“IHINTO mo ang sasakyan,” utos ni Erin kay Lyndon. Kanina pa sila paikot-ikot dahil ayaw niyang umuwi muna sa bahay niya. Nang mapadaan sila sa Manila bay ay nagpasya siya roong magpahangin. Mabilis na sumunod si Lyndon at inihinto ang kotse. Mabilis na bumaba si Erin at tumayo paharap sa bahagi ng tubig. Huminga siya ng malalim upang payapain ang dibdib. Muling nag-unahang pumatak ang kaniyang luha kaya mabilis niyang pinahid iyon ng kaniyang palad. She sighed once again ngunit tila gripong patuloy sa pagdaloy ang kaniyang luha. Hindi niya inaasahan ang nangyari ngayong gabi. She trusted Andrew at sa pagkakilala niya sa kaibigan ay hindi ito gagawa ng kahit ano’ng makakasakit sa kaniya. Masama ang loob niya rito dahil hindi manlang ito nagpasabi na gagawin nito ang proposal. Ni wala s

