NAGISING si Erin. Napaunat siya ng kaniyang katawan bago tiningnan ang oras sa relo niyang nakapatong sa bedside table. It was already seven o’clock in the evening at hindi niya namalayang halos dalawang oras pala ang itinulog niya. Plano niya sanang umidlip lang sandali ngunit napasarap ang tulog niya. Marahil dahil sa pagod at inis na nararamdaman para kay Celine at sa bago niyang bodyguard. Nag-ayos siya ng sarili bago bumaba. She’s wearing only her white spaghetti strap blouse match with black butt-hugging mini-shorts that revealed her smooth and sexy legs. Ni hindi siya nag-abalang suklayin ang buhok niyang pinaraanan lamang niya ng mga daliri niya. Iyon ang kadalasang ayos niya kapag nasa bahay lang. Bumaba siya ng hagdanan at pinakiramdaman ang paligid. Tahimik at marahil ay wala

