KINAUMAGAHAN ay binulabog si Erin ng mga tawag sa kaniyang cellphone at sa telepono. Inaasahan na niya iyon dahil sa nangyari kagabi. Celine, Tyron and even her directors was calling her. Ngunit ni isa ay wala siyang sinagot. Nang makita ang pangalan ng ina na tumatawag sa kaniya’y tanging ang tawag nito lamang ang sinagot niya. Kasalukuyan siyang nasa living room at umiinom ng mainit na gatas. Habang si Lyndon naman ay may kung ano’ng ginagawa sa kusina. “Hello, mommy?” “How are you, darling?” tanong ng mommy niya. May pag-aalala sa boses nito. “I’m okay, Mom. Huwag po kayong mag-alala. Kayo po?” Her mother sighed on the other end. “Hindi ako nakatulog nang maayos kagabi. Then, when I woke up this morning ay bumungad kaagad sa akin ang nangyari kagabi sa party ni Andrew. You are

