Pinatuyo ko ang buhok at katawan sa pamamagitan n'on. Itinapis ko ang tuwalya sa aking bewan. bago ako pumasok sa two-storey house na ipinagawa ko pa pagkatapos naming ikasal sa pangalawang pagkakataon. Sa pagpasok ko ng bahay ay agad akong dumiretso sa studio na sadyang pinagawa ko din para sa kaniya. Dahil bukas naman ang pinto ay madali para sa akin na madatnan ko ang asawa ko na kasalukuyang nakatayo at abala sa susunod niyang proyekto na ipiprisinta niya sa papalapit na ceramic art festival dito sa Iloilo. Hindi ako nagdalawang-isip na daluhan siya. Dahil nakayapak lang ako, ay hindi niya agad maramdaman ang aking presensya. Hanggang sa tagumpay ko siyang nayakap mula sa likod. Agad niyang itinagilid ang kaniyang ulo para tingnan ako. Ibinaon ko ang aking mukha sa pagitan ng kaniyang panga at balikat, kasabay na dumapo ang mga palad ko sa nakaumbok niyang tyan. Kabuwanan na niya ngayon, ilang beses ko na siyang kinukumbinsi na huwag niyang pwersahin ang kaniyang sarili. Hindi ako nagkulang na alagaan at ingatan siya tulad ng bilin ng kaniyang OB. Madalas ay pumunta dito sina Nash at Ynnah para bantayan si Jaz dahil minsan ay wala ako dahil din sa trabaho. Hindi ako panatag na aalis ako ng bahay na walang magbabantay sa kaniya. Minsan naman ay bumibisita ang kaniyang daddy, kahit ang parents at kamag-anakan ko. "Owen, huwag ka naman manggulat, please?" malumanay niyang sambit sa akin. "I'm sorry, my lady." malambing kong sambit. "How's your piece?" "Uhm, ilang linggo nalang, matatapos ko na din ito." tugon niya, hindi nakalagpas sa paningin ko ang matatamis niyang ngiti. "Please, don't stress yourself. You're still pregnant..." hindi nagbabago ang tono ng boses ko. "Oo naman po, mister. Kada thirty minutes namna ako nakatayo dito. At saka, hindi naman sculpture itong ginagawa ko, maliliit naman itong ginagawa ko." "Uhm... What do you want for breakfast? Ako na ang magluluto," Tumigil siya sa ginagawa niya at hinarapan niya ako. "Natatakam ako sa pancit na gawa mo," she answered. "As my lady's command...." then I plant a kiss on her hair. "Mimi! Didi!" Sabay kaming napatingin sa pinto ng studio. Tumambad sa amin ang panganay naming anak na si Trent, he's already three years old. Kinukusot-kusot pa niya ang kaniyang mga mata, kakagising lang niya. Ngumiti ako saka nilapitan siya para buhatin. "Good morning, big boy!" masayang bati ko sa kaniya. "Orning..." Bumalik kami kay Jaz na nakangiti din. My wife give her a peck kiss on our son. "Good morning, baby Trent." malambing na bati ng maganda kong asawa sa kaniya. "Orning, mimi." bumaling siya sa akin. "Didi, I want pancit! Baby wants pancit too!" Natawa kami ni Jaz sa kaniyang sinabi. "Sure, big boy. Can you stay here and take care of mimi?"  "Yes! Yes!" Ibinaba ko na siya. Bago ako muna iwan saglit ang mag-iina ko ay muli ako humalik kay Jaz. "I love you," bulong niya. "I love you too." sapat lakas ng boses nang sagutin ko ang kataga na kaniyang bintawan. Hindi maalis sa mga labi namin ang kasiyahan. Ilang beses na din ako nagpasalamat sa Panginoon dahil binigyan niya ako ng isang babae na tulad ni Jaz, hinding hindi ako nagsisisi dahil sa kaniya lang ako sumasaya. I love everything about her, either bad or good. She makes me feel proud. In fact very proud for all that she does at work, at home. He sense of style, the way she dresses, the way she carries herself, the way she talks to people. She balances everything like a pro. She is a mother, a daughter in law, a wife and a bestfriend. And the more amazing about her? Her toughness, having survived from her tragic memory of her mother and her stepfather. Kahit wala na ang mga ito ay hindi na niya nakausap, she has an abilityto forgive, especially her mother. Ang pinagusto ko sa kaniya buhat nang nagsasama na kami? She asks me to sleep beside her ar night, no matter how badly we may have fought, without saying, that we are more important that the fight. I love my wife because of who she is, what she believes in, and what she she chooses to do. Lalo na nang unti-unti na nabubuo ang pinapangarap naming pamilya. I admit, I am not a perfect man, husband or a father, and I often times feel that I do not deserved to be in her life. But she reassures me that I am perfect for her. She and our children are my everything. They are my treasure that I've been looking for ever since. * t h e  e n d * __ Author's note : Thank you for waiting and reading Jaz and Owen's story. Salamat din sa pagtityaga ninyo sa mga bawat kabanata. Tulad ng sabi ko, huwag na magnext dahil nasa bagong post na. For more of my stories, you can join at Marrese Monika Stories. Thank you! Sa mga nag-aabang at naghihintay talaga ng stories nina Vaughn at Shakki. Gora, see you there! Sila naman bago ko ilabas ang story ni Harris. - Marrese Monika
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD