NANG MARINIG ni Erin ang ugong ng sasakyan sa labas ay agad niyang tinungo ang pintuan upang tingnan kung sino ang dumating. It was Andrew who was going out from the the car na naka-park sa gilid ng kalsada. Agad niyang sinalubong ang binata. Hinalikan siya nito sa pisngi bago inakay ang bagong dating papasok sa loob ng kaniyang bahay. Hindi niya ipinaalam kay Lyndon na pupunta roon ang kaibigan niya at ito ang sadya ni Andrew. She doesn’t like talking to him. Mukha rin namang gusto ng bodyguard niya na hindi naaabala sa ginagawa kaya hinayaan na lamang niya ito. Kaniya-kaniya sila sa loob ng bahay dahil ayaw rin naman niyang pakialaman nito ang mga gagawin niya. They were doing each other a little favor. Hangga’t hindi nito pinakikialaman ang lahat ng ginagawa niya’y walang magiging pro

